Chapter Seven - Love or Lust?

614 15 5
                                    

Mag o-over time ako dahil hindi ko mahahabol ang trabaho ko lalo na't may asungot na gumugulo sa akin. Nagsiuwian na sila hanggang 5PM lang ang office hours namin at siguro mga ten na ako ng gabi mag a-out.

Akala ko ako nalang mag-isa sa office pero may kasama pala ako.. si Marknell.

"Anong ginagawa mo pa dito? tapos na ang trabaho mo, makakauwe kana." pagtataboy ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita, pero umupo siya sa tabi ko habang tutok ako sa monitor ng computer. Pero kunwari lang dahil ang totoo wala sa monitor ang isip ko.

"Gusto mo na ba talaga siya?"

"Bakit? sa tingin mo ba magkakandarapa parin ako sayo? na hindi kita kayang palitan sa buhay ko?" bitter na sagot ko. Ako na bitter.

Muli siyang natahimik.

"Umalis kana."

"Kasama ako sa OT mo." sagot niya at kinuha ang ibang documents sa mesa ko, tinungo nito ang computer nito. Napatingin ako sa kanya. Minsan kahit anong iwas mo, maiisip at maiisip mo talaga ang mga ginawa ng taong minahal mo noon, kahit pa sabihing sandaling panahon lamang iyon.

Nagbaba ako ng tingin ng lumingon siya sa akin. Tumayo ako at tumungo sa restroom. Kailangang maging matigas ako. Tama. Pero paglabas ko ng banyo, kinain ko lahat ng sinabi ko kani-kanina lang, dahil mabilis niyang hinapit ang baywang ko at mariing hinalikan sa labi.

Pilit ko siyang tinutulak pero malakas siya hanggang sa nadadala na ako sa mga halik niya hanggang sa mapaso ulit ako.. gumanti ako ng halik sa kanya, hindi ko namamalayang naisandal na niya ako sa dingding. Naging mapusok ang mga halik niya sa akin.

"Now tell me na wala kanang nararamdaman pa sa akin Jhin." sa pagitan ng paghalik niya sa akin.

Doon natauhan ako, malakas na itinulak ko siya.  "magkaiba ang love sa lust."

Tumunog ang cellphone ko, si Jaybee tumatawag. Lumayo ako kay Marknell at muling umupo sa mesa ko habang nakasandal parin siya sa dingding.

"Hi Bff. " pinasigla ko ang boses ko.

"Susunduin kita pa out kana ba? malakas ang ulan at bumabaha na ngayon."

Napatingin ako sa labas. Naku nawala sa isip ko na may bagyo pala.  "bff wag na, delikado para sayong magbyahe pa dito. I can take care of myself okey?"

"I'm on my way to fetch you pero hindi na makatawid ang mga sasakyan. Please call me pag nasa bahay kana."

"I will bff. Don't worry about me. Drive safe.. take care.. bye." muli akong sumilip sa labas, napasigaw pa ako ng biglang kumidlat ng malakas .

To the rescue naman kaagad si Marknell at niyakap ako. "takot ka parin sa kidlat." sabi niya.

Humiwalay ako sa kanya. "Umuwi na tayo, malakas na ang ulan kaya delikado na sa atin na magpagabi masyado, madilim narin sa labas."

Pinatay ko na ang computer ko. Sumunod siya sa akin pababa. Tahimik lang kami habang nasa loob ng elevator hanggang sa labas ng building.

"Miss Jhin, iwan niyo nalang po sasakyan niyo dito delikado na po sa inyong mag drive ngayon." Manong Guard.

"Salamat po.. kayo po okey lang po ba kayo dito?"

"Trabaho ko na to kaya hindi na bago sa akin. Teka ikukuha lang kita ng payong at masasakyan." tumingin ito kay Marknell bago patakbong umalis.

"Sabay nalang kayo ni Miss Jhin sa taxi."sabi niya pagbalik sa amin, pumasok na kami sa taxing pinara nito.

"Ma' sa Don Antonio po."

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon