[Presko Guy da' moves]

693 24 2
                                    

"Hi Jhinkee" bati niya sa akin using the microphone. Nagkatinginan kami ni John at Marie. Nagkibit balikat ako dahil nasa mga mukha na nito ang panunukso. Hindi ko tuloy malunok lunok ang kinakain kong pancit. Tiningnan ko siya.

"I said.. I like you."

Naibuga ko ang pancit. Naghiyawan naman ang iba naming kasamahan. Sana bumuka ang floor at mahulog ako pababa. Ano bang trip ng lalaking toh? Tahimik lang si Marknell habang pinagpapatuloy nito ang pagkain.

"I like you, will you be my girl?"

Lumakas ang tuksuhan at hiyawan. Naiinis na tumayo ako at nilapitan ito, inagaw ko ang microphone mula dito at ini-off.

"Ano ba ang trip mo?"

"Ikaw."

"Alam mo kung bored kalang sa buhay mo huwag mo akong idamay, tigilan mo na ako pwede? Hindi mo ako madadala sa pancit pancit mo, lamonin mo kung gusto mo." inis na tinalikuran ko siya.

"Hey wait.." pinigilan niya ako sa braso.

"Let go of me kung ayaw mong balian kita ng buto." banta ko sa kanya.

Itinaas nito ang mga kamay. "wooha! hey relax.. I just wanted you to be my girl, that's all.. because I like you."

Umikot ang mga mata ko. At humakbang palayo dito. Nawalan na ako ng gana. Narinig ko ang bulungan ng mga bubuyog kong kasama.

--

"I really like her." sabi ko sa mga kasamahan ni Jhinkee ng umalis na ito.

"If you like her then goodluck to you, she is so very hard to get." sagot ng isa sa akin.

Napaisip ako. Tibo ba ito? di naman siguro. Hindi pa alam ng mga ito kung sino ba talaga ako perhaps magbabago ang tingin niya sa akin pag nalaman niyang tagapagmana ako?

"Anyway what department are you from?" tanong ulit sa akin ng lalaki. Department?

Nginitian ko lang siya at nagpaalam na. I really don't have any idea.

--

"Alam mo Miss Jhin, weird din si guy ha? bigla biglang nag d-dissappear! pero in fairness ang gwapo, ang macho pa so yummy!"

"Tumigil ka nga diyan bakla, bumalik kana sa trabaho mo." pagtataboy ko kay John, sobrang daldal talaga nito.

"Man hater kaba?"

"Bakla hater ako."

"Ay kalerke!"

Napapailing nalang ako at muling nagtama ang mga paningin namin ni Marknell. hays.

- - -

Palabas na ako ng building hindi na ako nag over time ngayon, siguro sa susunod nalang. Nakita ko si Jaybee na naghihintay sa akin katabi ni Manong guard. Kilala narin ito ni Manong, napagkakamalan nga itong boyfriend ko ng hindi nakakakilala sa amin.

"Bff!" tuwang niyakap ko ito. "akala ko di mo ako susunduin ngayon?" 

"Magtampo ka eh." mahinang pinitik niya ang noo ko.

"Namiss kita sobra! may pasalubong ako sayo, nasa bahay."

"I miss you too, umitim ka ah?"

"Salamat sa papuri mo, let's go?" umangkla ako sa braso niya. At nagpaalam na kami kay Manong Guard.

- - -

Marknell Thoughts

"Baka naman si Jaybee talaga ang love ni Miss Jhin kaya di na siya naghanap ng iba? para na kasi silang magjowa eh." naririnig kong chismisan ng kasamahan ko.

"Naku! hindi friend lang talaga sila as in super close. Pero bakit kaya di pa nag bo-boyfriend si Miss Jhin? Maganda naman siya sexy at may pera."

"Sa tingin ko.. baka naloko na siya dati kaya natakot na siya."

Napatingin ako sa taxing sinakyan nila Jhin at ang bff daw nitong si Jaybee. Sobrang hinayang at pagsisisi ang naramdaman ko sa mga sandaling ito. Kung sana sinubukan kong panagutan siya, kung sana di ako natakot sa responsibilidad ko, kung sana.. pero alam kong huli na talaga. Dahil kahit gustohin ko man mapalapit ulit sa kanya, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya..  pero iyong baby namin nasaan? 

"Pare hindi kapa uuwe?"

Napalingon ako at nakita ko doon si Kevin.

"may dadaanan lang muna ako."

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon