14

2.6K 133 14
                                    

J

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Deanna pero nasa expressway kami ngayon. Nag stop over kami kanina para bumili ng mga necessities namin. Bumili na din kami ng extra shirt at kung ano ano pa just in case mapunta kami kung saan saan.

Really, Jema.. Sumama talaga ako sa taong na-meet ko lang accidentally 5 years ago at ilang beses ko palang nakikita ulit ngayon.

Ang gaan kasi ng pakiramdam ko kay Deanna eh. Alam ko naman na she's a good person, halata naman. Nameet ko na din yung ibang mga kaibigan niya.

I really don't know.. Ang alam ko lang ngayon excited ako sa kung saan man kami pupunta at sa mga activities na gagawin namin.. I have this urge na gusto ko pang makilala lalo tong taong to..

There is something in Deanna na hindi ko maipaliwanag. Parang I can be my real self sa kanya and she won't judge me..

"Hey, Deanna.. Saan tayo pupunta?"

She got good taste in music ah.. Nakakarelax tong mga kanta na kanina pa nag pplay sa car niya.

"We're going to Zambales dropzone. I called my friends there kanina nung nag stopover tayo. Nireready na nila yung gagamitin natin. Excited, Jema?" ngumiti siya sakin at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"Seryoso ba? Sa sobrang obsess ko sa skydiving na-google ko na ata yung iba't ibang skydiving point. At isa yang Zambales dropzone sa pinakamalapit at pinupuntahan ng mga tao. Excited na ko... Buti na lang tumawag pala agad ako sayo."

"Buti na lang, Jema.. You can take a nap. Mabilis lang naman ang byahe."

"I'm okay.. Para may kausap ka.. Hindi ba nakakatakot mag skydive, Deanna?"

"Nakakatakot sa umpisa, Jema.. Nakakatakot talaga. Pero after non, hahanap hanapin mo na yung thrilling feeling."

"Ilang bese mo na ba nagawa yun?"

"Hindi ko na mabilang, Jema hehe. Madaming beses na."

"Buti pumayag ka na samahan ako, Deanna? Di ka ba busy?"

"Hindi naman.. Wala din akong ginagawa eh. I'm bored."

"Di mo kasama yung mga kaibigan mo?"

"Well, wala naman kaming plano na magkita kita today and besides busy si ate Maddie sa pag aasikaso ng company summer tour nila."

"Oh, alam mo ba, what a coincidence.. Sa company pala niya nag wowork si Kyla. Takot nga si Kyla sa kanya eh.. Uy, baka isumbong mo ko ah.. Peace."

"Ganon lang talaga yun si ate Mads. Seryoso sa buhay haha.. Pero pag nakaclose mo yun, masaya din kasama yun."

"Teka, Jema... Bakit pala ako inaya mo? Bakit hindi yung fiance mo? Naku, nagpaalam ka ba?"

Ay, pinaalala talaga ni Deanna.. Sabagay hindi naman niya alam na wala na kami ni Brian. Nung mga unang araw nga tawag pa din ng tawag sakin yun pati mommy niya pero ayoko na sagutin.

Nagpalit na din ako ng number para di na nila ako macontact. Si Mafe at Kyla lang ang binigyan ko ng bago kong number at sa kanila ko pa lang nasasabi lahat lahat..

Si Kyla nga tuwang tuwa aba, gusto pang magpaparty todo suporta din si Mafe.. Naku yung mga yun, kala mo di ako nakipagbreak sa fiance ko kung makapag celebreate eh.

"Because there's no Brian anymore hehe.."

"Ha, Jema? Di ko naintindihan.."

"I called off our engagement..."

"Wait.. What, Jema? Why? Are you okay?"

"Relax, Deanna.. I'm okay, I'm really fine.. I know it was the right thing to do that time. Marami pa kong gustong gawin sa buhay talaga."

StrandedWhere stories live. Discover now