29

3.8K 160 32
                                    

J

Sinundan ko siya kahit ang layo. Hindi lang naman siya pumunta sa probinsya, hindi rin sa karagtig bansa namin kundi lumayo talaga siya, dito talaga sa US, sa bansang ngayon ko pa lang napuntahan.

Malayo sa nakasanayan kong lugar, malayo sa pamilya ko, malayo sa mga pangarap ko na naiwan sa Pilipinas. Pero mahal ko kasi siya. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari basta naramdaman ko na lang na mahal ko siya at ayoko siyang mawala.

Kaya ko kayang sundan siya kahit saan? Pwede kaya?

"Pssst... Lalim ng iniisip natin ah?"

Nakangiti siya sakin. Parang normal na araw lang katulad nung nasa Pilipinas kami.

"Yung coffee mo, babe lumalamig na.."

"Sorry, babe.. Ang lamig ng hangin pala dito.."

"Actually, babe, summer ngayon dito sa New York.."

Summer pa to? Ang lamig ng hangin o baka hindi lang ako sanay. Sa Pinas kasi pag summer parang free trial na talaga sa impyerno haha..

"Summer pa to, babe? Ibang iba pala talaga sa pinas.. Di ako sanay.."

"Nilalamig ka ba, baby? Wait..." hinubad niya yung suot niyang sweater.

Nandito kami sa isang cafe, ang dami ngang tao dito. Ang dami ding cafe at restaurant..

"Thanks, babe.. Sorry, di ako sanay. Wala din akong dalang jacket. Nagmamadali akong pumunta dito eh." sinuot ko yung sweater niya.

"Okay lang.. Bili tayong jacket mo mamaya.."

"Saan tayo pupunta, babe? Di ba tayo pupunta sa doctor mo dito?"

"Ano ka ba, babe.. We're in New York, let's enjoy the city. Saka next week pa appointment ko."

Nakakapanibago... Parang dito walang problema, sobrang busy ng mga tao. Parang walang time maging malungkot, ang bilis kumilos ng lahat ng tao.

"Naooverwhelm ako, babe.. Ang daming tao dito."

"Don't worry, babe.. Masasanay ka din. Ganito talaga dito. Di mo mararamdaman ang lungkot dito kahit gabi maliwanag at madaming tao."

"Kaya ba dito ka tumakbo, babe?"

"Tumakbo, babe?" wait, bakit ba nasabi ko yun..

"Wala, babe.. Nevermind. Parang gusto ko ng ibang pagkain. Di ako sanay sa kape at tinapay nila dito."

"Wait, Jema.. Anong tumakbo?"

Haaaayyy...

"Wala naisip ko lang kaya ka dito pumunta para di mo maramdaman na malungkot ka kahit iniwan mo lahat basta basta sa Pilipinas.."

"Saan papunta tong usapan na to, Jema?".

Sabi na walang mabuting patutunguhan pag sinagot ko yung tanong niya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko.

"Babe, wala.. Kalimutan mo na yun.. Nasabi ko lang yun."

"Ubusin mo na yung pagkain mo.. Uwi na lang tayo."

"Ha? Bakit? Ang aga pa. Kala ko ba mag iikot tayo?"

"Ayoko na nga. Umuwi na lang tayo. Bumili na lang tayo ng pagkain natin for lunch at dinner mamaya. Tapos ka na ba?"

Ha? Ano to? Biglang nabadtrip tong si Deanna... Naiinis na din tuloy ako.

"Anong problema mo, Deanna?"

"Wala. Basta umuwi na tayo. Bilisan mo na dyan."

Naghahanap ba to ng away? First time to ah.. First time niyang naging ganito sakin.. 😔

Di na ko sumagot. Ayoko ng away.. Tinignan ko siya, sa iba na siya nakatingin, salubong ang kilay..

Bahala na nga.. Sayang tong pagkain, palusot ko lang yung kanina na gusto ko ng ibang food para sana di na siya magtanong.. Pero wala, di na niya ko pinapansin o tinitignan man lang.

"Let's go... Tapos ka na." tumayo na siya.

What? Ano bang problema nito ni Deanna.. Gusto ko pa umupo dito.

"Tumayo ka na, Jema.. Antayin kita sa labas.."

Bad trip! Iniwan talaga niya ko dito? Nakakainis!

Nagtake out muna ako ng bread bago lumabas ng cafe.. Para mamaya may tinapay sa apartment niya.

Tatlong araw pa nga lang ako dito, mag aaway pa ata kami. First time talaga to..

"Ano bang problema mo, Deanna? Bakit iniwan mo ko dun sa loob?"

"Ano yan?" tukoy niya sa hawak kong paper bag.

"Tinapay.."

"Tara, uwi na tayo.." hinawakan niya ko sa kamay at lumakad na siya..

"Deanna, teka.. Ano ba? May problema ba?" hinila ko ang kamay ko pabalik.

Huminto siya at humarap sakin.

"Jema, di ko naman sinabing sumunod ka dito ah? Oo, dito ako tumakbo. Kasi dito maraming tao, di ko mararamdaman na mag isa ako. Di ko mararamdaman na malungkot ako. Kasi yung katotohanan pa lang na iniwan kita ng walang pasabi, masakit na. Pero wala akong choice. Ayokong maging selfish, Jema. Ayokong kaladkarin ka sa buhay kong patapos na. Paano pag nawala ako ha? Paano ka? Kaya nga gusto ko makapagsimula ka na ulit agad. Ayoko ng patagalin pa yung atin. Masasayang lang yung pagmamahal mo, mawawala din naman ako, Jema.."

Bigla akong natigilan sa lahat ng sinabi niya.. Paulit ulit sa utak ko yung huling sinabi niya 'Mawawala din naman ako, Jema..'

"Alam kong mawawala ka din.. Ilang beses mo ng sinabi yan kahit di pa tayo.. Pero anong magagawa ko, Deanna? Gusto nga kitang makasama, mahal nga kita. Anong gusto mo? Kala mo ba pag iniwan mo ko, kinabukasan di na kita mahal? Naka move on na ko agad? Hindi ganon yun, Deanna.. Hindi ganon ang pagmamahal ko sayo!

Siguro nga mahal na kita nung nagkita tayo non sa island eh. Sayo ko lang naramdaman ulit nun maging totoong masaya, yung hindi pilit. Tapos nagkita ulit tayo, dun ko nasigurado na mahal kita. Tapos gusto mo kalimutan kita basta basta? Paano? Sige nga, paano, Deanna? Ni hindi ako nagdalawang isip sundan ka dito. Please, wag mo naman ako itulak palayo sayo.."

And there, nasabi ko na lahat... Lahat ng gusto kong sabihin sa kanya nung iniwan niya ko bigla.

Hindi siya nagsasalita.. Nakatingin lang siya sakin.. Kitang kita ko paano unti unting bumagsak ang mga luha sa mga mata niya, lahat ng takot sa mga mata niya.

"Natatakot kasi ako, Jema.. Natatakot akong dumating yung araw na sobrang saya natin tapos pag gising mo wala na ko.. Jema, paano na yun? Paano na kita mayayakap non? Paano ko na sasabihin sayo na magiging okay din ang lahat? Paano ko pa mapapalakas ang loob mo non? Paano pa kita madadamayan kung ako na mismo yung nawala sayo? Baka sa sobrang pagmamahal mo sakin, pag nawala na ko, kalimutan mo na din yung mga pangarap mo."

God! Why did you do this to me?! I spent 10 years of my life with the wrong person. Tapos ngayon, nakita ko na yung taong para sakin, kukunin mo naman? Bakit?!

Kung kailan nakita ko na yung taong pinapahalagahan ako, yung mahal yung totoong ako at yung naiintindihan yung mga pangarap ko, saka ganito... Saka wala ng oras..

Gusto ko pa siyang makasama.. Gusto ko pa ng maraming taon kasama siya.. Gusto ko pa ng maraming araw na siya ang una kong makikita pag gising ko at mga gabi na siya ang kayakap ko sa pag tulog ko.

"Jema, I'm sorry! I'm sorry...." naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Deanna..

Umiiyak na pala ako..

"Please, wag ka na umiyak, Jema.. Please..."

Dito na lang ako... Please, dito na lang ako sa mga yakap niya...

"Natatakot din ako, Deanna... Takot na takot.. Wag mo kong iwan....." iniyak ko ng iniyak lahat... Lahat lahat..

"I will try everyday, Jema.. I promise, I will try everyday para sayo..."

StrandedМесто, где живут истории. Откройте их для себя