Chapter 16

14 1 0
                                    





"...bakit ano ba tayo? " Tanong ko dito. Nanatili ang katahimikan saamin dahilan para mamuo ang luha ko. He can't even have the courage to fight for me tapos magseselos siya? Bullshit.






" I'm sorry. " Sagot nito saakin.







" T*ngin*ng sorry 'yan Marcus. Hindi 'yan ang kailangan ko! Ang kailangan ko linawin mo kung ano tayo! Ano ba tayo Marcus?! " Sigaw ko dito kasunod no'n ay ang pagtulo ng luha ko. Sinubukan nitong lumapit saakin pero umiwas ako.






" Stop it. Just please stop giving me hopes tapos iiwan mo ako bigla sa ere. Kasi nakakaputa. " Mariing kong sambit at marahas na pinunasan ang luha ko.





" Please Klarissa, just give me time. "





" Hanggang kailan? Hanggang kailan pa ba kita hihintayin? " Tanong ko dito. " Baka naman hindi mo talaga ako gusto. Baka nalilito ka lang. Maybe it's really Tiffany who you like. " Pilit na ngiting sambit ko.




Nanghina ako ng tuluyan ako nitong niyakap. Mas lalo akong napaiyak sa inis sa sarili ko dahil pagdating sa kaniya ang rupok-rupok ko.




" I'm sorry. " Wika ulit nito.



" Ang hilig-hilig mong mag-sorry. " Inis kong sambit. " Tapos eto ako, ambilis-bilis lumambot sayo. "



Hinarap niya ako at pinunasan ang luha ko. " I like you. " Wika nito saakin.




" Mali..." Dagdag niya at natatawang umiling. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha ko.




" I love you. I love you so much Klarissa, kaya wag mo na ulit uulitin na lumapit doon kay Winston kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko sa bwiset na 'yon. "




" Akala ko kung ano ng nangyari. Akala ko talaga babalikan ka ng grupo nila. I was so scared that he force you to come with him. " Wika nito, umiling ako.



" Mabait si Winston, hindi lang siguro kayo nagkaintindihan. Mahal na mahal niya si Tiffany. " Sagot dito, tinitigan niya naman akong maigi.




" Alam mo ba kung gaano kasakit makitang may kasama kang iba? That should be me holding you. That should be me dancing with you. That should be me making you laugh. " Nasasaktang wika nito.


" Pero hindi ko magawa kasi duwag ako pero pangako...pangako Klarissa, pagkatapos ng gabing 'to, makukuha ko na rin ipagsigawan sa mundo na akin ka. "







Napapikit ako ng halikan nito ang noo ko. Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang luha ko. Tangina ang rupok ko sa taong 'to. Inilayo niya ang labi niya sa noo kaya nagmulat na rin ako ng mata. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.






Tinitigan ko ito ng may pagtataka ng abutan niya ako ng earphone.




" Anong gagawin ko dito? "




" Isuot mo sa tenga mo, dali. " Wika nito saakin.




" Bakit? "




" Ang dami mo namang tanong, ako na nga magsusuot. " Sambit nito at kinuha ito saakin. Isinuot niya sa tenga ko ang isa at sa tenga niya naman ang isa pa. Tinitigan ko siyang tahimik na naghahanap sa cellphone niya. Nakangiti niyang inilagay ang cellphone niya sa bulsa niya at hinarap ako.


Halika na, hawakan ang aking kamay at sabay maglakbay
Iwanan na, kalimutan na ang mga problema at sakit na 'yong nadarama

Oh, tatakbo, lalayo
Oh, kasama mong tutungo





Tinitigan niya akong maigi at mahinahong inabot ang kamay niya saakin.





" Hindi kita naisayaw kanina, kaya dito kita gustong yayain, dito sa lugar na walang mga matang nakatingin saatin, hindi dahil ikinahihiya kita pero dahil gusto ko tayo lang sa mundo natin. Ikaw at ako lang, walang Tiffany, walang Winston. " Sambit nito dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.





Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin
Nagniningning ang mga bituin




"Can I have your hand, Ms. Klarissa Agilez? " Tanong nito saakin, inabot ko naman ang kamay ko dito. Inilagay niya 'yon sa balikat niya at hinawakan ang braso ko.




Oh, kay sayang makita ang liwanag ng buwan sa iyong mga mata
Alam ko na jyong nadarama ang init na dulot ng ating pagmamahal
Oh, tatakbo, lalayo
Oh, kasama mong tutungo




" Naalala mo nung tinanong kita kung gusto mo akong samahan na takasan ang mundo? " Tanong nito saakin at kalmado naming sinabayan ang tugtog.


" Hmm. "




" Hindi ko inaasahan ang isasagot mo saakin. Hindi ko alam kung bakit pumayag kang sumama saakin. Bakit nga ba? " Tanong nito, napangiti naman ako napailing.

Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin
Nagniningning ang mga bituin

Ooh, ooh
Ooh, ooh
Woah, woah
Woah, woah




" Baka kasi umiyak ka pag hindi ako pumayag. " Natatawa kong biro dito.



" Wow ha. "




" Joke lang. Naisip ko lang, baka kasi malungkot kang mag-isa. Ang lungkot-lungkot mo na kasi ngayon, ewan ko kung bakit, hindi ka namang nagkukwento. " Sambit ko dito.

Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin (damhin ang hangin)
Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay (kasabay) ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin

" Klarissa, whatever happens, just always remember that I love you. " Sambit nito at hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.




The next thing I knew he is kissing my forehead. I could do nothing but close my eyes and feel my heart beating so fast and I don't know how to calm it down.


Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap (nagniningning ang mga bituin)
Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap
Isasayaw ka sa ulap

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon