[Pure love]

440 10 1
                                    

"What are you doing here?" asik ni Marknell sa akin. Pinipilit ko siyang kumain para magkalaman ang sikmura niya pero lage siyang tumatanggi. "I don't need you!"

Tinatagan ko ang loob ko. "ilalapag ko lang tong pagkain.. lalabas lang ako sandali.. kumain ka ha?" tumayo na ako.

"Don't come back." sabi niya. Isang linggo narin itong nakaratay sa higaan at tatlong araw na itong gising at pilit na tinataboy ako. Napakagat labi ako sa sobrang sakit.. lumabas na ako. At sa labas ako umiyak ng umiyak.

"Yas.." tinabihan ako ni Jhinkee. "baka mapano ang baby mo.. tahan na.." hinaplos niya ang likod ko.

"Hindi niya ako kailangan.. ikaw ang kailangan niya.." niyakap niya ako. Tumayo ito.

"Magpahinga kana mona, diba check-up mo ngayon?"

Tumango ako.

"Puntahan mo na ngayon. I'll talk to him." pumasok na siya sa loob at narinig ko ang pagkatuwa ni Marknell ng makita siya.. wala na nga siguro ako sa puso niya.. mabigat ang paa kong umalis.

- - -

"Jhin.." napabangon ako sa kama ng makita siya. Nilapitan niya ako at mabilis na niyakap siya. Umiyak ako. "I know darating ka.. hindi mo ako kayang tiisin.. I know that deep in your heart mahal mo parin ako.. na hind lang awa ang nararamdaan mo para sa akin.."

Kumalas siya sa yakap ko. "Marknell magkaiba ang minahal sa mahal.. uo minahal kita noon pero hindi na ngayon. I just wanted to feel your love after these years, so akala ko mahal parin kita. Pero ang puso ko Marknell natuto ng magmahal ng iba.. natutunan ko ng mahalin si Christoff.."

"It's not true.. naramdaman kong mahal mo parin ako sa beach.. nung nalunod ako.. ang mga tingin mo."

Tumayo si Jhin. "magiging ama kana Marknell kaya ayusin mo na ang buhay mo, this time huwag ka nang duwag."

"A-ako? magiging ama?" tuwang tuwang sabi ko. "buntis ka Jhin? totoo? magiging ama na ako?"

Umiling siya. "uo magiging ama kana, pero hindi sa akin. .kay Yas.. she needs you Marknell. Alam ko iyong pakiramdam na nag-iisa at ayaw kong mangyari iyon kay Yas. Kaya sana ingatan mo siya, samahan mo siya. Kailangan ka niya, kailangan ka ng magiging anak mo."

"No.." para akong binagsakan ng langit. "pero hindi siya ang mahal ko Jhin, ikaw ang mahal ko!"

"Ano gagawin mo na naman ba ulit? ang talikuran ang responsibility mo? ganyan kaba talaga ka duwag? ka selfish?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Aalis na ako at sinasabi ko sayo.. hindi na pwedeng maging tayo ulit. Tapos na ang love story natin, magiging ama kana at ako may mahal ng iba. Pero gusto kong dumating ang panahon na magiging magkaibigan tayo. For old time sake."

At dahan dahan na siyang lumabas sa silid ko.. napaiyak ako sa sobrang sakit. Maybe this is her goodbye.

=============================================================================

Comment, let me know how you feel about it and HIT star for your votes, and please don't forget to follow.. thank you readers..


Luh' yah!

MY GREAT LOVE (PUBLISHED UNDER WEBNOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon