Chapter Thirteen - Let me be with you

439 11 0
                                    

Malalaki nga ang alon gaya ng sinabi ni Kevin sa akin akin pero wala na akong pakialam kung mamamatay man ako sana nga para mawala na ang sakit dito sa puso ko. Isang malaking alon ang paparating.. hinanda ko na ang aking sarili at pumikit..

- - -

"Hanapin niyo sa paligid ng isla." si Christoff sa mga coast guard. Umaga na iyon at tinawagan na namin ang daongan ng bangka sa bayan kung may nakarating ba na bangka kagabi pero ang sabi wala daw.

"Juzko.. Christoff.."

"Shhh.. mahahanap din natin siya okey?"

Marahan akong tumango. Sisisihin ko ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Marknell!

"Sasama ako sa paghahanap.." tiningnan ko si Christoff, tumango ito.

"I'll go with you." sumakay na kami sa sasakyan ng mga coast guard, may nagroronda din mga tanod sa dagat.

Abot abot ang panalangin ko na sana ligtas si Marknell. Kahit paano naging bahagi din siya ng buhay ko.

"Sir nakita na po namin ang nalunod na bangka!" pagbabalita ng isang tanod. Kinabahan ako.

Pinuntahan namin ang sinabi nito. Wala si Marknell! "teka wala dito ang hinahanap namin." si Christoff. Napaiyak na ako.

"This is my fault Christoff.."

"Walang may kasalanan okey?"

"Sir sa kabilang pangpang daw po may natagpuan na tao, nasa clinic na ngayon ginagamot pero kulang sa materyales.. baka po ang kasamahan niyo na.."

Nagkatinginan kami ni Christoff. "sana nga si Marknell na.."

"Tara puntahan natin." sinenyasahan nito ang ibang kasamahan.

- - -

"Marknell.." mabilis ko siyang nilapitan. "Christoff si Marknell nga!" tuwang tuwang hinawakan ko ang mga kamay niya. "thanks God your alive!"

Pumasok ang nurse sa clinic. "kulang kami dito sa gamit, kaya mas mabilis po ang recovery niya pag mailipat po siya sa Manila. Mga basic lang po ang merun kami dito."

Tumango si Christoff na kausap ng nurse. "okey.. thank you." nilapitan niya ako. "everything is okey now." hinalikan niya ako sa bunbunan.

"Thank you Christoff.."

"Anything for you sweety."

- - -

Unti-unti kong iminulat ang aking mata.. puro puti ang nakikita ko.. nasaan na ba ako?

"Dok! Dok! nagising na po siya!" narinig kong sabi ng boses babae. Si Jhinkee kaya siya..

"Jhin.." tawag ko sa pangalan niya.

Lumapit sa akin ang babae at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "pagaling ka ha?" umiiyak na sabi niya.

"Jhin.." muling sambit ko.. malabo pa ang paningin ko dahil siguro sa pagkakatulog ko. Naramdaman ko ang paglapit ng doktor sa akin.

"He's under concious right now.. just keep on talking to him, it will help him recover fast."

Tumango ang babae at muling nilapitan ako.

"Jhin.." tawag ko sa pangalan niya.

"I'm here.. hindi kita iiwan.. magpagaling ka ha? Kailangan kita.. kailangan ka namin.." umiiyak ito. Parang hinihigop na naman ako sa kawalan.

- - -

Tiniis ko ang sakit habang binabanggit niya ang pangalan ni Jhinkee. Sobrang sakit pero kakayanin ko.. para sa kanya.. para sa taong mahal ko. Hinaplos ko ang buhok niya..

"Kailan mo ulit sasambitin ang pangalan ko? miss ko na kasi eh.." napaiyak ako.

"Yas.." napalingon ako sa likuran at nakita ko doon si Jhinkee. Pinahid ko ang luha ko.

"Kumusta na siya?" tanong niya at inilapag ang dala nitong prutas.

"Nagising na siya kanina.. at sinasambit ang pangalan mo." masakit man pero sinabi ko ang totoo.

"Yas.. matagal ng wala sa amin ni Marknell.. may mahal na akong iba ngayon. Uo masakit ang ginawa niya sa akin pero hindi ko siya pinaglaban noon kaya nawala din siya sa akin. Mas nanaig sa puso ko iyong sakit sa pagtalikod niya. Pero ikaw may magagawa kapa.. para sayo.. para sa baby niyo."

Napaluha ako sa sinabi ni Jhinkee. Niyakap ko siya. "salamat.."

Umiyak din siya. "ingatan mo ang sarili mo lalong lalo na ang baby mo.. at sigurado akong magiging masaya si Marknell pag nalaman niyang magiging ama na siya."

Muling sinulyapan nito si Marknell. "mauna na ako.." niyakap ko siya muli, uo napaka buti pala talaga niya, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya di makalimutan ni Marknell. Handa siyang magparaya para sa ikakabuti ng lahat.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Where stories live. Discover now