[Oh my bossing]

658 20 2
                                    

Bawat isa hindi mapagilan ang mapahanga sa akin. Syempre, twenty seven na ako but I really look younger than my age. Lumapit ako kung saan naka pwesto ang mga ka teammates ko. Titig na titig sila sa akin.

"Oh dear, is that really you Miss Jhin? you are so pretty!" si John.

Welcome party iyon ng C.E.O ng One's Heart Insurance Company na si Mr. Allan Kang. At ipapakilala narin nito ang tatlong anak nito at misis for the very first time. Minsan ko lang nakita at na meet and greet si Mr. Allan Kang nung minsang nagpapulong ito ng meeting sa lahat ng head personnel sa lahat ng departments.

"Thank you." I am just wearing a formal simple black dress pero lutang na lutang ang ganda ko dahil narin sa aking light make up at syempre ang aking walang kapantay na confidence.

Napatingin ako kay Marknell and my heart stops for a while, he is so gorgeous in his toxedo formal attire. Kinuha ko ang kopita na inilalako ng waiter at inisang lagok iyon.

"I am so excited, makikilala  ko na rin sa wakas ang aking future!" kinikilig na sabi ni John.

"Ang landi landi mo talaga, as if naman papatulan ka nun!" si Marie.

"Alam mo Mars? bakit may feeling ako na type mo ako?" John.

"Ako? magkakagusto sayo? tsaka na pag na tomboy ako."

Natawa ako sa dalawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na muling tingnan si Marknell. At muling nagtama ang aming mga mata. I can't take it anymore, ang hirap palang magpanggap na di mo kilala ang taong minsan naging bahagi ng buhay mo.

"Excuse me." paalam ko sa kanila.

Tinungo ko ang restroom at doon pilit na pinigil ko ang sariling hindi umiyak. Bakit ba apektado parin ako ka Marknell? bakit? ang haba na ng panahon na lumipas pero ganon parin ang epekto niya sa akin? Inayos ko ang aking sarili at muling nagretouch.

Paglabas ko di ko inaasahan na makikita ko si Marknell. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas sa lugar na iyon. Napunta kami sa likod kung nasaan ang mini-garden. Mabilis na hinalikan niya ako sa labi at muling bumalik ang init sa aming dalawa. Pero kalaunan tumigil siya sa paghalik sa akin ng maramdaman niya ang pagluha ko.

"Jhin.."

"Ganun na ba kababaw ang tingin mo sa akin Marknell? Ha? bakit?" pinagbabayo ko siya habang umiiyak. "bakit ka muling nagpakita sa akin ha! bakit mo ginugulo muli ang buhay ko!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry Jhin hindi ko sinasadya ang mga nangyari noon, maniwala ka minahal kita, hindi lang sex ang habol ko sayo, bata pa ako noon hindi ko pa alam kung paano pahalagahan ang isang relasyon. Huli na ng ma realize ko lahat pero wala kana. Please patawarin mo na ako, para sa anak natin.."

Malakas akong natawa sa sinabi niya. "anak kamo? matagal mo ng pinatay ang anak natin! salamat sa pagpapaalala Marknell pero napakawalang kwenta mong tao!" tinulak ko siya at iniwan ito para bumalik sa party.

- - -

"Hey bruha san kaba galing? at teka.. umiyak kaba?"

"John baka ma-develop ka sa akin ha? awayin pa ako ni Marie." kinindatan ko si Marie. Sukang suka naman ang hitsura ni John sa sinabi ko.

Naramdaman ko muli si Marknell. Pero hindi ko na siya tiningnan dahil baka bumigay ako muli sa kanya. Doon nagsalita na ang emcee ng program. Tinawag na nito si Mr. Allan Kang.

Nagpalakpakan kami lahat ng lumabas si Mr. Kang. Matipuno parin ito kahit may edad na ito, isa itong korean pero Filipino Citizen na ito. Galing no?

"Hello everybody.. good evening. Thank you for being part of our company, thank you for investing and trusting OHIC for many years now. And I am hoping that OHIC will stay strong and stronger and competent for the next many more years. My success, OHIC sucess, our success is our future." sabay libot ng tingin.

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now