18

2.5K 129 15
                                    

J

"Are you sure, Ms. Galanza? Sayang naman. Ang tagal mo na dito."

"I'm really sure na po, ma'am."

Nandito ako sa office ng head namin. Nagpasa ako na ako ng resignation letter ko.

"Anong sabi ni Brian regarding this pala? And how about your masters?"

"Actually, ma'am, we called off the engagement. It was actually my decision. Hindi ko na rin po itutuloy yung masters ko."

Yung itsura ng head namin gulat na gulat sa mga sinabi ko eh. Well, siya kasi yung tumanggap sakin dito, siya yung kilala ng mom ni Brian.

"Oh, iha, what happened? Sobrang biglaan naman ata lahat?"

"I know this is for the best po."

"Anyway, iha.. I hope you made a right decision and good luck sa anumang susunod mong journey. Thank you, iha for your service in this university."

Pagkatapos ko magpasalamat, umalis na din ako.. Nakapagfile na din naman ako online ng dropping form ko sa masters ko. I-eemail na lang sakin yung approval.

Sa totoo lang, mas nauna ako pumunta ng Laguna kaysa magfile ng resignation ko, to give respect to my parents.
.
.
.
Flashback

"You called off your engagement and then, you're resigning with your job, Jema? Tama ba ako?" mama said.

Pagdating ko dito sa bahay, si papa lang ang sumalubong sakin. Si mama daw inaantay ako sa loob.

"Yes, ma. Tama po kayo."

"Anong nangyayari sayo? Alam mo bang nagpunta dito si Brian at mommy niya, nagtatanong kung nasaan ka. Hindi ka na daw macontact. Anong problema mo ba, Jema?" alam kong di nagustuhan ni mama ang desisyon ko.

"Ma, wala akong problema."

"Then, bakit ka nakipagbreak kay Brian?!" tumaas na ang boses ni mama.

Si papa nakikinig lang samin.

"I just don't see myself being with Brian anymore, ma."

"Ano, Jema? Ano yun? Bigla ka na lang nagising ayaw mo na kay Brian, ganon ba, Jema? Ha?"

"No, ma.. Ayoko na lang na may kumu-control sa buhay ko. At ganon si Brian. Gusto niya ganito, ganyan. Dapat siya laging nasusunod. Binabago niya ko ma."

"At mali ba yun, Jema? Para naman lahat sa ikabubuti mo yun."

"Sigurado ka ba, ma na napabuti ako?"

"Hindi ba, Jema? You have a good job.. Matatapos mo na nga ang masters mo di ba? Kukunin ka pa nga ni Brian para dun ka magwork sa ospital nila."

"Sa tingin mo ba, ma masaya ako sa ginagawa ko? Tingin mo ba, ma yun talaga ako gusto ko sa buhay ko?"

"Eh ano, Jema? Ha? Dahil sumasakit na ang ulo ko sayo. Ano na lang sasabihin ng ibang tao?"

"Buo na ang desisyon ko, ma at hindi importante sakin ang sasabin ng ibang tao.."

"Pwes, ipaintindi mo sakin. Anong balak mo sa buhay mo ngayon, Jema?"

Kahit kailan talaga walang boses ang tatay ko pag si mama na ang nagsasalita. Nakatingin lang siya samin. Ni wala siyang sinasabi man lang.

"Mag eenroll ako sa UP. Itutuloy ko ang dapat noon ko pa ginawa. Mag aaral ako ng fine arts at magiging magaling na photographer at videographer. Yun ang gusto ko sa buhay, ma.. Sounds insane, pero wala ng makakapigil sakin."

StrandedWhere stories live. Discover now