[His Dare Kiss]

673 18 1
                                    

Pagkatapos kong i-parking ng maayos ang sasakyan ko ay dali dali na akong pumasok sa loob, last minutes kasi ako dumarating sa office.

"Morning Manong Guard!" nagmamadaling bati ko ke guard.

Ngumiti siya sa akin. "Five minutes Miss Jhin."

Ngumiti ako sa kanya at nag tuloy tuloy na sa loob para lang mapatda. Anong nangyayari? bakit lahat ng mga ka department ko nasa baba at parang ako ang hinihintay? Kabilang si Marknell.. nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"John? lahat ba kayo sabay sabay na dumating? walang tao sa office natin."

- - -

"Hello hello hello." si Christoff. "hi Miss Jhin?" ngumiti ito sa akin. Ano na naman ba ang balak nito? At isa isa na silang nagbigay sa akin ng red roses.

"Haba ng buhok mo girl!" kinikilig si John habang inaabot sa akin ang red roses na hawak nito.

Nahinto ang oras ko ng si Marknell na ang mag abot sa akin ng roses. Nagkatitigan kami na parang kami lang talagang dalawa doon. Nakita ko ang sadness sa mga mata niya. Mabilis na kinuha ko ang red roses sa kamay niya.

"Christoff.. I am not playing with you. Pati ba naman mga ka teammates ko sinasama mo sa mga kalokohan mo?" tiningnan ko sila. "sige na, umakyat na kayo."

"No. They will stay.. right people?" ngumiti si Christoff sa akin at dahan dahan na lumapit sa akin.

"And who do you think you are? I will report this to Management." matapang na sabi ko.

Huminto siya sa harap ko. "I told you, I like you." at sa isang iglap ginawaran niya ako ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at isang malakas na sampal dito.

Naglaglagan ang mga red roses na hawak ko at nagkalat iyon sa sahig. Umiiyak ako habang patakbong pumasok sa elevator. Lahat nalang ba sila paglalaruan ako!

- - -

Nagtuloy tuloy ako sa office, pinahid ko ang mga labi ko. Wala itong karapatan na paglaruan ako. Napatakip ako sa mukha sa sobrang inis. Naramdaman ko ang isang presensiya. At nakita ko ang isang panyo sa mesa ko. Si Marknell.. dumeretso na ito sa cubicle nito. Napatingin ako sa panyo, kinuha ko iyon at suminga doon. Sunod sunod na nagsipasukan na ang iba.

"I'm sorry Miss Jhin." si Marie. "hindi namin alam na sobrang bilis naman pala niya!"

"Sige na, magtrabaho na tayo." napatitig ako sa panyo. Tiningnan ko si Marknell, busy na ito sa ginagawa.

- - -

Inaabangan ko ang pagbaba ni Miss Jhin para sa lunch break, galit na siya sa akin, hindi ko dapat ginawa iyon. Napatayo ako mula sa pagkaka upo ng makita siya, hindi niya ako tinitingnan.

Hinawakan ko ang microphone. "Miss Jhin..  I'm sorry.. I just don't know how to make you mine. believe me I really like you. So please I'm sorry?"

Hindi ito nagsalita habang naririnig ko naman ang hiyawan ng iba. Umupo ito at nagsimulang kumain, totally ignoring me. Binitawan ko ang microphone at nilapitan siya.

"I'm sorry.. hindi ko na alam ang gagawin ko para mapansin mo lang ako, ano ba ang dapat kung gawin?"

Tumingala ito sa akin. "Just leave me alone."

"I can't do that. Whether you like it or not araw araw mo akong makikita dito."

Bumalik na ito sa pagkain. Ignoring me once again. "I'm sorry kung naging harsh o mabilis man ako, but believe me I like you at gagawin ko lahat para mapansin mo lang ako." hindi parin siya nagsalita.

Tumunog ang cellphone ko. Si Daddy..

Napabuntong hininga ako at inilapag ang isang red roses sa mesa niya bago umalis. Hayst si Dad talaga.

- - -

Napatingin ako sa red roses na inilapag ni Christoff at pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Psst.. ano bato lang ang peg? kawawa naman si fafa sana sa akin nalang siya, di ko pa siya pahihirapan." si John.

Tumayo ako at kinuha ang red roses, maganda eh, ilagay ko nalang sa vase sa table ko.. at isa pa I love roses.

- - -

"Oppa!" niyakap kaagad ako ni Christy. Twenty years old na ito pero isip bata parin ito. "Oppa where have you been? I've been looking for you this past few days." pagtatampo nito.

"Oh dear.. I'm with my girls." ginulo ko ang buhok niya. "you have a date now?" tiningnan ko ang attire niya.

"Yes. Do I look pretty now?"

Kunwari nag isip ako.

"Oppa!" reklamo nito.

Tumawa ako at muling ginulo ang buhok nito. "yes you are. Where is Daddy?"

Mula sa itaas bumaba si Mr. Allan Kang, kagaling lang nito sa bakasyon sa Korea kasama si Mommy Choi. Nagpaalam na si Christy, hinarap ko si Dad.

"How was your day at company?"

"Dad.." biglang sumagi sa isip niya si Jhinkee. "It was quite good, the building is quite huge. Nalibot ko na lahat so I'll try my best Dad."

"Good to hear that. Where do you plan to celebrate your birthday son?"

Malapad akong napangiti.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now