Chapter Fourteen - Moving on

446 11 0
                                    

Umiyak ako ng umiyak sa sasakyan ko. Ang sakit iyong tipong pinupunit ang dibdib ko. Mahal ko pa si Marknell pero hindi na kami pwede.. alam ko iyong pakiramdam na maiwanan at ayaw kong maramdaman iyon ni Yas.

Yas loves him so much. I can see it through her eyes, dahil ganun ako kay Marknell noon. Our love story is now over.. ayaw ko ring maging unfair kay Christoff. Special na siya sa akin pero ang puso ko nasa kay Marknell parin. Ibinuhos ko lahat ng sakit sa mga sandaling ito.

Maybe this is my last cry for Marknell. Naalala ko iyong mga sandaling magkasama kami.. bilang lang iyon kung tutuosin, pero ang pagmamahal wala yan sa dami o haba na magkasama kayo kundi nararamdaman iyon sa puso at kung paano mo pinapahalagahan ang mga sandaling magkasama kayo.

- - -

"Good Morning Miss Jhin." si Manong Guard.

"Oh Manong nauna kayo ha?" tumawa ako.

"Miss Jhin three minutes." ngumiti si Manong Guard sa akin. Mabilis na pumasok ako sa loob ng building at mabilis na pinindot ang elevator.

"Hi miss." Napalingon ako, si Christoff. Malapad akong napangiti.

"Hi Mister presko Guy." sabay kiss sa cheek niya.

Hinawakan niya kamay ko. "I love you."

"And I love you too." masaya na ako ngayon, tanggap ko na sa puso ko na wala na si Marknell, nag resigned na rin ito at nabalitaan ko na todo ang pag aalaga nito kay Yas ngayon. Infairness, Yas and I become friends na ngayon. Masaya ako dahil naging maganda ang ending namin ni Marknell sa magkaibang tao nga lang. At heto ako masayang masaya dahil tamang tao na ang pinili ko. At alam ko nasa tamang tao na ang puso ko.

Tumunog ang cellphone ko habang nasa elevator kami, magkahawak kamay. Nasa Tenth floor ang office ni Christoff, bago ako lumabas ay laging may kiss talaga sa labi. hihi. Ako na maganda.  Si Jaybee ang caller ko..

Na excite ako, miss na miss ko na rin ang lokong to ah! Matagal ng di ito nagparamdam sa akin. At marami akong ibabalita sa kanya, for sure matutuwa siya pag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Christoff.

"Sweety si Jaybee." na i-kwento ko na rin kay Christoff ang tungkol kay bff. At gusto na nga niyang ma meet ito.

"Really? go head and talk to him. " nakarating na ako sa third floor. Hinalikan niya ako sa labi. "Umwah! see you later sweety."

Kumaway ako sa kanya at masayang sinagot ang tawag ni bff. "Oh hi bff? my God! where have you been? ang tagal mong nawala? akala ko ba one week ka lang sa baguio? anong petsa na?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Susunduin kita after your work." sagot ni Jaybee.

Napaisip ako, may usapan na kasi kami ni Christoff na magd-dinner sa bahay nila. Pormal niya na akong ipapakilala sa family niya.

"Sorry bff ha? may lakad kasi ako after work eh.. pupuntahan na lang kita diyan sa bahay mo after.. okey lang ba?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. " okey bye."

Napatitig ako sa phone, parang bakit biglang nag-iba si bff? Napailing ako, siguro sobrang pagod lang siya.

- - -

"Sweety kinakabahan ako.. paano pag di nila ako magustuhan?" tanong ko kay Christoff ng nasa labas na kami ng bahay nila. Hinawakan niya ang kamay ko.

"They will like you. In fact, excited na nga si Christy na makita ka ulit eh." inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga. "your beautiful."

Huminga ako ng malalim, enhale exhale ako. Pumasok na kami sa bahay nila. Sinalubong ako ni Christy.

"Noona!" kaagad na niyakap niya ako. "I miss you!" hinawakan niya ako sa braso. "c'mon.. Mommy and Daddy are so excited to see you closely."

Nagpahila na ako dito. Binati ko ang mag asawang Kang. Magiliw na tinanggap nila ako sa pamamahay nila at buong puso nilang tinanggap ang relasyon namin ni Christoff.

Pagkatapos ng dinner ay nagpahatid na ako kay Christoff sa bahay ni bff Jaybee. "thank you .. I am so happy.."

"Take care, next time ko nalang I me-meet ang bff mo. Goodnight sweety.." hinalikan niya ako sa labi bago umalis. Paglingon ko nakita ko si Jaybee..

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now