Kabanata 50

4.7K 130 26
                                    

Celebration

Sakay kay Silvestrus (anak ni Silvester) ay nakipag paligsahan ako kay Heros na ngayon ay naka sakay kay Beastly (anak ni Beast).

"Sabi ko sayo hindi mo na ako kayang habulin. I practice well while I was in New York." Hinihingal kong sambit kay Heros ng marating namin ang tuktok ng burol.

Bumaba ako kay Silvestrus at ganon din si Heros kay Beastly.

Tumatawa siya habang itinatali ang renda ni Beastly sa isang puno. Siya narin ang nag tali sa renda ni Silvestrus dahil abala akong tinatanaw ang magandang tanawin ng Zaccarrio habang ninamnam ang sariwang hangin.

"Pinagbibigyan lang kita." Natatawa niyang sambit.

Sumimangot lang ako saka pinagpag ang suot kong maong pants. My cowboy boots complements my suit today. Nahawa na ako kay Heros na nakahiligan ang mag suot ng de-butones na shirt at maong pants saka cowboy boots.

Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko at bago pa ako maka lingon ay niyakap niya na ako mula sa likod.

Natahimik kami parehas habang tinatanaw namin ang tanawin ng Zaccarrio. Papalubog na ang araw at ang liwanag mula sa langit ang nagbibigay dagdag kagandahan sa tanawin.

Zaccarrio always have a special place in my heart. Ewan ko. Sa lahat ng lugar na napuntahan ko, tanging ang Zaccarrio lang ang nagbibigay sa akin ng kakaibang kasiyahan. Sa tuwing nandito ako, nakikita ko ang sarili ko bilang mas ako, mas malaya, mas masaya, iyong tipong lahat ng kailangan ko andito na kahit simple at tahimik lang na probinsya.

Sa Zaccarrio ko nakilala si Heros at dito unang natuto umibig ang bata kong puso. Nasabi ko na noon na marami akong natutunan dito na babaonin ko hanggang sa pagtanda at ikwe-kwento ko sa magiging pamilya ko, sa pamilyang bubuoin namin ni Heros.

I may have bad memories here but that memories molded me to become who I am today and what I can be in the future. Zaccarrio is such an amazing land. Balang araw, makikilala din ito ng mga tao. Balang araw, papangarapin din ng mga taong pumunta dito at bumisita o tumira. Zaccarrio is the land of beautiful sceneries, good people, great culture and the land for young hearts to grow and learn to love.

"What are you thinking?"

Ngumiti ako. "I was just admiring Zaccarrio. I love it here. I want to live here, Heros."

He chuckle softly. "How about your work in New York? Your medical missions? And your Mom and Senyor Silvestre?"

Lolo went back to Batangas with Manang Zana because they want to live there until their death. Bibisitahin naman namin sila lagi ni Heros buwan-buwan. Hindi pwedeng hindi. Si mommy naman ay bumalik ng New York para asikasuhin ang kompanya. But she's planning to transfer the main office here in the Philippines. Of course magiging mahirap ang gusto niya pero handa naman akong alalayan si Mommy. Heros will help too and he even wants to invest in Mommy's company.

"I already resigned to all of my jobs but I still have a position in Mommy's company though hindi na bilang Psychologist nila. Nagpaalam naman din ako ng maayos sa mga employer ko dati at maayos din nila akong pinalaya." Sagot ko.

"And your medical mission thing?"

Bahagya ko siyang nilingon. "Of course I still do it. I am planning to build an orphanage here in Zaccarrio."

Ngumiti naman ng malaki si Heros. Pinagtaasan ko siya ng kilay. I can read what he's thinking.

"Why do you look so happy?"

Pigil niya ang ngumiti at nag iwas siya ng tingin.

"I didn't say anything." Natatawa niyang sambit.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon