26

3.2K 149 18
                                    

J

"Baby, taraaaa... Mag start na yung live band.." kinukulit na ko ni Deanna pumunta sa live band.

Rinig na dito sa tent namin yung hiyaw ng mga tao at yung band na tutugtog..

"Wait lang, bee.. Ayusin ko lang gamit natin. Don't leave your valuables ah?"

Pumunta siya sa gilid ko, inaayos ko yung tent namin.

"Of course, baby.. I won't leave you.. Hihi.."

"Bolero!"

"Let's go na, baby?" pacute pa tong damulag na to hehe pero ang cute nga 😊

"Eto na poooo.. Tapos na po.." sabay hawak ko sa kamay niya.

"Yey! Live band!" saya saya naman ng baby ko.. I love it when she's happy, nawawala yung mga mata niya.

Haaaayyy... Ang swerte ko sa kanya. She brings the best in me pag nandyan siya. I want the best in me forever..
.
.
.
.
Flashback

"Mommmyyyy!" Deanna exclaimed pag bukas ng pinto ng room niya..

Nagkukulitan lang kami habang inaantay yung family niya. Ngayong umaga daw dadating. Kinakabahan nga ako eh. Sabi ko aalis muna ako para sa privacy nila pero sabi niya mag stay muna ako, ipapakilala niya daw ako.. Lalo tuloy akong di mapakali.

"Oh god, my baby!" kahit di ako lumingon alam kong mommy ni Deanna yun..

Nanigas na ko sa kinauupuan ko. Shocks.. Nandito na yung family niya..

"Jema?" napaangat ako ng ulo.. Waaahhh ate ni Deanna..

"Jema! Oh my god! I miss you.. You're here pala. Sakto may dala kaming food all the way from Cebu.. Kain tayo!" OMG! 😲 mapapasabay pa ata akong kumain sa kanila.

"Mommy, daddy! Nandito pala si Jema. Yung kinukwento ko sa inyo.." ohhh myyyyy nakwento niya ko sa parents nila? 😳

Kita ko sa gilid ng mata ko na lumapit na yung parents nila dito sa bed ni Deanna. Nasa likod ko na sila waaahhh..

"Hey, Jema.." mahinang tawag sakin ni Deanna..

Nagets ko naman agad yung ibig niyang sabihin.

This is it.. Tumayo ako at binati ang mga magulang niya. And gave my best smile. Sana naman di ako magmukhang tense.

"Good morning po..." woohhh! Salamat! Di ako nautal..

"Hello, iha.. Ikaw pala si Jema. Ang ganda gandang bata naman pala.." nag beso pa ang mommy niya sakin.

"Hi, Jema.. Finally, in flesh. Nice to meet you, iha.."

"Thank you po..." waaahhhh.. Di ko alam irereact ko.

Hiyang hiya na koooo.. Deanna save me!

"Hey, let's eat muna.." aya ng ate ni Deanna. Inurong niya yung malaking table sa paanan ng bed ni Deanna.

Ang dami pala nilang dala.. At mukhang ang sasarap, amoy palang eh..

"Iha, halika.. Kumain muna tayo. Naku, masarap lahat to.. Ako ang nagluto.." ang giliw naman ng mommy nila, nakangiti lang pati yung daddy nila.

Kaya siguro masayahin si Deanna, namana niya sa parents niya. Pati yung ate niya ang gaan din kasama. Nakasama ko yung ate niya nung nandito to noon kasama yung napakacute niyang pamangkin.

"Wait, wait... Bago tayo kumain may sasabihin muna ako sa inyo.." hinawakan ni Deanna ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

"What is it anak?" her dad asked..

StrandedWhere stories live. Discover now