PROLOGUE

364 46 5
                                    

Matapos naming maglaro ng nga kaibigan ko ng volleyball sa taas ng Angano Falls ay umuwi na rin ako. Ala sais na kasi ng gabi, baka hanapin na ako ni papa. Strikto pa naman iyon, lalo na si mama.

"Uuwi kana agad, Klare?" tanong ni Chesca. Isa sa tatlo kong kaibigang babae.

"Sayang naman, maganda pa naman kapag gabi rito. Ang daming alitaptap," sabi naman ni Randy.

"Hindi na, alam niyo naman sila mama at papa. Mahigpit masyado yung mga 'yon kaya hindi ako pwedeng magpalalim ng gabi," paliwanag ko.

Nang makapagbihis ako ay natagpuan ko ang driver namin sa labas ng falls, siguro ay pinadala na ito nila mama.

Sumakay na ako sa loob at kumaway sa mga kaibigan ko. Habang nasa byahe, natanaw ko ang isang bar, sa labas noon ay may kumpulan na tao. Nagsisigawan sila, mukhang nagkakatuwaan.

"Mang Bon, tigil tayo sandali. Please? Tingnan ko lang 'yon saglit," sabi ko at itinuro yung mga taong kumpulan.

Mukhang nagaalainlangan pa siya pero pinagbigyan niya naman ako, "Saglit lang ha? Kapag nalaman ito ni Don Emmanuel malalagot ako doon," paalala niya.

"Ako ang bahala, Mang Bon," sabi ko at kinindatan pa siya.

Nang makasiksik ako ay napunta na ako sa unahan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakita ko. Bakit sila nagbubugbugan? At talagang tuwang-tuwa pa ang mga tao na narito!

Habang sumisigaw ang mga tao ay may hawak silang papel na pera. Pustahan ba ito? Mas lalo akong nagulat nang sapakin ng lalaking iyon ang lalaking dinadagan niya. Nabasag ang ilong ng lalaking iyon kaya naman tumalsik ang dugo sa pisngi niya.

Tuwang-tuwa pa siya na siya ang nanalo. Ang sama ng lalaking iyon! Nang magtama ang paningin namin, doon ko lang napansin ang histura niya.

Gulo ang buhok niya, matangos ang ilong, he has this dark eyes, perfect body posture, and infairness, ang hot. He smirked at me, what the heck?!

Hindi naalis ang tingin niya sa akin, lalapit pa sana kung hindi lang ako tumakbo palayo. Agad akong sumakay sa kotse at umiling-iling. Kadiri!

Nang makauwi kami ay nakita kong naghihintay si Aling Clara sa amin. Ang pinaka-malapit sa akin na katulong dito sa hacienda.

"Ano ka ba naman, Klare?! Saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinihintay ng mama at papa mo sa kusina. May bisita kayo," paliwanag ni Aling Clara. Natataranta siya at halata sa boses niya ang takot.

Maging ako tuloy ay kinabahan.

Nang pumunta ako sa kusina, nakataas ang kilay ni mama, habang si papa naman ay looking disappointed. "Where have you been? May bisita tayo, hindi ba?" seryosong tanong ni papa.

"I'm sorry po, pa. Hindi na po mauulit," sabi ko.

"It's okay, Governor. Hindi naman po ako nainip," nakangiting sabi ni Gabriel. Ang bwisit na Gabriel na ito, narito nanaman.

DISCLAIMER

This is only a work of fiction. Names, characters, places, businesses, incidents and events are either the products of my imaginations or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

When the Falls, Fell Into My ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon