Chapter 37

14 13 0
                                    

Chapter 37

Batangas

Mali nga ako.

They didn't plan to go here together, nagkataon lang raw na nagkita sila. Pero kahit na! Kung wala ako ngayon dito tiyak na may gagawin sila kapag silang dalawa ang nagpangabot kaya may pinatunguhan rin ang pagpunta ko.

I was about to speak again para sana bawiin yung sinabi ni Usaijas kanina pero hindi ko na nagawa dahil hinila na niya ako paalis roon at naiwan si Riley mag-isa. 

"Bitawan mo nga ako!" I said in the halfway downstairs. Pilit kong hinila iyong kamay ko pero hindi niya inalis iyon.

"Tell me first, bakit mo ako sinundan roon?" He asked a bit madly.

"Hindi nga kita sinundan!" Pagpupumilit ko pa!

"Talaga? Kung gaanoon ano ang sadya mo roon?"

Natigil ako sa pagpupumiglas, now what should I say? Think, Jessiyah! Ano ba ang pwedeng gawin sa rooftop, ha?

Fucked, I'm dead!

"See? Wala kang maisagot."

"So what kung sinundan kita?" Wika ko at sumuko na.

"Bakit mo muna ako sinundan roon?" Taas kilay niyang tanong.

"Wala kang pake!"

"Talaga? Wala akong pake?"

"Oo!"

He smirked. "Do you have a crush on me?" He asked at sumilay ang isang ngiti sa labi niya.

What?

"Ano?" Gulat kong tanong. Kumabog muli ang dibdib ko, the hell?

"Tinatanong ko kung gusto mo ako dahilan para sundan mo ako roon."

"Hindi no!" I said frustratedly. Ano bang klaseng tanong Iyon! I will never liked a guy like him!

"Talaga?"

"Talagang hindi!" Gigil kong wika.

"Kung ganoon, wag mo na akong sundan muli dahil sa susunod baka isipin ko mahal mo na ako." Wika niya at naunang maglakad sa akin.

Naiwan ako roong nakanganga. Ang kapal ng mukha niya! Baka siya ang may gusto sa akin dahil nilibre niya ako ng lunch at binigyan panng milkshake!

Nagpunta lang ako roon dahil baka may gawin na naman siyang milgaro kasama ang Riley na iyon! Napaka-asyumero naman niya na kaya ko siya sinundan ay dahil gusto ko siya!

Hell!

Hindi ko siya magugustuhan! Never! Ever!

Bumaba na ako ng building na iyon at hindi na nagpunta ng Canteen para kumain, nawalan na ako ng gana. Pagkapasok ko ng classrom ay naroon na si Larah, masaya siyang nakikipagkwentuhan kina Elaine at ng makita ako napawi ang ngiti niya at nanahimik bigla.

Galit pa ba siya? Pumikit ako ng mariin at sinabunutan ang sarili, nakakabwiset ang araw na ito!

Dumating na ang teacher at nagsimula na siyang magklase, kahit na masigla ang klase niya, wala parin akong ganang makinig. Kung minsan ay umubub nalang ako kapag nagpapatawa ang teacher at nagtatawanan ang mga kaklase ko, I feel so out of place.

Maaga akong nagpasundo kay Mama noong hapon, inimbita ulit ako ni kuya Mat sa café dahil nagpeperform ulit sila pero tumanggi na ako. Larah was mad at me at tiyak na magagalit lang siya sa akin kung magpapakita ako.

I'm still giving her space to think for forgiving me.

Aminado ako na mali ako, I was in a bad mood kaninang umaga kaya nadala ako at nakapagsalita ako sa kanya ng hindi maganda.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now