Chapter Eighteen - If I ever see you again

423 11 0
                                    

Sabi nga nila pagkatapos ng gabi may araw, pagkatapos ng bagyo may liwanag at pagkatapos ng sakit may ligaya. Pinakawalan ko si Mark dahil alam kong may taong labis na nagmamahal sa kanya. Pinalaya ako ni Christoff dahil sa labis na pagmamahal niya. Pinili ko si Jaybee dahil gusto kong maging masaya siya. Lahat tayo nagmamahal, lahat din tayo nasasaktan, lahat tayo nagpaparaya at darating sa buhay natin na kailangan nating mamili.

Hindi man tayo sigurado sa pinili natin at least alam natin kung paano panindigan iyon. Matuto tayo sa pagkakamali natin at ang mahalaga matuto tayong labanan ang hamon ng buhay. Push lang ng push, go lang ng go.

Dahil heto ako ngayon nag po - PUSH! Oo sa wakas magiging Mommy na ako. Apat na buwan na si baby sa tiyan ko ng malaman kong preggy ako, dahil sa mga nangyari hindi ko na napansin na hindi na pala ako nagkaka-period. Hindi naman ako nag-iisa dahil nasa tabi ko ang pamilya ni bff na siyang nagbantay sa akin hanggang sa kabuwanan ko na.

"Push pa sige pa malapit na.. oh ayan na siya.. push!"

Napakapit ako sa kama, hooh! isang ere na lang!! "ahhhhh lumabas kana utang na loob!"

Nanghina ako nang sa wakas nairaos ko rin siya. Naiiyak ako sa sobrang saya lalo na ng marinig ko ang pag-iyak niya.

"It's a boy!" ng maramdaman ko siya sa mga braso ko, lahat ng pagod at sakit nabura lahat iyon dahil sa labis na kaligayahan.. "my baby.."

After three years..

"Mommy I want to play outside please?" ungot sa akin ni Teddybuds. Teddybuds ang tawag ko sa kanya. Iyon kasi ang gusto kong itawag noon kay Jaybee pero ayaw niya dahil hindi daw siya kasama sa mga collection ko ng teddybear. Haha!

"Teddybuds.. you can't okey? Katapos mo lang sa lagnat, you want your Mommy worried again?"

Umiling siya. "no don't want to." pero nakabusangot ang mukha nito, bitbit ang bola niya pumasok siya sa loob ng kwarto at nagtalukbong ng kumot. Sinundan ko siya. Hay father like son nga.

"Okey you win, you can play outside na."

"Yehey!" nawala ang mata nito sa sobrang tuwa. Kaagad na kinuha nito ang bola at tumakbo palabas ng bahay. May parke kasi sa tapat ng bahay namin, kung saan pwedeng makapaglaro ang mga kabataan na gaya ng Teddybuds ko.

"Be careful baby." nagdala ako ng powder, face towel at water. Natuwa ako ng makitang masayang masaya ito habang nag sho-shooting. Pero napatigil ako sa paglapit ng makita kung sino ang lalaking papalapit sa kanya.

- - -

"Hey little kiddo." bati ko sa bata, panay kasi ang tira nito ng bola pero hindi naman nito naiishoot sa ring. Natuwa ako sa kanya lalo na't nawawala ang mga mata nito, nakikita ko tuloy sa kanya ang sarili ko noon.  "what is your name?" tanong ko sa kanya.

"Mommy told me not to talk to strangers.." pinulot nito ang bola at pilit na i-shinoshoot sa ring.

"I'll teach you how to shoot if you tell me your name." kinuha ko ang bola at i-shinot iyon sa ring. Pambata lang naman ang ring. Nagtatalon ito sa tuwa.

"Wow cool!" hinarap niya ako. "my name is Christopher but my Mommy calls me Teddybuds. How about you what is your name?"

Malapad akong napangiti. "I'm Christoff.. nice meeting you little kiddo." kinarga ko siya at pinahawak sa kanya ang bola.

"Okey now shoot!"

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon