Kabanata 27

3.5K 97 6
                                    

Hot

"Aya pwede mong dagdagan ang chips? Naubos na kasi." Jazmine said as she handed me the bowl.

"May mga kasambahay naman Jaz. Sa kanila mo nalang iutos." Ani Hellina.

Napakurap-kurap ako at napatingin sa bowl na ngayo'y naka lahad parin sa harapan ko. Naguluhan ako kung bakit ako ang inuutosan niya gayon tama naman si Hellina. They have maids all over their house yet why is she ordering me to do this?

"Baka kasi magkatapon-tapon na naman." Giit ni Jazmine habang mas inilahad pa ang bowl sa harapan ko. "Please?" As she pouted her plump lips.

"O-okay." I stuttered and smile at her consciously.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya kahit may namumuong pagka-inis dito sa kalooban ko. I feel like she's doing it in purpose. I just can't get mad because she looks soft and kind to me. Para kasing hindi siya makabasag pinggan.

Nagpatulong ako kay April na kuhanin ang chips. Ako nalang ang nag lagay sa bowl ng maabot nito sa'kin ang isang malaking pack ng cheetos and other chips. Nang mapuno ko na ang bowl ay bumalik na ako sa garden. But all my blood got drained when I see Jazmine sitting beside Heros now. Nakisali narin siya sa mga lalaki.

Umupo ako sa tabi ni Hellina at inilagay ang isang bowl ng chips na pinakuha ni Jazmine. Mukhang hindi naman pala siya kakain e bakit niya pa ako pinakuha?

"I'm sorry about Jazmine. She's kind of a brat." Sabi ni Hellina habang hinihimas ang bump ng tiyan niya. She's smiling ear to ear while they have a staring game with her husband. They both look so in love.

"Ayos lang." Sagot ko kahit hindi totoo.

Tuloyan ngang nawala ang ngiti ko ng makitang naka akbay na ngayon ang isang braso ni Jazmine sa balikat ni Heros. I saw Heros tried hard his posture while trying to ignore Jazmine presence beside her. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong umiiwas naman siya o maiinis dahil kay Jazmine.

She has this aura that she's so soft and gentle and kind but then I sometimes notice that she's just hiding in her facade. Or maybe it's just my assumptions. Hindi naman ako insecure sa kanya pero medyo threathen ako. Kasi siyempre, siya ang great love. For me, great love means that your love for that certain person is unconditional. Jazmine was once Heros unconditional love. And what if bumalik ang feelings ni Heros sa kanya? What if he'll realize that all this time, he's still in love with her?

Napa iling ako sa mga naiisip. Hindi ko na nasundan ang mga sinabi ni Hellina dahil sa mga negative thoughts ko. I should stop overthinking. I should rather trust more to Heros. Isa lang to sa phase na pagdadaanan namin as a couple. If I let myself lose in this then how can we proceed to marriage?

Napa inom ako sa red wine na nasa wine glass na hawak ko. Hindi naman to nakalalasing. Saktong pampasarap lang lalo sa barbeque.

"Aya, hindi ka pa ba matutulog?" Boses ni Manang Zana sa likod ko.

Napa angat ako ng mukha at nakitang humihikab na siya. It's past ten in the evening at karamihan nga inaantok na. Nauna narin si Hellina dahil hindi siya pwedeng mag puyat. Tito and Tita also already went to bed while the Demelis patriarch and matriarch are also excusing themselves already.

Ngunit hindi ko magawang makaramdam ng antok habang nakikita ng dalawang mga mata ko na nag kwe-kwentohan parin sina Heros kasama ng kapatid at brother in-law niya habang umaaligid si Jazmine sa tabi niya.

"Maya maya po." Sagot ko at nginitian siya. "Mauna na po kayo. Susunod po ako."

"Oh siya, sa kwarto ko ako matutulog ha? Hindi ako sanay sa aircon e at nilalamig ako. Ayos lang ba sayong mag-isa ka sa kwarto o gusto mo samahan parin kita?" Aniya at hinaplos ang tuktok ng ulo ko.

Behind Every PlayboyWhere stories live. Discover now