Chapter 5

49 22 0
                                    

Chapter 5

Offer


"Usaijas?" kuya Mat asked

"Happy birthday bro!" bati nito at mukhang hindi napapansin ang presensya ko

"U-huh, thank you! I thought hindi ka makakapunta?" tanong ni kuya Mat at palipat lipat ang tingin sa akin at sa kanya. Habang ako tumatagaktak ang pawis dahil nararamdaman ko ang dahan dahan nitong paglapit sa aming pwesto.

"I wanna greet you personally and it's only an urgent meeting na agad rin namang natapos" maikling paliwanag niya

"Ah-ah! So that's it? Thank you for coming!" ani ni kuya Mat sa napipilitang masayang tono

"Uhuh, yeah. Is she your wife? Stella?" he asked. Naramdaman ko ng nasa likod na siya at halos tumigil ang puso ko sa pagtibok. Shit!

"A-ahh no! Si anoo--"

"Ahmm, hi! Nice to meet you, I'm Usaijas. A friend of Mathew" ani niya. Dahan dahan naman akong humarap dahil hindi ko na napigilan ang sarili, baka himatayin ako sa hindi oras!

Ng makaharap ako, nakita ko ang gulat niya na hindi gaanong nagpabago ng reaksiyon niya. As in! Mukhang hindi siya nagulat o na alarma man lang ng makita ako. Agad akong nanlumo, sa hitsura niya ngayon mukhang wala ng akong epekto sa kanya at mukhang naka move on na nga siya gaya ng sabi ni Larah.

"Jes.." he silently said

Hindi naman agad ako nakasagot, I want to cry but my tears is betraying me. For a year, walang pinagbago ang mukha niya, still handsome. I'm glad he's okay, hindi kagaya ko. Wake up Jesiyah! Kung hindi ka okay dapat hindi mo iyon ipakita sa kanya, c'mon! Face it, yan na ang hinihintay mo.

"Uh, so maiwan ko na kayo. Aasikasuhin ko muna ang mga bisita, Usaijas ikaw na ang bahala kay Jesiyah ha!" paalam niya at saka patakbong umalis. Damn you Mathew! Paano mo nagawang iwan ako sa lalaking ito? Bakit kayo umaakto na parang ayos na ang lahat at samantanlang ako hindi pa? Ok! Alam ko na, naipaliwanag na nga pala ng gong gong na ito ang dahilan at ako nalang ang hindi nakakaalam. Bwiset!

"Let's talk somewhere, huwag dito" ani niya at tinitigan ako. Lintik na luha ito ah, bigla nalang bumagsak ng titigan niya! Ano nang gagawin ko? Pati utak ko hindi na gumagana, trinaydor narin ako!

"Ahh. No, wala naman na tayong pag uusapan" ani ko at tinalikuran siya. Oh my God! Sa lahat pa ng magiging kakampi ko sa sitwasyong ito, ang pride ko pa! Pero ano nga naman ang sense? Totoo naman na wala na kaming pag uusapan diba? Oh I forgot! Hinihintay ko pala ang eksplanasyon niya! Tsk. I don't need it!

"Jes..." marahan niya muling tawag

Stop it Usaijas, baka matalo lang ako. Alam mo ang kahinaan ko kaya please stop, hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Kung tinakasan mo ako sa kasal natin sa hindi malamang dahilan, pinapatawad na kita kahit meron paring sakit. I forgive you.

"Mabuti pa Usaijas, wag na nating pag usapan pa ang nakaraan huh? Wala na namang sense yun ngayon diba? Let's just forget it and focus on what happening now" ani ko at dire diretsong umalis. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na nilingon pa, baka sa oras na lumingon ako hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin ka at umiyal sa balikat mo.

Masaya ka na! Ikaw na ang naka move on sa ating dalawa, panalo ka na. Kung sa mga palabas ang mga naiiwan ang nagwawagi bakit sa sarili kong istorya ako pa ang nagmumukhang talunan?

Sa bawat araw na iniisip ko ang muling pagkikita nating dalawa, lagi kong sinasabi sa sarili ko na sasaktan kita, sasampalin at ipaparinig ang mga masasamang salita na gusto kong sabihin pero nabahag ata ang buntot ko at hindi ko iyon nagawa.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now