34

2.8K 140 17
                                    

J

"Wait.. Hold on, Jema." pagpapatigil ni mama sakin.

Nandito na kami ni Deanna sa bahay namin dito sa Laguna. Nasabi ko na lahat lahat ng tungkol samin ni Deanna at yung pagkakaroon namin ng anak. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa.

"Ate Jema, teka. Naguguluhan ako. Magkakaanak na kayo? Panoooooo?!" nasapo na lang din si Mafe ng ulo niya.

"Sinabi ko na nga di ba? Sa New York. Dun namin ginawa yung procedure."

"Sumama ka sa taong di mo kilala sa malayong lugar, pumayag na magkaanak kayo ng di namin alam? Ganon ba ang sinasabi mo, Jema?" napapikit na lang ako sa sinabi ni mama.

Tinignan ko si Deanna, tahimik lang siya sa tabi ko. Alam kong nag iisip din siya kung paano magpapaliwanag.

"Ma, kilala ko nga siya. Nagkakilala kami noon. Please, ma. Maayos naman ang paliwanag ko. Nagsasabi po ako sa inyo bilang respeto."

"Jema, ano bang nangyayari sayo? Ha? Yan ba ang dahilan, siya ba ang dahilan kaya nakipaghiwalay ka kay Brian?"

"Mama! Tama na. Nagsasabi ako ng maayos sa inyo. Pasensya na po kung di ko naipakilala agad si Deanna. Ang dami lang nangyari."

Napabuntong hininga na lang si mama. Alam kong di niya gusto ang nangyayari.

"Jema, anak. Iintindihin kita pero di ko maiwasang masaktan sa nangyari, wala kaming kaalam alam ng mama mo, tapos pupunta ka dito at sasabihin mo lahat to." nagsalita din si papa.

Mahinahon naman at naiintindihan ko kung saan nanggagaling si papa. Nagkamali talaga ako na di ko agad naipakilala si Deanna.

Hinawakan ni Deanna ang kamay ko.

"Pasensya na po kayo sa mga nagawa namin ni Jema. Alam ko pong nakakadisappoint na hindi kami nakapagpaalam ng maayos. Pero mabuti po ang intensyon ko kay Jema. Mahal na mahal ko po siya." mahinahong paliwanag ni Deanna.

"Anong balak mo sa anak ko at sa laman ng tiyan niya? Anong trabaho mo? Paano mo sila bubuhayin? Hindi nga nagtatrabaho si Jema ngayon, alam mo ba yun?"

Hay! Kahit kailan si mama. Lalong humigpit ang hawak ni Deanna sa kamay ko.

"Sa ngayon po di ako nagtatrabaho pero---" nagsalita agad si mama, di na niya pinatapos si Deanna.

"Wala ka ding trabaho?! Jusko! Wala ka naman palang---"

"Ma! Please, patapusin mo mag salita si Deanna." di ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

"Deanna, sige ituloy mo ang sasabihin mo. Makikinig kami." sabi ni papa.

Salamat naman at nagagawa na ni papa na magsalita. Dahil kung hindi, walang patutunguhan tong pag uusap namin.

"Di po ako nagtatrabaho ngayon dahil nga po si Jema at ang magiging anak namin ang focus ko ngayon pero co-owner at consultant po ako ng isang company."

Nakita kong nag iba ang itsura ni mama. Eto lang ba ang gusto niyang marinig? Alam ko naman kahit noon pa kaya push na push siya kay Brian sakin dahil sa estado ng pamilya nito sa buhay.

"Wow! Anong company? Big time naman pala jowa mo, ate Jema eh!" langhiya, Mafe.

"Kung ganon, kaya mo naman palang suportahan si Jema at magiging apo namin. At wala na din naman akong magagawa nandyan na yan. Welcome to the family, Deanna. Pero hindi pa tayo tapos. Gusto kong makasiguro na di mo iiwan si Jema at aalagaan mo siya." may kundisyon pa talaga si mama.

"Pangako po, di ko po siya iiwan hanggang sa makakaya ko."

Parang naguluhan sila sa sagot ni Deanna. Bakit naman kasi ganito pa ang isinagot ni Deanna.

StrandedWhere stories live. Discover now