24

2.9K 163 27
                                    

J

"Doc, magiging okay ba siya?"

"We're trying our best.."

"Doc, wait.. Magiging okay naman po siya di ba?"

Tumingin muna siya sa likod ko, sa higaan ni Deanna..

"Jema, right?"

"Yes po, doc..."

"Gaano mo na nga katagal kilala si Deanna?"

"Po?" nalito ako sa tanong.

"Sabi ko, gaano mo na katagal si Deanna.. Kasi ako, matagal na.. Bata pa siya kilala ko na siya. Para ko na siyang kapatid." sabi na eh, matagal na silang magka kilala ng doctor niya the way they treat each other, para na silang magkapatid.

"Nakilala ko siya nung na-stranded kami sa isang island non. Then, after 5 years, nakita ko siya ulit.. Kung bibilangin po, halos 7 months ko palang siya nakikilala."

"I see... I'm just wondering why you stick with her this long. You could have just say hi when you met her again and disappear... But, you're still here, why Jema?"

Napaisip ako sa tanong niya sakin. Oo nga naman, may point siya. Bakit nga ba nandito ako? Bakit nga ba hinayaan kong makarating kami ni Deannan dito?

"5 years ago, in that island, she made me realize the things I was missing in my life. My dream, my passion, my self.. Yun na lang ulit yung pagkakataon na ang saya saya ko, yung gabi na kasama ko siya. Ang corny niya pero hindi ko maintindihan bakit ang saya saya ko sa mga pinaggagawa niya non."

"I see, Jema.. You admire her."

Ha? Admire??? Well, di naman mahirap i-admire si Deanna.. Ang dami niyang good traits eh. Saka ang bait bait niya talaga.. Ang saya saya niya lang lagi.

"Maybe, I admire her po kaya I chose to be friends with her."

"Maybe, Jema.. Maybe.. Alam mo ba na its the first time na may sinama siyang iba bukod sa mga kaibigan niya."

"Anong pong first time?" teka, kanina pa ko nalilito talaga.

"Bihira siya mag visit talaga sakin kahit pa may appointment siya. Mga kaibigan lang niya sinasama niya dito. So, when I first saw you here, nagtataka ako kung sino ka. Dun na lang ulit naging consistent si Deanna na magpunta sa mga appointment niya sakin. Dun ko lang nakita yung interest niyang gumaling siya. She even asked me for other possible treatment, ganon siya kainteresado.

Knowing her, wala na siyang pakialam non, she dismissed other treatment, sabi niya pare-pareho lang daw yun, mag aaksaya lang siya ng oras, baka mas lalo daw siyang mamatay agad. Anong meron ka that made her change her mind?"

I don't know what to react..

"Ang gusto na lang ni Deanna ay i-enjoy yung buhay niya, magawa yung mga bagay na magpapasaya sa kanya. Tapos, bigla na lang nag bago. Biglang gusto niyang gumaling." dagdag pa niya.

"Gagaling naman po siya, di ba, doc?"

"Hindi ba niya nasabi sayo?"

"Ang alin po?"

"Nevermind, Jema.. Sige na, I'll call her family pa."

"Doc, wait lang po.. Gusto ko po malaman yung totoong lagay niya. Please po."

"Sige, give me one good reason bakit kailangan kong sabihin sayo ang lagay niya? Look, Jema.. May protocols kasi kaming sinusunod dito. And I can't disclose her condition to anyone but her family. I hope you understand."

Wala akong maisip na dahilan. Wala akong masagot. Oo nga naman, sino ba naman ako...

"All right, Jema.. Lalabas na ko.." she approached the door.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon