8

2.8K 126 16
                                    

J

"Good morning, babe.. Thank God, you're early. Kala ko male-late ka na naman eh.." bungad ni Brian sakin pag sakay ko sa kotse niya.

Umalis agad kami pag sakay ko. Idadaan niya pa ko sa Manila. Baka matraffic siya papuntang trabaho.

Sinundo niya ko sa apartment ko sa Makati, coding kasi ako ngayon. Ayaw naman niyang mag commute ako kahit kaya ko naman. Mrt at Lrt lang naman ang layo ng work ko dito.

"Thank you, babe. Di mo naman ako kailangan sunduin at ihatid sa trabaho pag coding ako. Kaya ko naman mag mrt and lrt."

"Ayoko nga. Ang dami dami kayang manyak don. Saka makikipagsiksikan ka sa ganon.. May kotse naman ako.."

"Okay okay.. Sige na, aga aga kumukunot na yang noo mo, Bri.."

"Jema naman kasi, sundin mo na lang ako. Para naman sayo to eh. Ayoko lang mapano yung soon-to-be wife ko.. Di ba? I love you, babe.."

"Okay, babe.. I love you too.."

Well, tama naman si Brian. Ayaw lang niyang mahirapan ako.

"I'll pick you up later, babe ah.. Anong oras ba labas mo mamaya?"

"Wag na, babe.. Baka late ako makalabas. Schedule kasi ng monitoring ko sa mga students sa department na hawak ko. Ang dami pa naman nila. Tapos need ko din mapasa yung evaluation ko sa kanila bukas ng umaga. So, mag cocommute na lang ako pauwi or grab."

"I can pick you up naman, babe kahit late pa yan. Mas mag aalala ako lalo dahil late ka na pala makakalabas."

Whew... Ayoko ng ganito. Mappressure lang ako sa trabaho. Hindi naman basta basta yung gagawin ko. Kakausapin ko isa isa yung mga students.

Kung kamusta na ba sila, how they're coping up sa stress and pressure ng pag aaral nila at kung ano ano pa. I need to make sure na maayos nilang nahahandle yung stress and pressure, at kung hindi man, kailangan kong mag advice..

At yun ang hindi basta basta dahil iba iba ang mga students. Sobrang lalim ng karamihan sa kanila. Di lang sila sa pag aaral nahihirapan. Yung iba may problema sa pamilya, sa mga kaibigan, at kung anu ano pa.

Hindi madali ang trabaho ko.. Yung araw araw may pupunta sayong student, magsasabi ng problema at kung ano ano pa. Ang hirap i-absorb lahat.

"I'll text you na lang, Bri.."

"Okay, babe.."
.
.
.
.
.
----------

D

"Hi po, Ma'am Deanna.. Buti nakarating po kayo. Ako po pala yung in-charge para iikot kayo sa mga area dito."

Nandito na ko sa school building na bagong project namin. Naoverwhelm ako.. Ang taas pala ng building na to. 17 floors at may roofdeck pa pala.

Dito kasi ako sa 16th floor pinadiretso ng guard sa lobby. Nandito daw yung office ng college dean. Pero wala pala ngayon yung dean. Binilin niya ko sa building officer.

Bagong bago pa tong building. Kakatayo lang nito last year. At yun nga, plano nilang mag lagay ng student area/study area per floor at yun ang project na nakuha ni ate Bea.

8 floors ang lalagyan namin ng ilaw. Per floor dalawa ang student area. Kailangan kong malaman kung anong use ng per area, kung study area ba, tambayan lang, sleeping area o kung may cafe ba. Iba iba kasi yung dimension ng mga area. May nakita pa ko sa plano na parang nakadesign na may cafe..

Nakuha din namin yung roofdeck. Kami yung magdedesign at mag iinstall ng ilaw dun..

"Ah.. Hello.. Ano ngang name niyo po?" di kasi niya sinabi name niya eh. Nakakahiya naman iikot kami di ko alam itatawag sa kanya.

StrandedWhere stories live. Discover now