Chapter 2

31 3 0
                                    



" Kinakabahan ako! "

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid parang gusto ko na lang magpakain sa lupa ng makita ko kung gaano kadaming estudyante ang manonood. Akala ko hindi sila excuse? Para akong mamamatay sa kaba. Ilang beses kong hinipan ang kamay ko umaasang maiibsan non ang lamig na bumabalot saakin.

" Kaya mo 'yan! Nandoon lang kami sa unahan. Wag mong tingnan yung mga estudyante. Saamin ka lang tumingin. " wika ni Lyra habang hawak ang banner ko.


" Kung mag back-out na kaya ako? "





Nakatanggap ako ng malakas na kutos mula kay Kyler kaya hindi ko maiwasang mapadaing at samaan ito ng tingin. Minsan hindi ko alam kung bakit ko sila kaibigan. Masyadong mapanakit.




" Tanga ka ba, sunod ka na tapos ngayon mo pa naisipang mag back-out! It's your time to shine na Klarissa! "



" For our next contestant, let me call Ms. Agilez, representative of Section A. Let's give her around of applause. "




Para akong napako sa kinatatayuan ko nung marinig ko ang pangalan ko, nanlambot ang tuhod ko, ni-hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.





" Oh ikaw na! Dali na, doon lang kami! " sigaw ni Farrah saakin at iniwan ako.




Para akong nasusuka at nanlalamig ang buo kong katawan. Napapikit ako ng mariin bago huminga ng malalim. Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko, tumalon-talon pa ako.



Kaya ko 'to!



Naglakad ako palapit sa stage, agad akong nanigas ng makita ko kung gaano karami ang tao.


Hindi ko pala kaya!



Naramdaman ko na lang na nasuka ako sa sobrang kaba pagkatapos non ay nagdilim na ang lahat.




" Thank god, gising ka na! " sigaw ni Farrah saakin.




Nagising ako mula sa ingay ng dalawa na wala na namang tigil sa pagbabangyan. Hinila ni Farrah ang buhok ko kaya naman hindi ko maiwasang mainis.




" Masakit ah! "




" Gaga ka kasi! " sigaw nito pabalik saakin. Kaya naman nagtataka ko lang itong tiningnan.




" Ano bang nangyari? " Nagtataka kong tanong sa mga ito, nakapamewang naman akong hinarap ni Kyler.




" Do you really want to know? " Tanong ni Kyler kaya naman hindi ko maiwasang taasan ito ng kilay.




" Oo nga, magtatanong ba ako kung hindi? "




" Nagsuka ka lang naman nung papaakyat ka ng stage tapos nahimatay ka! " Sigaw nito saakin, nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya napatayo agad ako.



" Hindi 'yan joke? "




" Sa itsura kong ganito, mukha ba akong nagbibiro? Alam mo bang pinagtatawanan ka ng mga Section C, lalo na yung malanding si Tiffany! " sigaw nito saakin, napatakip na lang ako sa mukha ko sa kahihiyan.





" Nakakahiya. "




" Buti alam mo but don't worry, may maganda pa ring nangyari! Mukhang magkaka-lovelife ka na! " pabirong sambit naman ni Farrah at inabot saakin ang cellphone niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko sa page ng school namin ang picture ko na binubuhat ni Marcus.




Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now