Prologue:

31.6K 352 26
                                    

Prologue:

Isang nerd na kinamumuhian ng lahat, paano ba naman, ako na lang yata ang natitirang matino sa buong school. Kilalang-kilala ang Charleston Academy sa buong lugar namin, maliban sa pagiging tapunan ng mga, sorry for the term, siraulong mga estudyante, hindi rin maganda ang reputasyon nito. Halos lahat yata ng uri ng delinquent students ay makikita mo rito, mga bullies, war freaks, nagbibisyo, walang respeto sa ibang tao at mga guro etc. Pero ang mas nakakalungkot, mga high school students pa lang kami.

Hindi ko rin alam kung bakit dito ako nag-aral at hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Alam kong maluwang ang turnilyo sa ulo ko pero hindi naman ako ganoon ka siraulo. Pero kung tutuusin, maganda naman ang curriculum at facilities ng Charleston. Actually, private school siya at nakakapag-aral pa ako hanggang ngayon dahil sa scholarship na binigay nila. One reason kaya siguro hindi pa ako umaalis dito, dahil sa utang na loob ko sa kanila at dahil kailangan ko sila ngayon. Lahat ng hirap kailangan kong tiisin dito kahit sobra na yung pambu-bully na ginagawa nila sa akin. Kaya kong lumaban pero hindi puwede, baka maging siraulo rin ako katulad nila, mawalan ng scholarship at mapariwara sa buhay. Para sa magandang kinabukasan, kailangan kong tumino dahil mas mahirap pa ako sa daga ngayon.

Kung hindi nga lang dahil sa Charleston Academy, baka nasa kangkungan na ako ngayon. Wala na akong nanay, kamamatay lang niya noong nakaraang bakasyon at ang tatay ko naman, pumunta na yata ng Pluto. Pero biro lang iyon dahil baka mabaliw ako kapag masyado kong siniseryosos ang mga bagay. Wala akong time ma-depress. Naghiwalay raw sila, bata pa lang ako at hindi ko alam kung ano ang rason. Dahil sa musmos pa lang ako noon, hindi ko na rin maalala yung mukha ng tatay ko. Wala ring ipinapakitang litrato ang nanay ko kaya hindi ko alam kung buhay pa ba siya o hindi na.

Isa pang ipinagtataka ko, laging sinasabi sa akin ni mommy nung nabubuhay pa siya na huwag ko raw ipapaalam ang tunay kong pangalan. Hindi ko alam kung may pinagkakautangan ba kami o ano, pero isa lang ang sigurado ako, may matinding rason kung bakit niya ipinapalihim iyon. Noong una curious ako kung bakit dahil pakiramdam ko may kinalaman iyon sa tunay kong pagkatao at natatakot ako, na dumating yung araw na magulantang na lang ako sa mga bagay mangyayari sa hinaharap. Ngayong ako na lang mag-isa rito sa mundong ibabaw at sarili ko na lang ang inaasahan ko, hindi ko alam kung kaya ko na ba o kakayanin ko na bang harapin ang mga bagay na pinilit na inilihim sa akin ni Mommy.

His Missing Fiancée (Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu