[Confession]

409 11 0
                                    

"Bff.." kaagad na nilapitan ko siya, habang nakasunod parin ang tingin niya sa papalayong sasakyan ni Christoff.

"Sino siya?" tanong niya.

Napangiti ako at umangkla sa braso niya. "c'mon let's go inside marami akong ikwe-kwento sayo."

Magkaharap kaming nakaupo sa sofa niya habang panay ang kagat ko ng pizza. "wala na kami ni Marknell, as in wala na." pagbabalita ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon."

"Pero may boyfriend na ako ngayon at mahal ko siya, alam mo tama ka Bff, hindi lang si Marknell ang lalaki sa mundo. Akala ko noon hindi na ako magiging masaya sa lovelife ko, pero tingnan mo ngayon happy ako. Alam mo ba? lage kitang kwe-n-kwento sa kanya at gusto ka niyang maki-"

"Pwede ba tama na?" asik niya sa akin na ikinagulat ko.

"Bff.."

Tumayo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Noong una hindi ako nagpumiglas, dahil walang malisya sa akin ang pagyakap niya pero pilit na hinahalikan niya ako. Itinulak ko siya at malakas na sinampal.

"What's wrong with you huh?"

"Ikaw! Bakit hindi mo ako kayang mahalin ha! Bakit sila nagagawa mong mahalin? Ako.. ako Jhin nandito ako, bakit hindi nalang ako!"

"Bff.. I don't understand you.."

"Mahal kita eh." umiyak na siya. "kaya ako nawala para mag ipon ng lakas na loob na sabihin sayong mahal kita!"

"Pero mahal naman kita bff.."

"I love you Jhin, not because you are my bff but because you are a girl, a woman. Gusto kitang maging girlfriend, maging asawa ko, maging ina ng mga anak ko!"

"Pero bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?"

"PAANO KO SASABIHIN SAYONG MAHAL KITA KUNG SA BAWAT MINUTONG KASAMA KITA LAGE MONG SINASABING MAHAL MO SIYA.."

Napapikit ako. "Mahal kita pero bilang isang kaibigan lang, at may mahal na akong iba, Jaybee. I am sorry.."

Lumapit siya sa akin at lumuhod niyakap niya ang mga binti ko.

"Bff ano ba! tumayo ka nga diyan!" pinipilit kong alisin siya.

"Nakikiusap ako sayo.. please mahalin mo ako.. please ako na lang.. di kita sasaktan.. gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo, nakikiusap ako sayo."

Napaiyak ako. "Jaybee.. hindi ko kayang dayain ang puso ko. Hindi kita pwedeng mahalin sa paraang gusto mo. I am sorry.."

Tinanggal ko ang braso niya at tumakbo palabas sa bahay niya. Ayaw kong mawala sa akin ang bff ko..

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum