Kabanata 10

4.1K 121 4
                                    

Kiss

Magkasalubong parin ang kilay niya kahit naka labas na kami sa palengke at heto kami pauwi na.

The veins in his hands are showing while he's gripping tightly on the steering wheel. Hindi ata maganda na iniinis ko siya. He looks like a beast ready to devour his prey.

Wala sa sarili na inamoy ko nalang ang bulaklak na binigay ni Gio. The scent of it makes me feel calm amidst all the chaos in my life. Nakalimutan ko kung anong klaseng bulaklak ito. Hindi ako usually mahilig sa bulaklak pero simula ata ng mapunta ako dito sa Zaccarrio ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa mga bulaklak.

"You didn't tell me you have a suitor here." Sarkastiko niyang sabi.

"Huh?"

"And it's just been a week. May manliligaw ka agad."

Bumuka ang bibig ko para sagutin siya pero sa huli ay tinikom ko nalang. He look so annoyed kaya nagdadalawang isip akong patulan ang mga sinasabi niya at baka mas lalo lang mag salubong ang makapal niyang kilay.

Nang makarating kami sa bahay ay ganoon parin. Mukhang galit parin siya sa'kin. Habang nilalatag niya ang mga pinamili namin ay umakyat muna ako sa kwarto para i-check si Manang Zana. She's still asleep kaya hindi ko nalang muna siya inistorbo.

Pagkababa ko sa kusina ay nagsisimula na si Heros sa paghahanda ng mga rekados. Umupo ako sa upoan sa harap niya at namamanghang tinitigan siya habang naghihiwa ng bawang. Ni hindi man lang siya naluluha habang hinihiwa ito.

"I told you, ako ang magluluto. What are you doing?"

"Just stay still." Malamig niyang sagot.

Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin kahit naka yuko lang siya. Matapos niyang hiwain ang bawang ay tumayo siya at nag hugas ng kamay sa sink. Nang matapos ay nag punas siya ng kamay at saka hinubad ang kanyang puting shirt.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat! "What are you doing?" Gulantang kong sabi habang nag fi-flex ang muscles sa braso at dibdib niya. His damn chest is hard like a rock. Unti-unting bumaba ang paningin ko papunta sa kanyang mala pandesal na tiyan papunta sa v-line sa baba ng baywang niya.

Shit!

"Bakit ka naghuhubad?" I feel like blushin' kaya agad na tumayo ako at tumalikod sa kanya. Damn this guy!

"Naiinitan ako kapag nagluluto. I'm comfortable cooking when I'm half naked." Sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.

"But you can't be naked here! Andito ako at baka ano isipin nila." I said almost a whisper. Parang ako pa ang nahihiya sa ginawa niyang paghuhubad imbes na siya.

"Hmmm.."

Narinig ko ang langitngit ng sahig. Bahagyang lumingon ako at nakita kong madilim parin ang kanyang mukha. He looks twice mad now. He step closer towards me kaya agad na binalik ko ang tingin ko sa'king harapan.

Sa sobrang tense ay hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya.

"Why do you look so tense?" Malamig niyang sabi.

Parang binabagyo ang mga kulisap sa loob ng tiyan ko. Napahawak ako bahagya sa tiyan ko at pilit na pinakalma ang sarili. Tumikhim ako at pumormal sa pagkakatayo.

"Of course not. Why would I be?" Sabi ko at bahagyang pumiyok pa ang boses ko sa huli.

"Really?" May lalim sa boses niyang sabi. Naramdaman kong lumapat ang init ng tiyan niya sa'king braso.

My cheeks burns by the heat of his touch. I feel like any moment from now, I'll tremble. My knees are like jellys. Kung hindi lang ako nakahawak sa lamesa ay baka kanina pa ako napa-upo.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon