Chapter 20

30 16 0
                                    

Chapter 20

Pay

Usaijas:
I have no other appointments, I can go now with you. Take your time to get ready, I can wait.

Umirap ako ng mabasa ang message ni Usaijas. Tinotoo niya nga na sasamahan niya ako sa pamimili.

Nasa kwarto ako nakahiga ng biglang mag beep ang cellphone ko at nakita ang mensahe niya. Nasa baba si Sarz kausap si Emma, nagliligawan ata kaya hindi ako bumababa at nanatili sa kwarto at hinahayaan sila duon.

Nakapunta na ako sa resto para ihatid ang mga pinapadalang damit ni Mama, sandali akong tumambay duon para masdana ang paligid pero agad rin naman akong umuwi.

Wala pa ring gaanong kumakain sa resto kaya siguro sobrang nagpupursigi si Mama sa pagkuha muli ng investor dahil ayaw niyang mapasara ang negosyo niya.

It's was 3 of the afternoon ng magtext siya.

Inihanda ko ang isusuot kong damit. Pinili ko ang simpleng dress na may manggas. Fited rin ito gaya ng suot ko noong nakaraan. Naalala ko ang sinabi ni Usaijas na huwag akong magsuot ng kita ang balikat dahil naakit siya.

Tss.

Ayaw niya akong magsuot noon pero gustong gusto niya namang halikan ang balikat ko.

Bumaba muna ako bago maligo dahil nauuhaw ako. Naabutan ko si Sarz sa baba na mukhang aalis na ata.

"Jessiyah." Bati niya.

"Sarz."

"Maraming salamat sa pagpapatuloy." Wika niya at ngumiti.

Ngumiti rin ako.

"Walang anuman. Aalis ka na ba? Nasan si Emma?" Tanong ko at nakitang wala si Emma sa tabi niya.

"Nasa kusina niyo eh, hindi ko alam ano ang ginagawa roon." Wika niya. Tumango naman ako.

Ano nga bang gingawa niya roon at iniiwan ang manliligaw niya sa sala mag isa?

"Ahh, sige tingnan ko lang roon si Emma sa kusina." Paalam ko at pumanhik sa kusina.

Naabutan ko si Emma na nagbabalot sa isang tupperware roon.

Huh?

"Emma?" Tawag ko at bigla naman siyang napalingon agad. Makikita mo ang kaba sa mata niya dahil palipat lipat ito ng tingin.

"A-ate." Nauutal niyang wika.

"Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong.

"Ahh, ano kasi ate. Hindi daw marunong magluto si S-sarz eh may duty siya mamaya kaya ipinagbabalot ko sana. Pwede po ba?" Paliwanag niya.

Tumango naman ako at bahagyang natawa. Kung hindi ko pa pala nahuli ay hindi magpapaalam.

Well, I really don't mind it. Kapatid na ang turi ko kay Emma kaya hindi ako nagiisip ng masama sa kanya. Iniisip ko na kung anong meron kami sa bahay ay parang sa kanya narin.

"Ayos lang naman, hindi ko kailangang magpaalam. Ikaw ang nagluto?" Tanong ko dahil hindi naman iyon ang ulam namin kanina.

"O-opo ate, sorry talaga pinakialaman ko ang kusina para sa m-manliligaw ko."

"Sus, ayos lang. Sige ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo." Wika ko ng medyo natatawa at tumungo sa ref para kumuha ng tubig.

Matapos akong uminom ay natapos na rin siya sa pagbabalot kaya sabay na kaming nagtungo sa sala.

Agad niya iyong inabot kay Sarz na mukhang nagulat naman.

"Ano ito Emma?" Tanong niya at hindi nag atubili na buksan mukhang mas gustong marining ang sagot ni Emma.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now