3

3.1K 127 24
                                    

D

"Hey, hey, hey! Here's our grilled porkchop morons!" nilapag na ni ate Bea sa gitna namin yung dala niyang grilled porkchop, umuusok usok pa to at ang bango ng amoy.

Well, nandito kami ni Ponggay at ate Maddie sa bahay ni ate Bea.. Sayang lang wala si ate Jho, out of town siya eh.

Biglaan lang to, bigla na lang akong sinundo kanina sa condo ni Ponggay at wala na akong nagawa. Namiss daw nila ako, ang tagal ko daw umuwi from Cebu.

Dito kami tumambay sa pool side, madaming pagkain at inumin.

Kumuha ako ng isang bote ng beer..

"Hey, Deanna! Hindi pwede sayo yan, ibalik mo yan. Eto sayo.." kinuha ni ate Maddie sa kamay ko yung beer at pinalitan ng canned juice.

"Ate Mads naman.. Juice talaga? Ano ako bata?"

"Baby ka naman talaga namin, Deans.. So? Mag juice ka na muna.. Labyu, Deans.." nang asar pa tong si ate Bea.

Wew... Wala naman akong magagawa kung ipipilit ko pa yung beer, might as well enjoy this pineapple juice in can. Nice choice, ate Bea..

"Baby Deans.. Concern lang kami sayo. Mas healthy naman tong pineapple juice.." inakbayan pa ko ni Ponngay at kinurot kurot sa pisngi.

"All right, guys.. Ano bang meron? At sinundo pa talaga ako nito ni Ponggay sa condo?"

"Namiss ka lang namin, ano ka ba.. Ang tagal mo sa Cebu ah.. Wala man lang pasalubong.." ate Maddie.

"Bawi na lang ako. Ayaw ni mommy na magdala ako ng mabigat na baggage.."

"Okay okay, we understand naman, Deans. Are you ready to go back to work?" ate Bea asked.

"I'm ready na syempre.. Thank you, ate Bei ah? Matagal ako nawala pero, hinayaan mo pa ding bakante yung position ko para sakin."

"Ano ka ba, Deans.. You're my best asset sa company."

"Cheers, guys! To Deanna, to the new life!" Ponggay cheered..

Tinaas na nila ang mga beers nila at sakin etong pineapple juice. Nice one, Deanna.. May nakabukod ding food para sakin. Nili-limit ko kasi yung pag kain ko ng mga oily food.

"Cheers!" we said in chorus.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano.. Most of the time, napagtitripan namin si Ponggay. Sarap kasi asarin eh..

Nakailang bote na din tong sila ate Bea, ang iingay na nga nila at kung ano ano na ang napag uusapan pero kilala ko naman tong mga to, matino pa sila may tama na lang talaga kaya ang kukulit na.

"Deans, Deans..." tawag sakin ni Ponggay.

"Hoy, Ponggay.. Lasing ka na hahaha.. Si Deanna naman kukulitin mo.." natatawang asar ni ate Bea kay Ponggay.

"Seryoso to, ate Bei.." lasing na ata to si Ponggay eh, ang pungay na ng mga mata.

"Deans.... Maalala ko ah, alam kong ang tagal na nito.. Naalala mo yung naiwan ka ng bangka sa isla dati?"

"Oh, anong meron dun, Pongs at naalala mo yun?" ate Maddie.

"Wala lang, ate Mads.. May kasama kasi si Deans non na babae.. Di lang siya mag isang naiwan sa isla." sagot ni Pongs.

"Yes, yes, maalala ko. Di na kasi natin napag usapan yun eh dahil kay Deans. Pinacheck natin siya agad sa nearest hospital non. Tapos di na napag usapan hanggang makauwi na." biglang naging interesado tong si ate Bea halatang halata sa boses.

"Anong ngang meron? Naguguluhan ako..." haha nakakatawa yung itsura ni ate Maddie, sobrang confuse niya..

"Chiks kasi yun, ate Mads! Seryoso, nung nakita ko yun pagdating namin sa isla, nagandahan ako sa kanya. Ang amo ng mukha.." paliwanag ni Ponggay.

"So, Deans.. Ano? Kwento ka naman.. Anong ginawa niyo buong gabi non sa island ni ate girl hehe anong name non, Deans?" pangungulit ni ate Bea sakin.

Umayos ako ng upo. Uminom muna ako ng juice bago sumagot.

"Her name is Jema. Naiwan din siya non ng bangka, obviously. Nagkwentuhan lang naman kami. Wala naman kaming gagawin sa isla non." maikling kwento ko.

"Wow, Deans. Sa almost 12 hours na magkasama kayo yan lang nasabi mo? Anong napag usapan niyo, share naman.." kulit talaga nito ni Ponggay.

"Kung ano ano lang, work, ganyan mga gustong adventures. Nakatulog din kasi siya. Kaya yan lang hehe."

"Damot, Deans.. Porket chiks nakasama sa island sana all!" wow, ate Bea sa kanya talaga nanggaling yun.

"Sumbong kita kay Jhoana, Bea! Sana all ka pa ah!" hahaha go, ate Mads!

"Joke lang! Eto namang si Maddie, sumbong agad." sus, takot din pala tong si ate Bea.

"Oh siya, ayaw naman mag kwento ni Deans.. Magsitulog na tayo at inaantok na talaga ako sa dami ng nainom ko hahaha.." tumayo na si Ponggay, muntik pa siyang matumba, buti nahawakan ko siya.

Nagsitayo na din kami. Madaling araw na din, kailangan na naming magpahinga lahat.

Ayoko na isa isahin pa yung mga ginawa at napagusapan namin ni Jema non. Aasarin lang ako ng mga to.

Pero.. Oo nga no, kamusta na kaya si Jema? Ang tagal na din non, 5 years na.

Nagawa na kaya niya yung mga gusto niyang gawin?

Nakapag skydiving na kaya siya?

O nakakita man lang ng sinasabi niyang mga fireflies?

StrandedWhere stories live. Discover now