Kabanata 1

6.7K 174 7
                                    

Escape

My lolo is already sixty years old but despite his age, he still looks young as fifty because of how tough he is towards himself and towards his outlook in life. Sa murang edad kasi ay namatay ang ama ko dahil sa airplane crash. My mother, whom I never meet is somewhere living in the states as far as I can remember. Bata pa lang noong huli itong mapag-usapan namin ni Lolo. My grandfather dislike my mother because she is irresponsible and wild. Iyong tipong nagpapakasasa sa buhay without even thinking that she has a daughter who needs her full attention. Nang mamatay daw si Daddy, naging kung sino-sino daw ang lalaki nito forcing my Lolo to shoulder all the responsibilities in raising me.

My grandfather is the only family who raise me. Maaga din kasing namatay si Lola, hindi paman ako ipinapanganak sa mundo. Wala rin siyang naging anak maliban kay Daddy dahil hirap daw magka-anak si Lola.

The sources of my grandfather's wealth is his job as a public attorney under one of the Philippine agency at ang ari-arian nila dalawa ni Lola, usually it's real states and properties na minana din nila sa kanilang mga magulang. Bago din namatay si Daddy ay may naiwan siyang malaking trust funds sa akin. Hindi ko pa nga ito nagagalaw dahil sapat naman ang pera ni Lolo para sa'min dalawa. Hindi din kami maluho kaya sobra-sobra pa ang pera namin kahit hindi na magtrabaho si Lolo. He just like to work because he loves serving people, he loves saving people.

"Zana, ikaw na ang bahala sa apo ko. Kung ano man ang mangyayari, alam mo na ang gagawin niyo hindi ba?"

"Huwag kang mag-alala, Amando. Ako na ang bahala kay Aya. Basta't mag-iingat ka din ha? Siguradohin mo sa araw na susunduin mo kami ng apo mo ay tao ka na naglalakad at hindi multo." Sabi nito na hindi ko alam kung nagpapatawa ba si Manang Zana o seryoso siya sa kanyang bilin.

"Manang Zana naman!" Nahahabag akong napatitig kay Lolo.

"Huwag mong takutin ang apo ko, Zana." Natatawang saad ni Lolo.

"Ginagawa niyo lang biro ang lahat ng ito. Nakakainis kayo!" Maluluha kong sabi. Alam kong ilang beses ng itinuro sa'kin ni Lolo na huwag umiyak at magpadala sa emosyon pero sadyang nalulungkot lang ako dahil sa loob ng labing-siyam taon ko dito sa mundo, ngayon lang ako mawawalay kay Lolo.

"Ang pangaral ko sayo, Allyanna Theadore." Si Lolo.

Suminghot ako kasabay ng pag pigil ko sa aking mga luha. "Sorry po, lo."

He smiled at me saka nag open arms siya. Lumapit ako kay lolo at niyakap siya. "Please take care of yourself, lo. Huwag mong sirain ang pangako mong susunduin mo kami sa probinsya nina Manang Zana."

"I will never broke my promise, Aya. Stop worrying about me. Just think about yourself and Zana."

Niyakap ko lang ng mas mahigpit si Lolo. Dahil sekreto lang ang gagawing pag-alis namin ni Manang Zana papuntang Zaccarrio ay tanging kami lang dalawa ang pumunta sa sakayan ng bus. Lahat ng bodyguards sa bahay at maging ang mga police ay walang alam kung saan kami pupunta. Madaling araw din kami umalis ni Manang Zana para maka-iwas sa mata ng mga bodyguards kahit sobra pa ang paghihigpit ng mga ito sa loob ng bahay. My Lolo didn't trust anyone. Only Manang Zana.

Halos labing-isang oras din ang ibiniyahe namin ni Manang Zana papuntang Almendra, ang sentrong bayan ng probinsiya ng Zaccarrio kung saan siya lumaki at nag dalaga noon. Hindi ko inakalang ganoon pala ito kalayo.

The moment I saw the place, hindi ko agad ito nagustohan. The place is sunny, dry and unlively. Konti lang ang building, maliliit pa iyong iba. Walang masyadong establishamento. Ngunit mayroon naman silang malawak na Plaza, katabi ng Simbahan at Munisipyo at mayroon ding malaking Gymnasium.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon