[Your heartaches, My Heartaches]

565 13 4
                                    

"Jhin.. iyong tungkol kagabi -"

Hinarangan ko ang mga labi niya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko, okey na ang panahon kaya pwede na akong umalis at umuwi tutal sabado naman kaya half day lang ang pasok namin at mayang hapon pa ang pasok ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Jhin.. ginusto natin pareho ang nangyari kagabi.. gusto ko sanang maging tayo ulit."

Sasagot na sana ako ng YES pero may kumatok sa pinto, baka ang mama niya. Inayos ko ang sarili ko.

"Babe!" mahigpit na niyakap siya ng babae, napatda ako. Babe?

"Nag alala ako sayo ng sobra, pinuntahan kita sa pad mo buti nalang at tumawag si Tita sinabi niyang nandito ka. Sorry kung di ako nakapunta dito kagabi ah? hindi na kasi makaderetso iyong mga sa-" napatingin ito sa akin. "babe sino siya?"

I was just like? shit mas doble ang sakit sa puso ko, bakit hanggang ngayon Marknell? tiningnan ko sila dalawa at plastic na ngumiti.

"I am his ex gf. An ex." tinulak ko si Marknell at nagtuloy-tuloy sa labas, naiiyak ako. Nagpara ako ng taxi ng makarating ako sa kalsada.

"Jhin wait sandali!" kinatok niya ang taxi. "I will explain, please."

"Manong alis na po tayo."

Nakita ko rin ang paghabol niya sa taxi, pero ang pagmamahal ko para sa kanya natabunan na ng galit at pagkamuhi. Tama na ang katangahan ko. Tama na.

- - -

Napasuntok ako sa pader ng hindi ko na matanaw ang taxing sinasakyan ni Jhin. Laglag ang balikat ko na bumalik sa bahay at doon nakita ko si Yas na umiiyak. Tumayo ito ng makapasok ako sa loob.

"Babe.. bakit?" naiiyak na sabi niya "mahal mo pa ba siya ha? kaya kaba nanlalamig na sa akin dahil sa kanya?"

"I'm sorry Yas.. pero oo mahal ko parin siya.. hindi parin nawala ang pagmamahal ko para sa kanya. I'm sorry."

Pinagbabayo niya ako. "ginawa ko naman lahat para sayo ah? ano pa ba ang kulang? ibinigay ko sayo lahat lahat! kahit ayaw ng parents ko sayo pinaglaban kita kasi mahal kita eh, inintindi ko lahat sayo tapos ito lang ang igaganti mo sa akin? Babe limang taon na tayo! Five years!"

Oo naawa ako kay Yas pero anong magagawa ko. "saktan mo na ako Yas, sampalin mo ako dahil oo napakawalang kwenta kong tao! duwag ako! duwag! pero Yas pinilit ko ang sarili kong huwag na siyang gustohin, pinigilan ko ang sarili kong wag na siyang mahalin!"

"Tama na!" sinampal niya ako.

"Pero mahal ko parin siya hanggang ngayon! Hindi na siya mawala wala sa isip ko. I'm sorry."

"Mas magaling ba siya sa akin ha? sabihin mo! mas magaling ba siya sa kama?"

"Yas hindi ganun na babae si Jhin."

"So anong tingin mo sa akin? ha? nagsawa kana ba sa akin?!" humagolhol ito ng iyak. "babe.. kakalimutan ko lahat ng toh.. bumalik kana sa akin, hindi ko kakayanin pag nawala ka sa kin, ikaw na ang buhay ko. Please.." niyakap ako ni Yas.

"I'm sorry pero hindi ko pwedeng dayain ang puso ko Yas." tinanggal ko ang mga braso niya at lumabas ng bahay. Kailangan kong makausap si Jhin.

- - -

"Jhin ayos ka lang ba? San kaba galing? kanina pa ako dito sa labas ng bahay mo." si Jaybee. Hinawi nito ang buhok sa mukha ko. Kaya hindi ko magawang magalit sa lahat ng lalaki dahil sa kanya.

Napaiyak ako at niyakap siya ng mahigpit. "bff.." napahagulhol ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya ng mahigpit sa kin. Hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak sa kanya hanggang sa ako na ang kusang tumigil. Inalalayan niya ako papasok sa bahay at kumuha siya ng tubig at pinainom sa akin. Titig na titig lang siya sa akin.

"Is this all about your ex again?"

Marahan akong tumango. "I still love him." sabi ko sa kanya. "pero may iba na siya."

"Siya ba ang kasama mo kagabi?"

Marahan akong tumango. At napapikit.

- - -

Parang gusto kong magwala sa mga sandaling ito, kung nasasaktan man si Jhin ngayon doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko ang paghihirap niya, pero siya hindi niya nakikita ang pagdurusa ko.

Tinabihan ko siya sa pag upo at inakbayan siya. Inihilig naman niya ng ulo sa akin.

"Gusto ko pang umiyak bff, pero wala ng luha.. gusto ko pang makaramdam ng sakit para matigil na ang puso kong mahalin siya pero wala ng space. Gusto ko siyang kamuhian pero bakit di ko magawa?! Gusto ko siyang gantihan pero hindi ko kaya.. hindi ko na alam ang gagawin ko bff."

"Gamitin mo ako para saktan siya." desperado na ako kung desperado, oo handa ko iyong gawin para kay Jhin.

"Nagpapatawa kaba? bff kita kaya hindi kita pwedeng gamitin."

"Seryoso ako Jhin. Gamitin mo ako para makalimutan mo siya, handa ko iyong gawin para sayo."

"Salamat bff.. salamat at nandito ka, mababaliw na siguro ako pag hindi kita kasama. Pero hindi ko yan magagawa sayo dahil bff kita, dahil mahalaga ka sa akin. Gagamit na ako ng iba huwag lang ikaw.. hmm?"

At muli niya akong niyakap ng mahigpit. Sakit. Isa lang talaga akong bff para sa kanya.

- - -

Mabigat parin ang loob ko ng bumangon, linggo iyon at wala akong gana. Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa akin. Masama ang pakiramdam ko at nilalagnat na rin ako.

Pagbaba ko ay may nakahanda ng breakfast sa table. Teka sino nagluto? Ah oo nga pala si Bff. nakatulog na pala ako kagabi sa sofa, inilipat niya pala ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang takip ng pagkain sa mesa at may nakita akong sulat.

'hindi na kita ginising pa, mayroon pala kaming meeting sa baguio kaya mawawala ako ng isang linggo, ingatan mo sarili mo at huwag mo ng isipin ang walang kweta mong ex. pwd ba un? ingat baby.'

Muli kong tiniklop ang sulat nito. Wala akong ganang kumaen at padapa akong nahiga sa sofa. Kinuha ko ang cellphone na nasa center table dahil may tumatawag.

"Hello sino to?" tinatamad na sagot ko. Naubo pa ako. hayst.

"Are you sick?"

"Christoff.. ?"

"Yeah it's me. Hold on honey, I'll be there." yun lang at pinatay na nito ang tawag. Ano bang pingsasabi ng mokong na ito as if naman alam niya bahay ko. At nakatulog na ako dahil sa sama ng pakiramdam ko.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now