Chapter Ten - Play & pay back time

481 12 2
                                    

Pumunta ako sa likod ng malaking bahay, may nakita kasi akong taniman ng mga roses kanina habang nasa itaas ako.

Natuwa ako dahil mayroon nga at iba iba pa ang mga kulay ng mga roses. Pero mas nagustuhan ko ang pink dahil sobrang cute. Inamoy ko iyon.

"You really love roses.."

Napalingon ako, si Christoff. Iba ang aura niya ngayon, maybe because ordinary lang ang suot nito ngayon? a short and a plain t-shirt but oh damn! ang gwapo talaga nito.. at ang kanyang mga mata..

Napakurap ako, ano bang pinag-iisip ko? ginaya nito ang ginawa kong pag amoy sa roses.

Napatitig lang ako sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang mga kamay ko, pilit ko namang binabawi pero mas hinihigpitan lang niya ang mga palad ko.

"Miss Jhin. Do you love someone?" tanong niya sa akin, pero hindi siya nakatingin sa akin, sa mga roses siya nakatingin.

"Why?"

Niyakap niya ako bigla. Naramdaman ko ang pagmamahal niya, ang yakap na noon ko pa gustong maramdaman kay Marknell.

"I love you Miss Jhin. Gusto kitang maging girlfriend, tuturuan ko ang puso mong mahalin ako. Hindi kita sasaktan.."

Napapikit ako. "I am not yet ready to any commitments now Christoff. Thank you for loving me pero I can't give you the love you deserves now.."

He holds my hands. "IKAW LANG ANG TANGING BABAE NA NAGPARAMDAM SA AKIN NG GANITO. BUKSAN MO ULIT ANG PUSO MO AT PANGAKONG DI KO SASAYANGIN ANG PAGMAMAhAL MO."

Kumalas ako sa yakap niya, he is such a nice man. Pero I know na ang mga salitang iyon ay kukupas din pag tumagal na ang relasyon. Ngumiti ako sa kanya. "susubukan kong bigyan ka ng pagkakataon. Pero hindi ko maiipangakong mamahalin kita agad."

Napasuntok ito sa hangin. "it means a yes right? your my girl na?"

Marahan akong tumango. "yes." napatalon ito sa tuwa at inikot ikot pa ako.

"Hey.. put me down!" natatawa ako sa reaksiyon niya. Ang OA lang kasi ng dating para sa akin.

"I am just so happy! This is my most happiest birthday ever. Thank you! Iloveyou so much!"

"Bukas pa ang birthday mo ah? Ilang taon ka nga ulit? oh.. thirty one!" tumawa ako pero..

"Right age for marriage.." titig na titig siya sa akin. Kinabahan ako kaya niyaya ko na siyang pumasok sa loob ng bahay. Pero hindi niya binibitawan ang mga kamay ko.

- - -

Lahat sila napatingin sa amin, lalo na sa mga kamay namin. Ramdam na ramdam ko ang titig ni Marknell sa akin. Oo hindi ko mahal si Christoff. I am just using him to hurt Marknell. To save myself from misery again, to show him na kaya ko siyang palitan, na kaya kong magmahal ng iba. Na hindi lang siya ang lalaki sa buhay ko, na he was just nothing but a trash to me now.

"Wow! Explain Miss Jhin.. Sir.. explain!" si John na todo ang kilig sa amin.

"She is my girlfriend now." masayang balita ni Christoff sa kanila, habang ako nakatitig lang kay Marknell. Hindi  lang ikaw ang marunong maglaro. Sinasabi ko sa utak ko para sa kanya. Narinig ko ang hiyawan nila at naramdaman ko nalang ang paghalik ni Christoff sa mga labi ko. Napapikit ako, gustong gusto ko siyang itulak pero nanaig ang kagustuhan kong pasakitan si Marknell, kaya tinugon ko ang halik ni Christoff sa mismong harapan niya.

- - -

Naglalakad ako sa dalampasigan, ini-enjoy ko ang marahang paghampas ng maliliit na alon sa paa ko. Namiss ko bigla ang province namin, ganitong ganito kasi ang pakiramdam ko tuwing aapak ako sa buhanginan. Pero pagabi na iyon, may mga ilaw naman kaya safe ang Isla at wala naman sigurong makakapasok na masasamang loob sa Isla.

Naupo ako ng makaramdam ako ng pagod, pumikit at hinayaan ko ang sariling langhapin ang masarap na pakiramdam na iyon. Pero nagulat ako ng may mga kamay na tumakip sa bibig ko. Nagpumiglas ako pero bago ko pa siya ibalibag naring ko ang bulong niya.

"Shhh.. it's me Marknell."

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko at hinila niya ako sa madilim na parte ng isla.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now