[Lonely heart]

461 12 1
                                    

Napahinto ako sa paglapit ng makita kong lumabas si Jhin at niyakap si Marknell habang umiiyak.. balak ko pa namang bugbugin ang lalaking iyon dahil sinaktan nito si Jhin. Pero heto.. at parang magkakabalikan pa yata.

Mabigat ang loob ko na umalis, tama na Jaybee. tama na. Kahit kelan hindi ka niya magugustuhan. Napaiyak ako.

Nag drive ako ng nag drive bahala na kung saan ako mapadpad.. bahala na! Inihinto ko ang sasakyan at lumabas .

"ahhhhh! bakit hindi mo parin siya makalimutan? bakit?" sigaw ko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao, pero wala akong pakialam.

Pakiramdam ko ako na yata ang pinaka walang kwentang tao sa mundo pero nadama ko ang aking ilong dahil parang may tumulo.. dugo.. biglang nagdilim ang paningin ko..

- - -

Nagising ako sa isang hospital, may nagdala daw sa akin pero kaagad ding umalis.

Napabangon ako. Okey na ang pakiramdam ko, bumaba na ako sa kama. Pumasok ang isang mag edad ng doktor.

"Dok ano pong nangyari sa akin?"

Iniabot nito ang result ng tests nito. "I'm sorry hijo.. but you have a Leukemia."

Nabitawan ko ang folder na hawak. "No hindi pwede .. no no no.. Dok this is not true. I am healthy!"

Malungkot na umiling ito. "kailangan mong magpagamot agad, you need to undergo treatment para maagapan kaagad ang sakit mo."

"No!" mabilis na umalis ako sa hospital. Nagbibiro lang ang doktor na iyon. Wala akong sakit. wala!

- - -

Pumunta ako sa isa sa pinaka kilalang hospital sa Manila. Alam ko sa sarili ko na wala akong sakit. Nagpapatawa lang ang Doktor, nagkamali lang siya dahil matanda na siya. Pero ganoon at ganoon parin ang naging resulta. Tatlong hospitals pa ang pinuntahan ko at lahat sila nagsasabing may Leukemia ako.

Napaiyak ako pagkapasok sa bahay. Ano ng gagawin ko? Paano na ako ngayon? Marami pa akong pangarap, mga bagay na gusto ko pang gawin! I don't want to undergo chemotheraphy, dahil mas iiklian lang nun ang buhay ko. Paano na si Jhin pag wala na ako? Sino na ang mag aalaga sa kanya? Ang kanyang tatakbuhan pag natatakot o nasasaktan siya?

Napasuntok ako sa dingding. "Lord! Bakit ako pa! Wala naman akong ginawang mali, sinunod naman kita ah. Nagpakabuting tao naman ako pero bakit? Bakit hindi nalang ang mga walang kwentang tao? Ayaw ko pang mamatay!"

I questioned God all over again. Hindi ko matanggap na ako pa ang nagkasakit. Alam ko na may mga taong gumaling sa sakit na Leukemia pero ang chance na iyon ay imposible sa akin. They been through hell first, the medication slowly kills our body. And I don't want it to happen in me.

Tumayo ako. Kailangan ko ng pagbabago sa sarili ko, sinunod ko ang tama pero anong napala ko? Wala! Kaya kukunin ko ang taong mahal ko sa ayaw at sa gusto man ng pagkakataon. She will be mine and make her love me no matter what.

- - -

Accounting Department TRIP and a birthday party for Christoff @ Kang's Private Island

Napayakap ko ang sarili ko ng dumampi ang malameg na hangin sa balat ko. Thirteen kami lahat sa bahay na iyon kabilang na si Christoff pero ang laki laki pa ng space. Sumakay kami ng bangkang de motor dahil nasira ang makina ng service nila Christoff. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jaybee.

Ano na kaya ng nangyari sa bff ko? pero laging ring lang iyon ng ring. Busy ba ito? nag text ako sa kanya .

bff kol me pag d kna bc ah . miz u

Napatingin ako sa malawak na dagat, nasa second floor kasi ang mga babae at nasa baba naman ang mga boys. At mula sa kinakatayuan ko kitang kita ko ang malawak na dagat at mga ilang bangkang nangingisda.

Hindi ko alam if kami na ba ulit ni Marknell? basta niyakap ko lang siya at nang okey na kami pinauwe ko na siya. Do I just feel sorry for him or I still Love him? Napabuntong hininga ako.

"Miss Jhin, lalim nun ah?" si Sally. Tumabi siya sa akin.

"Ang ganda dito no? Ang sarap pa ng hangin.."

"Uo nga eh.. buti nalang at may pumalit sa atin dun sa office. Sarap ng buhay na ganito. "

Nag agree ako sa kanya. Ilang minutes na rin ang lumipas at hindi pa ako tinatawagan ni bff. Maybe busy talaga as in too busy? nakakasama na ng loob ah?

 =============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now