Kabanata 9

4K 119 13
                                    

Ngiti

"Aya, halika na't kakain na tayo."

"Opo!" Sigaw ko habang sinusuklay ang aking buhok.

Pinasadahan ko ang suot kong damit sa salamin. I'm wearing maong short, gray shirt and flat sandals. Pupunta kasi kami ngayon sa palengke para makapamili ng pagkain. It's been a week since we stayed here in Zaccarrio.

I swipe my liptint once on my upper and lower lips then I'm done. Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba.

Nasa gitna na ako ng hagdanan ng marinig ko ang pamilyar na boses. Napangiti ako hindi ko pa man nakikita ang bisita. Dali-dali akong bumaba at nang nasa sala na ay pumormal ako sa pag lakad at umaktong kalmado kahit nagtatambolan na ang puso ko sa loob.

"Good morning!" He greeted me with a smile.

"Morning." Simple kong sagot at umupo na sa upoan sa dining table.

He sit in front of me at si Manang Zana naman sa gitna. We silently prayed before we started eating.

"Mabuti nalang talaga hijo at hindi ka busy." Ani Manang Zana sabay tingin sa'kin. "Aya, si Heros nalang muna ang sasama sa'yo sa palengke. Bigla kasing sumakit ang tuhod ko't tingin ko'y kailangan ko itong ipagpahinga."

"Po?" Napa angat ako ng ulo at sinulyapan si Heros na seryoso lang na kumakain.

"Siguro'y dahil sa naparami ang kain ko kagabi ng chicharon kaya ito." Aniya.

"Hindi ba't bawal sa inyo 'yan Auntie? May gamot pa po ba kayo diyan?" Nag-aalala kong tanong.

"Masarap kasi ang gawang local na chicharon galing dito sa Almendra at hindi ko napigilan. Pero mayron pa naman akong gamot. Iinom ako pagkatapos nating mag-agahan."

Bumuntong-hininga ako sa pag-alala. "Sige, kaya ko naman po Auntie. Magpahinga nalang po kayo dito sa bahay." Sabi ko at tumango naman siya.

After breakfast ay ako na ang nag hugas ng mga pinggan. Nag volunteer pa si Heros pero hindi ko na pinagbigyan. Nakakahiya pa nga sa kanya dahil pinaki-usapan pa siya ni Manang Zana na pasamahan ako sa palengke. Ayaw ko iyong inoobliga niya ang sarili niya dahil lang naaawa siya sa'min.

"Magpahinga po kayo ng mabuti, Auntie Zana. Babalik din po agad ako pagkatapos mamalengke. Ako narin po ang magluluto ng ulam pag uwi." Sabi ko ng inalalayan kong maka higa si Manang Zana. Heros stood on the other side of the bed at tinulongan din na makahiga ng maayos si Manang. Actually, siya ang tumulong sa pag-akay sa'kin kay Manang Zana dito sa kwarto.

Marahan naman tumawa si Manang Zana sa sinabi ko. "Pag pi-prito lang ng itlog ang alam mo, hija. Pero ayos narin 'yon." Aniya at natawa ulit.

Pakiramdam ko'y naubos lahat ng dugo ko sa mukha sa kahihiyan. Bakit pa sinabi iyon ni Manang na andito si Heros! Nakakahiya. Iisipin niya na naman na bata pa ako dahil hindi ako marunong mag luto. Totoo naman 'yon pero hindi ibig sabihin na hindi na ako mature. Nasanay lang ako na ang mga maids sa bahay ang nagluluto para sa'kin. Buti nga marunong ako mag prito ng itlog at magsaing sa rice cooker.

"Don't worry Manang. I'll help Aya in cooking. You should eat something healthy para gumaling po kayo." Malumanay nitong sabi.

"Maraming salamat hijo. Sana ay hindi kami maka abala sa'yo sa araw na ito." Ani Manang.

Tipid na ngumiti si Heros. His angelic face looks more handsome when he smile. Pakiramdam ko'y no'ng nagpa-ulan ang Diyos ng ka gwapohan ay sinalo niya lahat. His soulful eyes are just very captivating. The reason na natutulala ako minsan kapag tinititigan siya.

"Sunday naman po at walang trabaho. But don't hesitate to call me when you need something. I'm always free of service." Anito sa baritonong boses sabay tawa.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon