Chapter 21

27 12 0
                                    

Chapter 21

Fine

Pagkarating at pagkarating namin roon ay agad akong bumaba at hinanap si Mama kahit na alam kong hindi ko makikita.

Usaijas stayed behind me. Mukhang naiintindihan na ang nangyayari.

Tiningnan ko ang resto.

Nasusunog na nga ito. Napakalaki ng apoy na pilit na inaapula ng mga bombero. I cried at muntikan ng matumba kung hindi lang ako nasalo ni Usaijas.

Why is this happening?

Ilang taon niyang ipinundar ang resto na ito pagkatapos ay matatapos lang ng ganito?

I don't care about the money we lost but the value of this place, my heart is aching.

Mahal na mahal ni Mama ang lugar na ito dahil sa buong buhay niya ito ang hindi niya pinangarap na nagkatotoo kaya ganyon na lang ang halaga nito sa kanya.

"Why is this happening?" I asked kahit hindi ko alam kung sino ang tinatanong.

"Baby, Calm down." Alo niya.

Niyakap ko ang braso niya. He comfort me like how he used to do.

Umiyak lang ako at iniisip ang nasusunog na resto ng maalala si Mama. Biglang lumapit si Sarz, magbabalita at tungkol sa aking Ina.

Agad akong umayos at pinahid ang luha sa pisnge, nanatili naman nasa likod ko si Usaijas at bahagyang iginapang ang kamay sa aking bewang.

"Ang mama ko?" Taning ko agad ng makalapit siya.

"Nailigtas nila ang Mama mo Jessiyah pero hindi maganda ang lagay na kaya minabuti namin na dalhin agad siya sa hospital." Ani niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Yung ibang tao sa loob?" Tanong kong muli ng maalala ang ilang empleyado ni Mama. 

"Walang ibang tao sa loob, Jessiyah. Ang iyong ina lamang ang naroon."

Huh?

Si Mama lang ang nasa loob? Paano?

"Hindi kita maintindihan, bakit ang nanay ko lang ang nasa loob? Baka nagkakamali kayo."

"Hindi, Jessiyah. Ayon sa aming pag-iimbestiga walang ibang nasa loob kundi ang iyong ina. Ang lahat ng inyong impleyado ay ligtas at ang iba pang bisita kaya kami ang nagtataka." Wika niya.

What? Si Mama lang nasa loob noong nasunog?

Is this set up again?

Kagagawan na naman ba ni Papa?

"Ano bang dahilan ng sunog?" Si Usaijas sa aking likuran.

I looked at Sarz again. Trying to find answer on his eyes. Pero nakakapanlumo dahil mukhang hindi niya alam.

"Sorry, pero hindi pa namin gaanong naiimbestigahan. Huwag kayong magalala dahil hindi kaki titigil hanggat hindi namin nalalaman." Wika niya.

Tumango ako.

Posibleng si Papa na naman ang may gawa nito, kaya humnda siya sakin. Sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaang makatakas siyang muli.

How dare him to hurt my mother.

"Ang mabuti pa ay pumunta na kayo sa ospital para tingnan ang kalagayan ng Mama mo, pupunta nalang ako duon kapag may nahanap kaming sagot." Wika niyang muli.

Hindi ako nagsalita at hinayaan si Usaijas na sumagot.

"Alam ko. Aalis na kami." Sagot niya at  hinila ako palayo kay Sarz.

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now