[Showing my Love]

572 14 3
                                    

Sa gilid ng building ay may basketball court kaya doon kami. Para sa akin sayang lang sa oras ang patulan ang mga kalokohan ng magkapatid na ito.

"Don't worry Miss Jhin pag chi-cheer ka namin." si John. Eh magpapatalo ako para hindi ko ma i-date ang ugok na kapatid nito. Paramihan kami ng shoot sa sampung tries?

"Before we start, they're changes. If I win, you have to stay away from my Oppa, means the one week trip vacation of your department will be cancelled." narinig ko ang pag 'ay' ng mga kasamahan ko.

"Walang kinalaman ang department ko dito. Hindi nalang ako sasama if ever matalo man ako."

"Nope. You have to win over me. Think about your teammates. This is my rule."

"Miss Jhin huwag kang papatalo please, we deserves vacation!" si John.

Nakita ko ang pagngiti ni Christoff. Boyset talaga ah. Kailangan kong talonin si Christy kung ayaw kong kamuhian ng mga kateammates ko, pero pagnanalo ako i-d-date ko rin tong mokong na to. kainis grr.

Ito ang nauna, out of ten naka six shoots ito. She's good. It's my turn now. Huminga ako ng malalim. Bakit ba sa akin nangyayari ang lahat ng ito? Tumingin ako kay Christoff. Nasa mukha nito ang pag asam na manalo ako. You want to play ha.. tingnan lang natin kung sino ang unang susuko sa ating dalawa.

One to ten, lahat iyon pasok. Oh sorry nalang ito, bata palang ako ay praktisado na ako ng ama ko sa basketball as in na nganga silang lahat sa akin. Lumapit ako kay Christoff.

"Happy now.. Sir?" sabay apak sa paa niya.

"W-wow.. ang galing mo." anito habang lukot ang mukha sa sakit.

Lumapit sa akin si Christy, inilahad nito ang palad. "congrats, take care of my Oppa."

Tinanggap ko ang palad niya at may ibinulong dito. "I don't like him."

Napangiti ito. "but I like you for him, Noona."

Nang tingnan ko si Marknell, nasa mukha nito ang matinding lungkot. At parang may kumurot sa puso ko. TangNang pagmamahal na ito. Shit lang!

- - -

"Ginawa mo ba 'yun para ma i-date ako?"

Hay Lord bakit mo po binuhay ang tsinitong ito? ubod ng kulit. Hinarap ko siya.

"Spell asa?"

"A-S-A."

Napatakip ako sa tainga ko ng pumasok sa office namin. Nagsibatian kaagad ang mga ibang ka teammates ko dito.

"Answer me." kulit pa nito. "ginawa mo ba iyon para ma i-date ako?"

"Sir-"

"My name is Christoff not Sir."

Grabe ang lakas talaga mambweset ng lalaking ito ah. "anong gusto mong marinig? masarap na kasinungalingan? o masakit na katotohanan?"

Napatingin ito sa kisame, hindi siguro maarok ng utak nito ang sinabi ko, buti nga ng magdugo ang ilong nito. Umupo na ako sa mesa ko, tumayo lang ito sa harapan ko. Naiinis na tiningala ko siya hindi ako makapag trabaho ng maayos!

"What do you want?"

"I want you."

Nagsigawan ang mga ka teammates ko, maliban kay Marknell. wait? matamis akong napangiti.. sabi nga nila, ngipin sa ngipin, mata sa mata.. sakit sa sakit! mararamdaman mo na rin ang sakit ng ginawa mo sa akin noon Marknell!

Sinulat ko ang number ko sa papel. "call me later and let's talk about our date." and smile sweetily.

Nasa mukha niya ang hindi makapaniwala, but then again natuwa siya at parang batang nagsusuntok pa sa hangin. Is he really that serious about me? but boys are boys, sa umpisa lang gagawin kang prinsesa pag tumagal na para kang basahan kung itapon.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..

Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now