17

2.9K 136 11
                                    

J

"Saan mo gusto pumunta, Jema after natin mag breakfast?"

Ang aga naming nagising ni Deanna kanina.

Ayy, mali, mali!

Ang agang nanggising ni Deanna kanina, hmp! Ang sarap sarap pa ng tulog ko pero ginulo niya ko ng ginulo para magising ako. Gutom na daw siya at ayaw niyang kumain mag isa.

"Uy, Jema.. Sorry na kanina.. Nagugutom na kasi ako eh, ayokong kumain mag isa. Sige, after nito, tulog ka ulit. Di kita guguluhin.."

Ang funny! Kala talaga ni Deanna naiinis ako hanggang ngayon. Seryoso pa talaga yung mukha niya mag sorry eh.

Di ko na talaga mapigilang matawa.. Yung kilay na naman kasi niya isang linya na naman.. Grrr, konti na lang mahihila ko na yung kilay nito eh. Napaka expressive.

"At anong nakakatawa, Jema? Baliw ka talaga. Bigla bigla ka na lang tumatawa.. Kumain ka na nga."

"Kasi naman ang seryoso mo, D.. Infairness, ang sarap ng food dito. Nawala inis ko sayo haha.."

"Masarap talaga food dito, Jema. Thanks to my privilege.."

Dito lang naman kami nag breakfast sa executive lounge, yung dapat pupuntahan namin kagabi. Well, ang ganda ng view sa pwesto namin at ang sarap ng food.

"Thank you po sa privilege, D hehe.."

Si Deanna tinaas taas na lang yung kilay sakin eh..

"Tigil mo yan, D.. Kala mo ba cute ka, hindi!"

"Sus, Jema.. Wag mo na pigilan yang ngiti mo.. Dami kayang nagsasabing cute ako lalo pag ganito ohhh.."

Todo pacute talaga tong si Deanna eh.. Natatawa tuloy ako.

"Yiiieee si Jema, aamin na yan na cute ako.. Sige na, Jema.. Sabihin mo ng cute ako.."

Aba naman.. Ang aga aga ganado mang asar tong si Deanna ah..

Hinayaan ko na lang si Deanna, tuwang tuwa siya eh. Inatupag ko na lang tong cheesecake. Ang sarap eh..

"Hello... Nandito pala kayo.."

Uh-oh.. Eto na naman si ate girl..

Yung itsura ni Deanna bilis magbago eh. Salubong na naman kilay niya.

"Hi, Ally.. Yes, nandito kami. We're having breakfast pero patapos na din naman." anong patapos na? Sinasabi nito ni Deanna?

Kakain pa kaya ako. Gusto ko pa bumalik dun sa dessert. Madami pa kong gusto kainin..

"Ah.. No, Ally, right? Wanna join us? Kakain pa ko eh.. Si Deanna lang yung patapos na." tumingin ako kay Deanna at aba, tinaasan ako ng kilay.

Eto ba ang naka move on na? Haha.. Lagot sakin to mamaya..

"Really? I can join you guys?" mukha namang mabait to si ate girl ah? Bat parang iwas na iwas si Deanna dito.

Nakangiti pa nga to sakin at ang ganda talaga ni ate girl, nakaka intimidate. Kaloka..

"Of course, Ally.. Upo ka na dyan. Kukuha lang ako ng food ulit. May gusto ka ba? Ako na kukuha.." pero ang totoo bibigyan ko muna silang dalawa ng privacy saglit.

"I'm okay.. What's your name again?" nakalimutan niya huhu char..

"Jema.. Sige, dun lang ako." tumayo na ko at naglakad papunta sa mga food! Food is life! Bahala ka dyan, Deanna! Haha..
.
.
.
.
----------

D

Ano ba naman to si Jema.. Iniwan ako dito.. For sure, sinasadya niya to. Ang lala pala ng epekto sa kanya pag binulabog ang tulog.

StrandedWhere stories live. Discover now