Kabanata 18

3.6K 94 18
                                    

Family

Maraming tao kahit sa bungad pa lang ng mansyon. Marahil nag umpisa na ang selebrasyon. Sa gate ay may nakita akong dalawang patrol car. Namilog ang mga mata kong napatingin doon.

"Bakit may police patrol sa labas?" Tanong ko ng makapasok na sa loob ng mansyon ang Ford ranger na sinakyan namin ni Heros.

"Nahimatay si Manang Zana kanina sa pag-alala ng hindi ka pa nakita. Mom and Dad got alarmed that's why they called the police ng hindi ka namin mahanap sa iba't ibang parte ng mansyon at pati sa bayan." He replied cooly as he park his car at the front of their big double door.

"Paano mo pala nalaman kung nasaan ako?" Tanong ko ng tinanggal niya ang suot kong seatbelt.

"I have my ways for you, baby." He said and planted a kiss on my cheek. "Don't do it again okay? Don't make me worry like that."

Wala sa sariling tumango lang ako. Parang piniga ang puso ko. Sa sobrang tuwa ng puso ko ay kumirot ito. May ganito palang klaseng emosyon ang maidudulot sa'yo kapag nagmamahal ka.

Nagmamahal.

Those words...

Lumabas kami sa sasakyan. Nasa bungad pa lang ay rinig ko na ang hagulgol ni Manang Zana.

I bit my lower lip at kaagad na tumakbo papunta sa kanya. I hug her immediately. "I'm sorry, Auntie."

"Akala ko na kung anong nangyari sa'yong bata ka! Pinag-alala mo ako ng husto." Humagulgol na sabi ni Manang.

"I'm really sorry po. Hindi ko na uulitin." Muli kung kinagat ang ibabang labi ko sa naramdamang kahihiyan ngayon.

Pinag-alala ko silang lahat. Gumawa pa tuloy ako ng kumusyon at nasira ko ang araw na masaya sana. And it's all because I let my emotion consume me again. Hinayaan kong pangunahan ako ng emosyon ko without thinking of the consequences of my actions.

"Ayos ka lang ba hija?" Tanong ni Tita Mariella sa gilid ko. "Saan mo siya nahanap, Heros?"

"Sa may burol lang, Mom." Sagot ni Heros.

Yumuko ako at umusal ng paulit-ulit ng sorry. "Pasensya na po at nabahala ko po kayong lahat. I'm sorry po." Namuo sa mga mata ko ang luha.

"Oh, hija... Please don't cry na. It's okay na. Pero sa susunod, magpaalam ka kung saan ka pupunta. Natakot lang kami kung anong nangyari sa'yo kaya nagpatawag kami ng mga pulis." Ani Tita Mariella.

"Ano din ba kasi ang nangyari sa'yo hija at bigla kang umalis ng walang paalam sa Auntie Zana mo? Do you have a problem? Pwede mo naman kami kausapin hija." Si Tito Heu.

Napatingin ako kay Heros. He smile at me. Iyong ngiti niya e parang nanunukso lang. Pinagtatawanan niya pa ako.

"Sorry po sa inyo Tita, Tito. Hindi na po mauulit." Tanging nasabi ko.

"Mariella, Heustacio, pasensya na sa abala. Talagang mabilis lang akong mag-alala. Hayaan niyo't pagsasabihan ko ng maigi si Aya." Saad ni Manang Zana.

"Walang problema iyon, Manang Zana. We are here to help kahit ano pa ang problema niyo. We are family, hindi ba?" Malambing na sabi ni Tita Mariella.

Tumango lang si Manang Zana at Tito Heu saka ngumiti. Matapos ng pag-uusap ay pinasalamatan na nila ang mga pulis. Inaya pa nila itong dito na mag haponan kaso tumanggi na ang mga ito't kailangan daw nilang bumalik sa police station.

Pumasok na kami sa mansyon lahat. Sila Tita Mariella at Tito Heu ay pumunta na sa may garden para e check ang mga bisita. Andoon narin pala sina Mayor Hex, Hellina at pamilya del Carmen at inaasikaso ang mga manggagawa. Nakita ko naman si Heros na umakyat papunta sa kwarto niya. Marahil ay magbibihis ito ng damit.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon