Chapter 9

37 17 1
                                    

Chapter 9

Nickname

Naupo ako roon katabi siya pero tinawag rin siya agad kaya naiwan akong mag isa. Noong una ayaw pa niyang pumunta pero napilit ko naman na ayos lang ako dito.

Gusto ko sanang tingnan pa ang mga naging biktima para kamustahin ang kalagayan nila pero tumawag ang manager ng resto at sinabing kailangan daw ako roon.

Hindi na ako nakapag paalam kay Usaijas dahil nagmamadali ako at hindi mahagilap ng mata ko agad ang prisensiya niya.

From the hospital, I took a cab to my mom's restaurant. 10 minuto lang ay naroon na ako. Naabutan ko ang Manager ng resto kausap ang pulis.

"Good morning po." I greeted.

Napadako naman ang tingin nila sa akin, tatlong pulis ang naroon ang 2 ay naglilinga sa paligid mukhang nag iimbestiga pa at ang isa ay kausap ang Manager.

"Good morning. I'm PO2 Caesar Fuentela" pagpapakilala niya at inilahad ang kamay.

Tinanggap ko naman agad iyon.

"...We are the in charge in this case." dugtong pa nito. Tumango nalang ako.

"I'm Jesiyah Buenamisco. The daughter of the owner of the restaurant." pagpapakilala ko naman din.

"How was the investigation Sir?" tanong ko

"As of now, wala naman kaming nakitang hindi mali. The kitchen is clean pati narin ang mga utensils. Hihintayin nalang natin ang result ng exam na isinagawa sa mga naging biktima." paliwanag niya.

"Wala po bang nagsasampa ng kaso?" tanong ng manager

"As of now, si Mr. De Chavez pa laang ang nagsasampa ng kaso."

"Makukulong po ba ako?" tanong muli ng manager

"Sa kaso ito, walang makukulong pero maaring ipasara ang restaurant na iyan kapag napatunayan na diyan galing ang mga pagkain."

Ipapasara? What the?

Hindi ko maantim na ipapasara ang resto na ito. Dugo at pawis ang inilaan ni Mama para rito at hindi ako makakapayag na ipapasara nalang ito basta!

"At paano naman po kapag napatunayang hindi galing dito ang nakalasong pagkain sa kanila?" tanong ko

"Then your restaurant will be free and---" naputol ang sinasabi niya ng tumunog ang telepeno niya

"...exuse me" ani niya at sandaling lumayo upang sagutin ang tawag.

"Sigurado po ba kayong hindi niyo sasabihin ito kay Maam?" tanong noong Manager

"Hindi na muna. Ayokong maantala ang bakasyon niya."

"Pero baka magalit po siya pagdating niya?"

"Hindi naman siguro. Bahala na." ani ko at medyo naging balisa

"Kumalma po kayo, magaling na pulis daw po si Mr. Caesar na iyan. Maya magtiwala po tayo sa kanya."

Tumango ako. Sa ngayon, walang ibang paraan kundi ang magtiwala sa ngayon.

"Sana nga. Pero wala ba kayong inihaing ibang pagkain galing sa ibang lugar?"

"Wala po. Sobrang urgent po ng request ni Sir De Chavez noon kaya hindi po kami nakakahawak ng telepono para mag order."

"Sino ba Sir De Chavez?" I curiously asked

Nakakapagtaka lang kasi na sa resto pa ni Mama siya nag pa-party, kung mayaman siya, afford niya ang mas mahal at mas maayos na lugar at usa pa mayaman siya at siguro ay madami ang koneksyon niya kaya bakit urgent ang reservation niya?

BOOK 1: Can We Start Again? [COMPLETED]Where stories live. Discover now