Chapter 15

14 1 0
                                    


" Hoi Winston, sure kang safe ang buhay ko ah. Mamaya kaladkarin ako ni Tiffany dahil nagselos saatin. "


Nilingon niya naman, hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko kung sino ang date ko dahil talagang mapapatay ako ng mga 'yon. Mabait naman pala 'tong si Winston, mahal niya lang talaga si Tiffany. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

" Don't worry, kargo kita. " Natatawa nitong sagot.



" Mahal mo talaga no? " Wala sa wisyo kong tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata nito. Bumuntong-hininga siya at pilit na ngumiti bago nag-iwas ng tingin saakin at ibinaling ang tingin niya sa labas ng bintana ng kotse.








" Oo naman. Kaya lang duwag ako kaya siya nawala saakin. " Sagot nito, nalungkot naman ako sa sinabi nito. Mahina kong tinapik ang balikat nito pagkatapos no'n ay tuluyang nanatili ang katahimikan saamin hanggang sa makarating kami sa venue ng prom.







" Nandito na po tayo. " Sambit ng driver ni Winston. Tahimik itong lumabas ng kotse. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inabot ang kamay niya saakin. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang kamay nito.







Bumungad saaking paningin ang nagugulat na mga mata ng kaibigan ko. Kahit naman ako nagugulat bakit ako nandito. Nilibot ko ang paningin ko sa napakagandang ayos ng venue. Lumapit si Farrah saakin at marahan akong hinila habang si Winston naman ay kinakausap ng ibang lalaki.





" Hoi, diba 'yan yung ex ni Tiffany? Anong trip mo? " Bulong nito saakin.






" Niyaya ako edi pumayag ako dzuh, kaysa naman maging single ako dito. " Tugon ko.





" Luh palusot mo, kilala kita. Pinagseselos niyo sila si Tiffany, sus wala kayong dalawa sa libro, pag kayo nagkagustuhan. " Naiiling na sambit naman ni Kyler, nakapabilog kaming tatlo.







" Tigilan niyo nga ako. Issue kayo masyado. "





"  Speaking of pinagpapaselos. Ayan na yung dalawa oh. " Wika nito Farrah, napalunok naman ako. Naramdaman ko ang mabilis ng tibok ng puso ko. Natataranta ko itong nilingon.







Parang nawasak ang puso ko nung makita ko itong masayang kasama si Tiffany and what makes my heart feel more pain is when I can't accept the fact that they look good together. They look good with each other. A perfect couple indeed.




" Bagay sila. " Wala sa wisyo kong sambit habang tinitigan ang mga itong naglalakad papalapit saamin. Naramdaman ko ang paghawak nila Kyler sa balikat ko. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ilang beses akong bumuntong-hininga.  Napaangat lang ako ng tingin ng marinig ko ang mga compliments ng mga tao sa paligid sa kanila.




" Wow, you look great together. Kailan ba kayo magiging official? " Rinig kong tanong ng mga tao sa paligid.






" Let's go inside. " Pagyaya ko sa mga ito. Lumapit si Winston saakin at inabot ang braso niya. Nginitian ko naman ito.





" Okay ka lang? " Bulong nito saakin.






" Ikaw. Okay ka lang? " Natatawa kong tanong.




" Ang panget natin, pareho tayong di okay. " Sagot nito dahilan para matawa ako.







" Sa tingin ko walang point 'tong plano natin. " Natatawang kong sambit dito.

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now