[Love regrets]

443 12 1
                                    

"Ano bang kailangan mo sa akin? sex na naman ba? nangangati kana naman ba?" singhal ko sa kanya.

"Jhin akala ko okey na tayo? bakit ganito? akala ko ba pinatawad mo na ako?"

"Akala mo lang iyon. Naawa lang ako sayo kaya kita niyakap, walang malisya iyon sa akin. Kung sa bagay kawawa ka naman talaga. Compared to Christoff? Wala ka sa kalingkingan niya." pang iinsulto ko sa kanya.

"Pero ako ang mahal mo at hindi siya! Ginagawa mo lang ba ito para saktan ako? pwes nakaganti kana, nasasaktan na ako kaya tigilan mo na ang kalokohan mo!"

Itinulak ko siya. "Kalokohan? ganun nalang ba ang bilib mo sa sarili mo ha? sa tingin mo hindi ko kayang magmahal ng iba? na hindi ko kayang makipag sex sa iba? pwes nagkakamali ka! Dahil hindi lang ikaw ang makakatikim sa katawan ko!" galit pero umiiyak ako.

Hinapit niya ako at mahigpit na niyakap. Umiiyak din si Marknell. "Jhin hindi kita minahal dahil lang sa sex. Dahil kung dahil lang doon sana hindi ko hahayaan ang sarili kong magmukhang tanga sa harapan mo ngayon. Minahal kita noon dahil iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Pero bata pa ako noon. I am just twenty one and I still don't know how to handle serious relationship. But I tried alam mo ba iyon?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "I just don't know how. Tapos sinabi mo sa akin na buntis ka na, hindi ko alam kung paano mag re-react, natakot ako sa responsibility. Oo naduwag ako! Pero pinagsisihan ko na lahat ng iyon. Please hayaan mo akong maging ama ngayon.."

Umiyak ako ng umiyak sa sinabi niya. "Pero huli na Marknell.. dahil wala na si baby.. wala na siya. Kaya hindi mo na kailangan maghabol pa sa akin dahil wala kang responsibility sa akin naintindihan mo? wala kang anak." mabilis na tinalikuran ko siya at patakbong iniwan ito.

- - -

Galing ako sa kabilang pampang kung nasaan ang mga gagamitin naming speedboat bukas sana, pero di ko sinasadyang makita at marinig lahat ng conversation nila Jhinkee at Marknell.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaan ko pero naluha ako dahil naramdaman ko iyong pain na nararamdam nila. I feel sorry for her lose pero nakaramdam ako ng galit para kay Marknell. Siya pala ang dahilan kung bakit ayaw na muling magtiwala ni Jhin.

Pero past is just a past, wala akong karapatan na maghimasok dahil wala pa naman ako sa buhay ni Jhin noon.

Kung sana ako ang una niyang nakilala at hindi ang walang kwentang taong sumakit sa puso niya. Nakita ko ang pagtakbo ni Jhin at ang pagsisisi ni Marknell. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. At pinangako kong mapapaibig ko si Jhin at pipilitin kong makalimutan niya ang mapait niyang nakaraan.

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..

Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ