20

2.8K 134 18
                                    

J

"Wow, Jema! Ang laki pala sa loob nito.."

Nakakatuwa naman to si Deanna. Tuwang tuwa talaga siya dito sa loob ng UP. Well, totoo naman ang sinabi niya, sobrang lawak nitong UP.

"Parang pwedeng pwede ka talagang maging kahit sino dito no, Jema? Wala silang pakialam kung anong suot o gupit mo. Eto talaga ang malaya! Ang sarap siguro mag aral sa ganitong culture."

"Bakit sa school mo ba dati, D, di ka ba malaya don? Hehe.."

"It's a catholic university, so.. Pero okay naman dun, masaya ang naging stay ko dun, Jema."

"Buti ka pa.."

"Hey, what's with the tone? You're here na oh.. Sa dream school mo. Let's go, enroll yourself.. Tapos ilibre mo na ko.."

Aba tong si Deanna ginawang playground tong UP, nagtatatakbo na..

"Hey, D! Wag ka tumakbo!" pasaway talaga. Alam ng bawal sa kanyang mapagod ng sobra..

Medyo natagalan kami sa pag eenroll ko pero di naman ako nainip, ang daming kwento ni Deanna eh. Kung ano ano ng nakwento niya. Pati yung mga dumadaan na mga tao napansin na niya. Pagkatapos namin, inaya ko na siyang kumain.

"Totoo ba to, Jema? Ililibre mo ba talaga ako? Huhuhu, I'm so touched. Haha.." baliw na to haha andaming alam.

"Sira, paiyak iyak ka pa, nang aasar ka lang naman. Kumain ka na. Haha.."

"Uy, ang sarap neto ah. Nakakamiss tapsilog dito. Kumakain kasi kami dati dito nung college."

"Masarap talaga dito. Kahit nga sa Adamson ako nag aaral non, dinadayo ko pa to eh."

"Weh, Jema? Ikaw lang mag isa?"

"Yeah.. Ako lang mag isa kahit traffic. Tapos pagmamasdan ko lang yung mga students dito at mangangarap na sana all walang uniform hahaha.."

"Bwiset! Kala ko kung ano. Abang na abang pa ko sa dramatic speech mo, Jema.. Uniform lang pala sasabihin mo. Pinaasa mo ko.. Kainis." hahaha ang epic ng itsura ni Deanna..

"Grabe, D.. Pinaasa agad?"

"Oo, Jema! Kainis ka."

"Ayyy, asang asa pala ang bebe ohhh.. Sorry na, D.. Hehe.." haha ang cute cute naman neto, pinalobo pa yung pisngi niya.

"Bebe ka dyan.. Di mo ko bebe.. Hmp!"

Hahaha.. Nagtampo ba talaga to? Haha..

"Ayaw mo bang maging bebe kita?" ay, wait..

Teka, san galing yun self? Naloko na.. Sobrang tuwa ko asarin si Deanna kung ano ano ng nasabi koooo...

At ang loko... Tumingin at ngumiti sakin ng nakakaloko.. Grrrr..

"Uy, si Jema.. Gusto akong maging bebe. Nakita mo lang abs ko naakit ka na agad.." ayan, back to normal na naman siya..

"Ang kapal naman maka abs, Deanna.. Wala naman. Ang payat payat mo kaya."

"Uy, Jema.. Iniiba mo usapan ah.. Do you want me to be your bebe? Haha.."

Bwiset! Natatawa akooooo...

"Pag iisipan ko... Pag di ka pasaway.. Ayoko ng bebe na pasaway hahaha.."

"Sabi mo yan, Jema ahhh.. Pero ang sarap talaga ng tapsilog. Kaso ubos na eh.. Gusto ko pa, Jemaaaaa...."

Ayy, nagutom ang bebe.. Gusto pa ng food.. Hahaha langhiyang bebe yan kainis.. Naloko naaaa...

Umorder pa ko ulit ng para samin.. Parang nagutom nga din ako.. Lubusin na ang pagpunta namin dito.

"Jema, ano sabi ng parents mo? Yung sa desisyon mo na to."

"Well, as usual, di nagustuhan ni mama.. Pero wala naman siyang magagawa."

"Eh yung about sa desisyon mo sa relationship niyo ni Brian, ano sabi nila? Uy, sorry, Jema ang daldal ko. Nacurious lang ako. Pero okay lang kung di mo sasagutin."

"Okay lang, D. Well, botong boto kasi si mama kay Bri, so, alam mo na kung anong reaction niya. But again, wala naman siyang magagawa. Desisyon ko to eh. Saka mahalaga naman nagsabi ako sa kanila."

"Jema, bakit ka nga ba nakipag break? Sayang yun. Doctor at halatang kaya niya ibigay lahat sayo."

"Hay naku, D.. Di mo kilala si Brian. Sobrang controlling niya. Ewan, basta bigla kong narealize hindi ganon ang gusto kong buhay. Hindi pa ko handa, D.."

"Grabe, Jema.. Di ba 10 years kayo? Di biro ang 10 years ah."

"10 years nga kami pero di naman niya alam kung anong magpapasaya sakin. Ang baba nga ng tingin niya sa pangarap kong maging photographer eh."

"Ohhh tama na, Jema.. Naku, kumukunot na yang noo mo. Maaga kang magkaka wrinkles nyan haha.."

"Ikaw kasi ehhh..."

"Uy, di pa nakakamove on.."

"Sira!"

"Don't tell me, nakamove on ka na agad. Ang bilis naman."

"Di naman na ata kailangan, sayo palang sobrang distracted ko na. Ang kulit mo sobra! Hahaha.."

Pano ba naman kasi tong si Deanna kahit di ko siya kasama ang kulit kulit.. Parang buong araw kaming magkachat lagi.

At dahil nga wala naman akong work, madalas din niya ko ayain lumabas. Malapit lang naman yung apartment ko sa sakanya, kaya kahit gabi o madaling araw loko loko to susunduin ako para sa cravings niya, biglang magyayaya kumain ng kahit ano..

"Lalo pa kitang guguluhin bebe koooo.." bwiset, nang aasar talaga. Di na niya to makakalimutan..

"Ewan ko sayoooo... Ubusin mo na yan.."

Buti naman nanahimik na to si Deanna.. Busy na siyang kumain at magpipipindot sa phone niya sa table.

"Hey, J.. After this may pupuntahan ka ba?" tanong niya sakin habang nakatingin siya sa phone niya.

"Wala naman. May gusto ka bang puntahan?"

"My sister eh, nag message siya. Sunduin ko daw siya tonight sa airport.. Samahan mo koooo pleaseee, J.."

Ha? Sister niya? Nakakahiya naman.. Baka ano isipin ng ate niya pag nakita ako..

"J, ano? Samahan mo ko?"

"Nahihiya ako, D..."

"Don't worry... Mabait naman si ate eh. Kasama daw niya si Aya, anak ni ate.. Jema, please... Samahan mo ko.."

Hmmmmm..

"Ang hirap naman tumanggi sayo, D.. Sige na nga. Saka ayoko mag commute pauwi." kotse kasi niya gamit namin eh haha.

"Kunwari ka pa, Jema.. Gusto mo lang makasama pa ko eh. Promise mabait si ate!"

Para naman akong kinabahan.. Para kasing takot si Deanna sa ate niya, based lang naman dun sa sinabi ng doctor niya nung sinamahan ko siya nung nakaraan, ginawang panakot sa kanya yung ate niya sa kakulitan niya.

StrandedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu