22

2.6K 128 19
                                    

J

Months passed.. Tapos na ang unang semester ko, ganon kabilis lumipas ang mga buwan ng di ko man lang napapansin.

"Ate Jema, tara lunch tayo.."

"Uy, Jill. Tara kaso okay lang ba may kasama ako?"

Kakalabas lang namin ng room. Tapos na ang huling exam namin for this sem.

"Yiieeee! Si ate Jema may kasama... Sino yan ahhh.." ay, nang asar pa tong batang to. Etong si Jill ang unang naging kaclose ko sa block namin. Batang bata pa at gusto niyang maging animator.

"Nang asar ka pang bata ka... Tara na at baka nagugutom na yun..."

Naglakad na kami palabas ng building..

"Ate Jema, gusto ko tapsilog ahhh mga tatlong order hahaha.."

"Di ka naman gutom na gutom nyan, Jill?

"Nakakagutom yung exam sa math, te haha.."

Grabe nga nakakagutom yung exam namin sa math. English, PE at NSTP ko lang ang na credit kaya yung math inulit ko dito.

Pagdating namin sa kakainan namin wala pa si Deanna. Sabi niya nandito na siya. Umorder na muna kami bago umupo ni Jill.

"Ate Jema, asan na yung kasama mo?"

"Sabi niya nandito na siya. Minessage ko na baka may binili."

"Ate Jema, sino yun? Jowa mo?"

"Hindi hehe.. Kaibigan ko."

"Kunwari pa, kaibigan daw... Yan yung laging nagpupunta dito ate Jema no? Yiiieeehhh.. Finally, mamemeet ko na siya!"

Lakas mang asar nito ni Jill ah kala mo di nag exam sa math eh daming energy. Pero tama naman siya, mamemeet na niya si Deanna haha.

Pano ba naman kasi halos laging nandito si Deanna kahit ang layo layo naman nito sa office niya. Lakas talaga non eh dadayo pa dito para kumain. Iba talaga pag hawak ang oras sa trabaho.

"Hi..." napaangat kami ng tingin ni Jill.

Ohhh... Nandito na siya. Sabay kaming napatayo ni Jill. Saan galing to, di siya nakapang office attire.

"Hey, D.. You're here na. Saan ka galing?"

"Kinuha ko lang to sa kotse, nakalimutan ko eh. Here, J ohh.. This is for you. Congrats! You survived your first semester.." inabot niya sakin ang isang malaking box.

Well, its obvious na doughnuts to from my favorite cafe..

"Wow, D! Thank yoooouuu! Ah, by the way, this is my classmate Jill.."

"Hello, Jill..." bati ni Deanna kay Jill

"Hi po..." si Jill parang baliw ngumi-ngiti ngiti pa sakin ng nakakaloko.

"Tara, upo na tayo.. Inorder na din kita, D ah.."

"Thank, J.."

Magkatabi kami ni Deanna, sa harap namin si Jill. Dumating na din yung order namin.

"Saan ka galing, D? Parang di ka ata nakapang office attire?"

"Di ako pumasok, J.."

"Ohhh? Bakit? Masama pakiramdam mo? May masakit sayo?"

"Hey.. I'm okay, J. Let's go out hehe.. Let's celebrate your achievement, J..."

😊😊😊

"Yiiiieeehhhh..." waaahhhh, Jill! Ano yannn...

StrandedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ