Chapter Twenty - My Great Love

666 12 1
                                    

Kaagad nitong nakuha ang loob ni Teddybuds, tuwang tuwa ito dahil likas na madaldal ang aking anak.

"We have same eyes.. and look our skin.." idinikit nito ang braso sa braso ni Christy na tuwang tuwa dito.

"Yeah but you are so cute than me."

"I am not cute, cute is for girls only. I am poge." sabay nag poge points pa ito. Napapailing na lamang ako. Akalain mo nagkasundo kaagad ang mag tita.

May bumusina sa labas. Pagbukas ko walang iba kundi ang babaeng nakita kong kasama ni Christoff sa park kasunod nito ang batang babae na sumugod kay Christoff noon ng yakap.. sila ang mag-ina ni Christoff pero anong ginagawa ng mga singkit na ito? Ako lang ang medyo malaki ang mata ah. At ang liit ko pa sa kanila and ang kutis ko hay.. na insecure ba?

"elow.. " bati sa akin nito.

"Ah yes? Is there anything I could help?"

"I am here to see my friend Christy? I saw her here.. "

Naiilang ako sa titig ng anak niya. Niluwagan ko ang bukas ng pinto. May magagawa pa ba ako? "she's inside." nang muli kong tingnan ang anak niya ay mabilis na kumapit ito sa ina. Mukha ba akong aswang dito? lokong bata ah.

Nagyakapan ang dalawa. At nagsasalita ng kung ano-ano, sumakit ang ulo ko sa salita nilang di ko maintindihan at lumingon ito sa akin sabay ngiti. Aba mukhang ako ang pinag uusapan nila ah. Lumapit sa akin ang anak nitong babae.

"Ajumma do you love Christoff?"

"Cloe.." saway ng Mommy nito. Ngumiti ako dito. "it's alright." hinarap ko ang batang si Cloe.

"Your daddy?"

Umiling ito. "no no not my Appa.. my Christoff."

Naguluhan tuloy bigla ako. Sumasakit na ulo ko! Maya-maya pa'y umiyak na ito. Hala ka?

"Hey why are you crying?" topakin din pala ito, lahat nga siguro ng koreano may mga saltik.

"I want to marry Christoff! I want to marry him!" tas nag ngangawa na ito.

?_?

Dinaluhan ito ng Mommy nito. "Cloe you can't marry Christoff okey?"

"But why? I want to marry him Umma. I love him."

Nagkatinginan kami ni Christy. "she is your little competent." sabay tawa nito.

?_? magsilabas na nga kayooo.  Nakita ko ang paglapit ni Teddybuds dito.

"Your Mom is right, you can't marry Christoff because you are too young for him. Hush. Don't cry your eyes are gone." tinuro nito ang mga mata ni Cloe, akala mo naman iyong sa kanya hindi nawawala.

"I don't like you!" sabay irap sa Teddybuds ko. Hinawakan nito ang kamay ni Cloe.

"Come with me. I'll show you something." hinila na niya ang spoiled brat sa playground nito. Aba ang anak ko, ke bata bata pa dumada moves na, may pinagmanahan nga.

Maiba tayo.. ibig sabihin hindi ito mag-ina ni Christoff?

Inilahad ng Mommy ni Cloe ang palad sa akin. "I am Christoff friend. My name is Yoon and that little spoiled girl is my daughter Cloe. I'm sorry she just admire Christoff so much."

Tinanggap ko ang palad niya, nag bow naman ito parang tutula lang. Kung ganoon pala..

"Mommy!!!!" sigaw ni Teddybuds sa kabila, napatakbo ako. Hay sus ang dalawa nagrambolan na!

"I said I don't like youuuuuu!" gigil na inginudnod ni Cloe ang mukha ni Teddybuds sa unan nitong si sponge bob. -_-

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now