9

2.5K 116 15
                                    

D

"Ate Bei, how did I get here?"

Nagising na lang ako kanina na nandito na sa ospital. Ni wala akong maalala.

Ang huli kong naaalala....

Wait! Si Jema!

Tama! Siya ang huli kong kasama sa train.. Nakita ko siya dun..

"Ate Bei!"

"Oh, tinawagan mo ko.. Kaya nandito ka."

"No, ate Bei. Si Jema.. Nakita ko siya sa train non.. Naaalala ko.. Tinulungan pa niya ko non.."

"All right.. Kasama mo si Jema non. She helped you."

Ano ba to si ate Bea, napakacold ng mga sagot. Parang walang pakialam sa sinasabi ko.

"Ate Bei naman.. Para ka namang walang pakialam sa sinasabi ko eh..."

"Deans, magpahinga ka muna.. Sige na..."

Narinig kong bumukas ang pinto.. Si ate Maddie at Ponggay.

"How are you, Deanna? I called ate Nicole and your parents." ate Maddie said.

Umupo na sila sa tabi ni ate Bea.

"Hey, Deans... Nag alala kami sayo.. Okay na ba pakiramdam mo?" Ponggay.

"I'm okay, guys.. Nagpanic lang ako. Alam niyo namang claustrophobic ako tapos ang init pa sa loob ng train. I saw Jema pala sa train non.. Where is she pala? "

Imbes na sagutin nila ako, nagtinginan lang silang tatlo..

"What guys? May mahirap ba sa tanong ko?"

Tumayo si ate Maddie at lumapit sakin.. Inayos niya yung pillow sa likod ko..

"You know what, Deans.. Magpahinga ka na muna. Wag ka muna mag isip ng kung ano ano. Masyadong nag alala sayo sila tita.. But I told them you're fine, panic attack lang.." ate Maddie.

Si Ponggay din tumayo, nilagay niya sa table sa gilid ko yung mga dala nilang pagkain.

"Ate Maddie is right.. Buti na lang nakarating agad sila ate Den sayo." Ponggay.

Si ate Bea tahimik na lang..

"So, walang gusto sumagot ng simpleng tanong ko tungkol sa taong tumulong sakin sa loob ng train habang nagpapanic ako at hindi makahinga?" nakakainis na kasi eh.

"Okay si Jema.. She went home after niyang malaman na okay ka. She left this for you.." inabot ni ate Bea sa akin ang isang yellow folded paper, parang sticky note.

"Bea!" tawag ni ate Maddie. Nakakunot na ang noo nito.

"What, Mads? Maiinis ka dahil sa sticky note?" so, mag aaway na naman sila? Dito talaga?

"Anong ginagawa mo na naman?" inis na ang boses ni ate Mads.

"I'm out of here.." tumayo na si ate Bea at dumiretso sa pinto.

"Labas muna ako, Deans.." paalam ni ate Bea sakin.

Pero biglang bumukas yung pinto..

"Hi, Deanna.. Good morning sa favorite patient ko..." si ate Denden..

Dumiretso siya sa gilid ko sa tabi ni Ponggay..

"So, how's my favorite patient?"

"Favorite talaga? Lagi mo kayang sinasabi yan sa lahat ng patient mo, ate Den.."

"I mean it when it comes to you, Deans.."

Ngumiti na lang ako.. Si ate Bea bumalik ulit sa inuupuan niya.

StrandedWhere stories live. Discover now