Kabanata 16

3.6K 111 6
                                    

Worthless

Maraming trabahador ang nag tulong-tulong sa paghahanda para sa isang selebrasyon mamayang gabi. Naging masagana kasi ang ani ng palay, corn at maraming asukal galing sa sugarcane ang na i-produce sa pabrika at na i-benta. Tagumpay din ang panganganak ng mga kambing at baboy dahilan para madagdagan ang kanilang alaga sa rancho. Kaya bilang pasasalamat ay nagpasagawa ng selebrasyon sina Tita Mariella para sa lahat ng manggagawa sa kanilang hacienda at rancho.

Halos dalawang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang first kiss ko kasama si Heros. Simula no'n ay naging mas malapit pa kami. We would escape every afternoon and we'd go anywhere to spend time together. Maraming lugar na akong napuntahan sa Almendra. Dinala niya ako sa isang restaurant, sa isang mini park, sa isang tourist spot na may cave, sa isang maliit na museo kung saan namangha ako sa magagandang art craft gawa ng mga taga Zaccarrio, sa isang fish pond at marami pa na hindi ko mabilang.

We'd eat different varity of foods made locally from here. May nakain pa akong isang uri ng ulam na nakalimutan ko ang pangalan, at masarap naman kahit papaano sa panlasa ko. Heros made me experience what it really feels like vacationing. Iyon kasi ang pag-aakala niya talaga. That I came here for vacation.

Minsan nga, sa tuwing magkasama kami, gusto kong sabihin sa kanya ang totoo kong pagkatao. Pero pinipigilan ako tuwing naaalala ko si lolo. My promise to him that I'll never tell my secret about my true identity. At isa pa, ayaw kong sirain ang maganda at nakakatuwang experience kapag kasama ko si Heros.

Being with him feels so surreal. I feel like I'm a butterfly. I'm free. I'm calm. I'm happy. We always kiss when we're alone, lalo na sa isang intimate na lugar. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kanya. Para bang may ibang ako sa tuwing kasama ko siya. I became naughty, sweet and very open. Pero hanggang halik at yakap lang din naman siya sa'kin. He won't even go deeper than that because he respects me a lot. 

Though hindi ko pa siya sinasagot. Hindi din niya naman ako preni-pressure pero minsan dinadaan niya sa biro. I guess we both want to slow it down. We both want to enjoy what we have now.

"Manang Susana, ano po ang maitutulong ko?" Tanong ko ng maupo ako sa high chair sa may counterpart.

Nag mi-mix siya ng macaroni salad. Si April naman ay naghuhugas ng mga pinanggamitan ng panluto at si Manang Auring ay nagluluto ng kaldereta. Ang ibang kasambahay ay abala sa paghihiwa ng rekados at iyong iba'y sa labas na nagluto dahil sa dami ng lulutuin at hindi kasya dito sa kusina. Nagpa-ihaw pa nga sila ng lechon baboy kina Kuya Carding kasama ang taga rancho na mga trabahador. Si Manang Zana naman ay kasama ngayon ni Tita Mariella at may binili sa bayan.

"Kung kaya mo, ikaw nalang ang magpatuloy nito sa pag mi-mix para maumpisahan ko na ang pagpi-prito sa lumpia." Sagot niya.

"Sige po!" Agaran kong sagot at lumapit na sa kanya para pumalit sa pwesto niya.

"Ang bait mo talagang bata." Nakangiting sabi ni Manang Susana.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Bata? Nineteen na po ako, at hindi na bata iyon Manang Susana!

"Nag-aaral ka na ba sa kolehiyo, hija?" Tanong ni Manang Auring.

Tumango lang ako at hilaw na ngumiti. Ayaw ko talaga na tinatanong nila ako sa mga bagay tungkol sa'kin dahil nahihirapan ako sa pag sagot.

"Siguro ay honor student ka lagi, no?" Ani Manang Susana habang inilabas na nito sa refrigerator ang ginawa nilang lumpia kahapon. Ipi-prito nalang ito ngayon.

"Naku, sigurado akong matalino 'yang si Aya. E iyong si Nestor nga, kahit high school lang ang natapos ay ubod ng talino. Matatalino talaga ang mga Alfonso." Saad ni Manang Auring.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon