4

3K 131 20
                                    

J

"Uyyyy, bes! Kamusta ka na? I miss you sobra, Jema ah! Ang tagal nating di nagkita.." Kayla exclaimed.

Pagkakita palang niya sakin dito sa starbucks, niyakap na agad niya ko ng mahigpit. Ang tagal talaga naming di nagkita.

"I miss you too, bes.. Sobra.. Naging busy ako sa school." umupo na siya sa harap ko.

"Busy sa school as counselor o as student? Grabe ka bes magpamiss kainis kaaaa.. Mas madalas ko pang makita si Mafe kesa sayo.."

Malamang mas madalas sila magkita ng kapatid ko eh magkalapit yung opisina nila.

"Eto na nga bes, nagpakita na ko sayo.. Nag order na ko ng food and drinks natin ah."

"Sure, bes.. Kahit ano naman sakin. So, ano? Kamusta ka naman, bes?"

"Eto okay lang naman. Pinagsasabay ang trabaho at pag aaral."

"Bakit ba kasi nag aaral ka? Di na natuloy yung plano nating bakasyon bes.."

"Eh gusto ni mama mag masters ako eh, gusto din ni Bri para daw makapagwork ako sa ospital nila."

"Puro gusto na naman nila... Pano naman ang gusto mo, Jema? Di ba ang gusto mo photography? Fine arts nga dapat kukunin mo sa UP non eh, pumasa ka nga dun di ba? Pero di mo tinuloy dahil ang gusto ni tita mag psych ka. Naku, Jema... Live life kahit once lang.."

"Huy, bes.. Ngayon na lang tayo nagkita sinisermunan mo pa ko.."

"Concern lang ako sayo, bes.. Gusto kong maging masaya ka.."

"Masaya naman ako bes.."

"Talaga ba? Eh di mo nga magawa gawa yung mga gusto mo sa buhay.. Yan na yung masaya sayo? Buti pa yung kapatid mo nagagawa ang gusto niya, masaya siya. Sinunod niya yung puso niya kesa sa pilitin ang sarili niya sa isang bagay na di niya gusto.."

"Ayoko lang suwayin sila mama. Malaki expectation nila sakin dahil ako ang panganay."

"Napagbigyan mo na naman sila eh. Bakit di mo naman pagbigyan sarili mo. Para sumaya ka, yung fulfillment ba, bes..."

"Bes naman, choice ko naman to. Saka promise, masaya ako.."

"Hindi ganyan yung best friend ko na masaya. Yung kilala ko na Jema na masaya eh yung nanalo non sa painting competition nung elementary tayo, yung nanalo sa visual arts nung high school, yung nag dodocument ng bawat event ng school natin non. Ikaw pa ang official school photographer non. Huli kitang nakitang masaya nung sinamahan kita sa UP para sa result mo non sa entrance exam, nung pumasa ka. Ang saya saya mo non, bes. Tapos wala na."

Bigla akong nalungkot nung isa isahin ni Kayla yung mga achievement ko simula ng elementary kami.

Ang saya saya ko talaga non, kasi kahit nagagalit na sakin si mama dahil ang gusto niya sa mga math at science contest ako sumali, mas pinili ko ang painting, drawing at photography non.

Suportado ako ni papa non kasi teacher siya dun sa school namin ni Kayla nung elementary at high school. Si papa yung laging kasama ko sa mga events ko non, syempre kasama din lagi si Kayla.

Haaayyy... Ang sarap lang balik balikan lalo na nung high school, yung naging official photographer ako ng school chronicles namin. Kasama ako sa bawat event para kumuha ng litrato.

Kaya nga nung magka college na sa isang school lang ako nag exam.. Sa UP lang, dun ko gusto kumuha ng fine arts at mag major sa visual communication. Gusto ko talagang maging photographer.

Gusto kong ipreserve yung masasayang pangyayari, yung magagandang lugar. Alam mo yun, yung pwede mo ulit balik balikan sa mga litrato yun.

Gusto kong makakuha ng mga litrato na buhay na buhay, yung may emosyon. Imagine capturing a moment in someone's life and preserve it through a photo.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon