23

2.6K 127 7
                                    

D

"Jema, upo ka lang dyan ah? Make yourself comfortable. Nasa ilalim ng center table yung remote sa tv kung gusto mong manuod."

"Wait, saan ka pupunta?"

"Papalit lang ako ng shirt, J.. Dito lang sa room."

"Okay, sige.." umupo na siya sa couch sa harap ng tv.

Pag pasok ng kwarto, dumiretso agad ako sa bathroom at hinubad ang tshirt.

This is bad... Ano to?

I got bruises on my chest..

"D? Matagal ka pa dyan?" katok ni Jema sa pinto ng kwarto. Di ko sinara yung pinto ng bathroom para marinig ko kung kakatok siya.

I thought makirot lang yung dibdib ko kaya nagmamadali akong tignan to, pero may mga pasa pala. Wala pa to kaninang umaga ah.

"Palabas na ko, Jema.." sigaw ko.

"Okay, inayos ko na dito yung mga binili natin.."

I should call, ate Den..

Lumabas na ko sa kwarto..

Nakaayos na nga yung mga binili naming pagkain. Nakaopen na din yung tv.

"D, tara na upo ka dito... Anong gusto mong panuorin?"

"Wait.. I'll make a call muna.."

"Okay ka lang ba, D?" tumayo si Jema at lumapit sakin.

"I guess, I'm okay, Jema. Sige na, kain ka muna."

"Tell me, Deanna.. Anong nangyayari? Alam kong di ka okay.." nag aalala ang boses ni Jema.

Pansin ko kay Jema to, ang bilis niyang makaramdam. Kaya ang hirap magdahilan sa kanya eh.

"All right. Kalma, Jema.. Look.." tinaas ko ang shirt ko.

"What is that, Deanna?" hahawakan pa sana niya to pero pinigilan ko siya.

"Hey, no touch.. Ikaw, Jema ahhh, tsansing na yan hehe.." binaba ko na ang damit ko.

"Alam mo ikaw ang seryoso na nagagawa mo pang magbiro.." nakasimangot na si Jema haha..

But, seriously ang kirot nga ng dibdib ko.. Nagbibiro lang naman ako para di masyadong mag alala si Jema.

"Upo ka na dun, tatawagan ko lang si ate Den.."

"Ayoko... Dito lang ako sa tabi mo.."

"Aba, Jema.. Ayaw mahiwalay sakin?"

Nandito lang naman ako nakatayo malapit sa inuupuan niya kanina.

"Nag aalala ako, ano ba.. Kainis to."

"Okay, okay.. Wait, tatawag na ko.."

On the phone..

"Hello, ate.."

"Yes, Deanna.. How are you? Some concern?"

"Ah, yes po, doc.. I just got some bruises on my chest.."

"Bruises? Nahulog ka ba? Ano?"

"Not really.. Pero wala pa to kaninang umaga."

"Sumasakit ba ang dibdib mo?"

"Medyo kumikirot, ate.."

"Ngayon lang sumasakit?"

"Kumikirot kirot netong mga nakaraang araw pero nawawala naman agad, ate.."

"Come here now, Deanna.. Don't drive.." biglang nag iba ang boses ni ate Den. Parang boses lang niya pag emergency.

"A-ah.. Okay, ate.. I'll be there.." nagtataka man ako pero di na ko nagtanong..

She dropped the call immediately..

"Anong sabi, D?"

"Pinapapunta niya ko sa ospital ngayon.."

"Okay. Let's go.. I'll drive.."

"I'm okay, Jema.. Mag gagrab na lang ako.. Wag daw ako mag drive."

"Let's go.. Ako mag dadrive.. Wag makulit, Deanna."

Owww.. Okay.. Nakakatakot naman to si Jema, ang seryoso masyado..

"I'm sorry, D.."

Ha? Bakit nag sosorry to si Jema..

"Sorry? Sorry saan, Jema?"

"Kanina.. Baka dahil sa pagkakatulak sayo ni Brian kanina yan."

"I don't think so.. Okay lang ako, Jema.."

"Nag aalala ako..."

"Di pa ko mamamatay, Jema.."

"Ano ba naman yan, Deanna eh... Nakakainis ka.."

"Ano bang masama sa sinabi ko? Lahat naman tayo mamamatay, bat takot na takot kayo pag usapan yun."

"Di ka pwedeng mamatay, Deanna.."

"Hoy, ikaw, Jema ahhh... Ikaw na si lord?"

"Basta! Di ka pwedeng mamatay.."

"Bakit nga kasi..."

"Ang kulit mo... Umupo ka na lang ng maayos dyan kesa kinukulit mo ko sa pag dadrive ko.."

Hala.. Ang seryoso na niya talaga... Sinunod ko na lang siya, mamaya biglang magbuga to ng apoy, yari haha..

"Ang traffic na... Haaay..." ngayon ko lang nakitang ganito si Jema.. Frustrated na agad siya dahil lang sa traffic.

"Makakarating din tayo, Jema. Relax ka lang."

Haaay bakit kasi ang traffic na naman.. Di na nawala wala to. Pwede bang kahit isang buwan magbakasyon tong traffic..

Arrgghhh.. Parang mas masakit na yung dibdib ko ngayon parang may nakadagan..

Tumalikod na lang ako kay Jema para di niya ko makita. Ang sakit na talaga..

"Huy, D? Deanna...." tapik niya sa balikat ko.

Ayokong tumingin.. Ayokong makita niya kong ganito.. Niyakap ko na lang ang sarili ko. Shit! Bakit ngayon pa... Ang sakit!

StrandedWhere stories live. Discover now