Kabanata 31

3.7K 124 17
                                    

Leaving

Pinalis ko ang mga luha sa'king mga mata. Kung tunay niya akong mahal e di sana sinundan niya agad ako. He should come after me. He should chase me. But he didn't.

Hanggang sa makarating ako sa garahe at makita si Richard na may dalang supot.

"Aya naman! Saan ka ba galing? Kanina pa ako rito at kailangan ko na si Silvester para maka balik na ako sa ra-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng makita niya akong luhaan. Tinapat ko si Silvester sa harapan niya saka ako bumaba. Umikot ako saka inabot sa kanya ang renda ni Silvester.

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalala niyang tanong.

Mapait na ngumiti ako. "Salamat." Matapos ay bumalik na ako sa loob ng mansyon. Wala akong paki alam kung makita nila ako galing sa pag-iyak.

Ngunit nasa pintoan pa lang ako ay nakita ko na si Manang Zana. Balisang-balisa siya at mukhang may hinahanap.

"Manang Zana?" Lumapit ako sa kanya pero mabilis niya akong sinunggaban at hinila palabas uli ng mansyon. "Ano pong nangyayari? Ayos lang ba kayo?"

"Aya! Ang lolo mo!" Nanginginig ang labi niya.

Ngayon ko lang nakitang lumuluha pala siya. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang kanyang mga mata. Kinutoban agad ako ng masama. "Ano pong nangyari kay lolo?"

"Nabaril ang lolo mo! Isinugod ngayon sa hospital. Kailangan na nating maka alis dito!" Naghihisterya niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Nadagdagan ang kirot sa puso ko sa balita niya. "Anong ibig niyong sabihin? Ipaliwanag niyo sa'kin ng maayos Manang!" Maging ako'y natataranta at natatakot na din.

"Wala na tayong oras! Kailangan na nating umalis dito. Nasundan na nila tayo." Sabi niya sabay hila sa'kin papunta sa garahe.

"Po? Saan naman po tayo pupunta Manang? Hindi ko po kayo maintindihan!"

Hinatak niya ako sabay lumingon siya sa paligid. "Saka ko na ipapaliwanag. Ang huling sabi sa'kin ng lolo mo kanina bago siya mabaril ay naka pasok na diumano dito sa loob ng hacienda ang isang ispeya. Hindi na tayo safe dito, Aya. Kailangan na nating umalis."

Lumukob sa puso ko ang pangamba at takot. Tumango agad ako saka sumunod kay Manang Zana.

Nagulat ako ng makitang naka antabay na si Mang Manuel sa'min. Mabilis kaming pumasok sa loob at pinaharorot nito ang sasakyan hanggang sa makalabas kami ng hacienda.

"Saan tayo pupunta, Manang?" Napatingin ako kay Mang Manuel. Paano kong siya ang ispeya?

"May tulong na dumating. Kailangan natin makapunta sa tulay ng Sta. Elena. Ando'n naghihintay ang tutulong sa'tin." Sabi niya. "Huwag kang mag-alala kay Manuel. Tauhan siya ng lolo mo."

Takang napabaling ako kay Mang Manuel. "Paano nangyari 'yon?"

"Inutosan akong sundan kayo dito ng lolo mo hija. Pumasok ako sa mga Amante at nagpanggap na driver para bantayan kayo. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Sabi nito.

Mabilis ang pagmamaneho ni Mang Manuel hanggang sa maka lampas na kami sa Almendra at nakita ko ang good bye at welcome sign na "You're Leaving Almendra' at 'Welcome to Sta. Elena'. Sa pagkaka-alala ko, ito ang unang bayan ng Zaccarrio kung galing ka Maynila.

Nang malagpasan namin ang mga sign na yari sa bato ay biglang may sumingit na sasakyan sa aming gilid. Bago ko pa makita ng malinaw ay biglang sumigaw si Mang Manuel.

"Baba!"

Mabilis na hinatak ako pababa ni Manang Zana. Kasabay ng panalangin niya'y rinig na rinig ko ang palitan ng mga putok ng baril. Nag angat ako ng mukha at nakitang may hawak na baril si Mang Manuel habang pinapaulanan niya din ng putok ang sumingit kanina sa tabi namin na kotse.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon