[Seeking my happiness]

501 12 0
                                    

"Miss okey kalang?" inalalayan ko ang isang buntis na babae paupo. Nasa hospital ako ngayon, dadalawin ko lang si Mr. Kang dahil na confine ito dahil sa highblood. Pasaway ang aking ama.

"Ah.. uo.. thank you ha." sagot niya. She looks familiar pero hindi ko alam kung san ko nga ba siya nakita. Tumango lang ako. Kailangan ko ng puntahan si Mr. Kang.

"I'm fine here. I am just waiting for my husband." sabi niya sa akin.

Nagpatuloy na ako sa paglakad.

"Babe I told you, makakasama sayong pumunta mag-isa dito diba? Dapat hinintay mo na lang ako."

Napatigil ako sa paglalakad. Sigurado ako familiar sa akin ang boses na iyon. Paglingon ko nakita ko nga ang taong iyon, si Marknell, maingat na inalalayan nito ang babae.. papasok sa ob-gyne pero si Marknell ang nakita kong kayakap ni Jhin sa parking area!

Is he cheating on her? napakuyom ako. Pero mas inuna ko muna ang ama ko. Mamaya na kami magtutuos na dalawa!

- - -

"Marknell."

Napalingon ako. Katapos lang ng check up ni Yas at nalaman namin na babae ang magiging pangalawang baby namin. Nasa loob na siya ng kotse. "Christoff?"

"Ako nga. Surprised?" tumingin ito sa loob ng kotse.

"It's been a long time, how are you?" masayang kumusta ko sa kanya.

"Kailan mo pa niloloko si Jhinkee?" ang sinagot niya sa akin.

Ha ano daw? "hey man, I don't understand you.. Jhinkee and I are just good friends now." lumabas sa kotse si Yas.

"Babe what's going on?" Napatingin si Yas sa kanya. "Oh.. he is the one who helped me. Thank you."

Hindi nagsalita si Christoff at nag bow lang ito kay Yas.

"Babe, bumalik kana sa loob, he is my long lost friend" hinarap ko si Christoff. "she's my wife Yas."

"But I saw you and Jhinzkee.."

Nag-isip ako, ano bang pinagsasabi ng singkit na to? Napapitik ako sa hangin. "sa parking lot? you just misunderstand it. What you saw between us is not what you are thinking. Doon lang kami muling nagkita after how many years."

Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. Tinapik ko siya sa balikat. Napangiti ako, aba mukhang magiging maganda ang love story nila ah. "go and tell her and this time don't let her go man."

- - -

"Oppa?" gulat si Christy ng pagbuksan ako. Simula kasi ng sirain ko ang buhay ko minsan nalang ako pumupunta sa bahay at isa siguro ako sa dahilan kung bakit na highblood si Mr. Kang.

"Wow what brought you here?" pumasok ako sa loob ng bahay.

"I just need to think right now.." ibinagsak ko ang sarili sa sofa.  "Christy can you do me a favor?"

Malapad siyang ngumiti. "anything just for you Oppa."

- - -

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa, tulog na si Teddybuds. Nakatulogan nito ang panunuod kay sponge bob. Inayos ko ang pagkakahiga niya at tinungo ang pinto.

Oh oh wrong moves.. "Christy? how did you find me?"

"Hi Miss Jhin.. I have a friend here and then I accidentally saw you.. so I'm here.."

Hindi parin ito nagbabago, parang hindi parin ito nadagdagan ng tatlong taon.

Nagdadalawang-isip ako kung papasokin ba siya o hindi. Pero ang una ang pinili ko. "halika ka pasok.."

Pumasok nga siya sa loob at inilibot ang paningin.

"Sorry about the mess.." pinulot ko ang nagkalat na toys ni Teddybuds sa sahig.

Napatitig siya sa natutulog kong anak. Napaiyak ito. "he.. he looks like my Oppa.."

"Yes.."

Nilapitan nito ang anak ko. Ang pamangkin niya. "what is his name?"

"Christopher.. Christopher Kang.."

Tumayo si Christy at niyakap ako, umiyak ito. "I am sorry.. I am sorry."

Napangiti ako habang yakap siya. "kalimutan na natin ang nangyari."

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah! 

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ