Chapter Eleven - For the good times

469 12 0
                                    

Dere-deretso ako sa silid ko at doon ako umiyak ng umiyak. I thought tapos na ako sa pagpapakatanga kay Marknell. Akala ko wala ng luha para sa kanya, pero heto at umiiyak parin ako.

Naghilamos ako at inayos ko ang aking sarili. Kami na ni Christoff, tama lang siguro na ibaling ko sa kanya ang atensiyon ko. Pero ayaw ko ng magbuhos ng sobrang pagmamahal, sabi nga nila dapat mahal lang, hindi mahal na mahal. Para pag nasaktan ka sakit lang hindi sakit na sakit.

Pagbaba ko nadatnan ko si Christoff hinihintay ako, habang iyong iba nasa dining area na. Tumayo siya at ngumiti sa akin. Napangiti na rin ako, hindi mahirap mahalin ang taong labis na nagmamahal sayo. Inilahad niya sa akin ang kanyang mga kamay.

Natawa ako. "parang nasa palasyo tayo ah." hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Your my princess." sagot niya at masaya naming tinungo sa dining area. Kami na lang pala ang hinihintay nila. Nandoon narin si Marknell pero hindi na ito tumitingin sa amin. Pinaghila ako ni Christoff ng upuan.

Pakiramdam ko ako na ang pinaka special na babae sa mundo. Habang nakikita ko ang kilig at saya sa mga mukha ng mga kasama namin except for Marknell of course.

Walang katapusan na kwentohan ang nangyari sa mesa namin habang kumakain at umiinom. Nilingon ko si Christoff at nahuli ko siyang nakipagtitigan kay Marknell. Pero bakit?

"Christoff? okey ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes." sabay inom ng beer.

- - -

Masayang nagtampisaw sa dagat ang mga ka teammates ko. Lalong lalo na si Marie na na miss talaga ang dagat. Panay naman ang iwas ni John sa mga wisik ni Marie.

Habang ako nakangiting nakamasid lang sa kanila. I am a good swimmer, pero parang hindi ko feel ang maligo sa dagat ngayon. Tinabihan ako ni Christoff sa pag-upo at inihilig niya ang ulo sa balikat ko.

"Sweety hindi ka maliligo?" tanong niya. Napasulyap ako sa dibdib niya, wew six pockets. Nakita ko ang pagtitig ni John sa katawan ni Christoff at dumila pa, natatawang pinandilatan ko ito.

"Later., masyado pang mainit." nasa ilalim kami ng puno ng niyog nakaupo. Tuluyan na siyang nahiga sa lap ko at nagpa cute. Tawa ako ng tawa ng pilitin niyang lumaki ang mga mata niya.

- - -

"Pare okey kalang ba?" si Kevin. Tumingin din ito sa gawi nila Jhin. "swerte ni Miss Jhin kay Sir no? gwapo na mayaman pa." komento niya.

Parang may kung anong karayom ang tumusok sa dibdib ko sa sinabi ni Kevin. Dapat ko na bang pakawalan si Jhin? Dapat na ba akong tumigil? Sumisid ako sa dagat. Gusto kong mawala ang sakit, ayaw ko ng ganito.

Pero biglang napulikat ang paa ko! Hindi.. paglutang ko nasa malayo na pala ako at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.. Eto na ba ang katapusan ng buhay ko? kinampay ko ang aking mga kamay pero hindi ko na kinaya..

- - -

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo kaya napa upo si Christoff mula sa pagkaka unan sa lap ko. Nakita ko ang pagkampay ni Marknell, nalulunod na ba ito? or acting again? Nagdadalawang isip ako.. pero hindi parin ito lumulutang!

"Sweety? bakit?" takang tanong ni Christoff sa akin.

Mabilis na tinakbo ko ang dagat at nag dive. Nagulat sila sa ginawa ko. Pilit kong minumulat ang aking mga mata sa ilalim ng dagat.

Marknell nasaan kana ba? Magpakita ka please! piping dasal ko. Sumisid pa ako hanggang sa makita ko siyang papailalim na, niyakap ko ang katawan niya at lumangoy paitaas.

"Oh my God! sila Miss Jhin at Marknell!" bulalas ni John. Tinulungan nila akong buhatin si Marknell papunta sa buhanginan.

Lumuhod ako at diniinan ang dibdib niya. Umiiyak ako.

"Wake up! wake up!" sabi ko sa pagitan ng pag pa-pump sa dibdib niya. Ibinuka ko ang labi niya at binigyan ko siya ng mouth to mouth resuscitation..

- - -

Kitang kita ko ang pag-alala niya, napakuyom ako lalo na nung bigyan niya si Marknell ng CPR. Girlfriend ko siya pero bakit parang ang layo layo niya parin sa akin? and she's crying!

Narinig namin ang pag ubo ni Marknell at pagduwal nito ng tubig dagat. I see her relived.. and happy..

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now