Kabanata 37

3.7K 120 7
                                    

Crime

Naligo ako at nag bihis. Pinagsuot ako ni Mommy ng simple pero elegante at magandang damit. Ginawa ding braid style ang buhok ko. My baby bangs are a bit longer. Hinayaan ko na itong hindi masali sa pag siklop no'ng inayosan ako ng buhok. Sinideway ko lang sa makabilang temples ko.

My Mom smile at me as we walk down the stairs. Pumalakpak ang aming mga bisita ng ipakilala kami ni lolo sa kanila. Of course, the people already know who we are. For formality lang itong party na ipinahanda ni lolo ngayon. Pasasalamat narin sa mga katiwala at lahat ng masisipag na trabahador niya sa kanyang farm. Ang mga kalapit din naming kapit-bahay ay naimbitahan at malugod din kaming nakipagkilala sa kanila.

Simple lang ang party. Ang bongga lang e ang mga pagkaing hinanda para sa mga bisita dahil hindi naman talaga nasanay sa sosyal na pagtitipon ang mga tao dito 'di katulad nang sa New York na nakasanayan ko.

The party becomes smooth. Lahat ng bisita ay nagkakatuwaan, nag kwe-kwentohan at nagkakainan. Sa labas ay may hinandang videoke si lolo. Karamihan sa naroon ay ang mga trabahador niyang nag-iinuman narin.

Pagkatapos kong kumain kasama sina Lolo at Mommy ay lumabas ako ng bahay at nakisali narin sa iilang mga babae na malapit lang sa videokehan. Umiinom din sila pero hindi katulad ng sa mga lalaki na hard drinks ang mga iniinom. Siyempre dahil ang mga kasama ko ay may mga dala ding mga bata na kung hindi anak e mga pamangkin.

Napansin ko dito sa probinsya nila na maagang nag-aasawa ang mga kababaihan. Siguro nasa mga bente uno o dos e may mga asawa at anak na sila. Pangunahin din nilang hanap-buhay ay ang pagsasaka, pananagat o pagtatanim ng mga gulay at prutas.

Tahimik at nagmamasid lang ako habang naka upo sa pagitan nina Roberta at Alicia. Pabilog ang pwesto ng mga upoan namin at sa gitna ang lamesa na may mga pagkain at inumin. Dahil lima lang ang katulong sa mansyon ay nagpadagdag si Mommy ng sampung extra para lang sa gabing ito.

"Ang ganda ganda niyo talaga Ma'am Allyana. Kilala niyo po ba si Dodong? Iyong pamangkin ni Mang Lando? Ang sabi'y crush na crush ka daw niya, Ma'am!" Natatawang saad ni Roberta.

"Hoy, Roberta! Huwag mo ngang ipagkalat kay Ma'am at nakakahiya." Si Bernadette.

Ngumiti ako at uminom ng juice. "Sino? Iyong matangkad na moreno na nagbabantay sa kwadra ng mga kabayo?"

Tumango si Roberta. "Opo! Iyon po. Tsaka, crush lang naman daw. Hindi iyon magagalit Bernadette kung ipagsabi ko kay Ma'am Allyana. Gustong gusto nga no'n na ipaalam e para daw makarating sa inyo, Ma'am."

Marahang tumawa ako saka umiling. Nagpatuloy ang tuksohan nila sa kay Dodong diumano na may gusto sa'kin. Marami pa silang binanggit na pangalan ng mga kalalakihan na gusto umanong umakyat ng panliligaw nga lang ay pinangungunahan ng takot dahil kay lolo.

"Maglaro naman tayo!" Usal ni Paloma na medyo naka inom na.

Nagtatalo na sila kung anong lalaruin habang pinagmamasdan ko ang ibang mga bisita na nagkakatuwaan din.

Si lolo ay abalang nakikipag kwentohan sa mga ka edaran niya. May ipinakilala pa nga siya sa'king tatlong abogado kanina na ngayo'y kasama niya sa iisang lamesa. Si Mommy naman ay nakikipag sosyalan sa iilan naming kapitbahay. Samantalang si Manang Zana ay maagang nag pahinga sa kwarto nito at hindi ito pwedeng mapagod at mapuyat.

Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay nagbabalik tanaw ako sa ganitong klaseng pagtitipon din noon sa Zaccarrio. It pictures like this only that they have more visitors and their party is grandier than what we have now. Mas marami kasi silang iniimbentahan dahil nga naman nasa politika ang pamilya nila. Samantalang ang mas gusto lang ni lolo ay iyong talagang mga kakilala lang na lubos ang imbitahan ngayong gabi.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon